Calamansi for pimples: Paano Gamitin Ang Kalamansi sa mukha?

Namumula at oily na mukha dahil sa pimples? Mayroon akong natural at simpleng solusyon sa iyong problema. Calamansi for pimples? Oo. Ang artikulong ito ay naglalaman ng kaalaman sa kung paano kabisa ang kalamansi sa mukha ng isang tao. Kung nais mong malaman ay magpatuloy sa pagbabasa.

Ano ang calamansi: Mga benepisyo ng kalamansi

Calamansi for pimples? Bago mo malaman kung bakit at paano, alamin muna natin kung ano ang calamansi at kung ano ano ang sustansyang taglay nito na mabisang gamot para sa iyong pimples o taghiyawat.

Ang Kalamansi ay kabilang sa pamilya ng mga citrus fruits. Mayaman ito sa vitamin C na sinasabing maganda sa balat ng tao. Isa sa pangunahing natural na benepisyo ng katas o juice ng kalamansi ay ang tinatawag na skin bleaching agent. Mabisa itong panggamot sa mga dark spots at iba pang discoloration sa balat, nakakatulong din ito sa pagalis ng peklat at pagpakinis ng balat. Kaya hindi nakapagtataka na kilala ang kalamansi na isa sa pangunahing ingredient o sangkap sa ibat ibang beauty products katulad na lamang ng sabon at lotion. Dagdag pa, mayroon rin itong enzyme na tumutulong na mabawasan ang oiliness o pagmantika ng balat, lalong lalo na sa mukha.

Calamansi for pimples? Bago ko sagutin ang katanungang iyan, mas mabuting alamin mo muna kung ano ang pimples o taghiyawat at kung ano ba ang sanhi nito.

Ano ang pimples? Ano ang sanhi ng pimples

Ang pimple o taghiyawat ay isang uri ng pamamaga ng balat na sanhi ng impeksiyon sa glandulang malangis. Kilala rin ito sa tawag na akne, Karaniwan itong parang mga pulang butlig o maiitim na mga tuldok sa mukha na may kasamang malangis langis na likido. Tumutubo rin ito sa ibang bahagi ng katawan ngunit mas karaniwan ito sa mukha dahil sa mas expose ito sa dumi. Ang mga taghiyawat ay lumilitaw kapag tinubuan ng mikrobyo ang balat ng tao na pawisin, madumi at may labis na paglalangis. Gumagawa ito ng pagbara sa mga maliliit na butas ng balat. Mayroon ring mga taong may pimples dahil sa genes ng kanilang pamilya na kaniyang minana.

Pero ang magandang balita ay nagagamot ito, sa katunayan, napakaraming mga nagsisilabasang gamot na may chemical substance ang mabisa para sa pimples. Kaya lang, dahil may sangkap itong kemikal, maaaring mayroon rin itong side effects. Kaya mas maganda pa rin ang natural na pamamaraan ng paggamot nito katulad na lamang ng kalamansi.

Calamansi for pimples: Paraan ng paggamot ng kalamansi sa mukha

Bago ko umpisahan ang paraan ng paggamot ng kalamansi sa mukha, May mga dapat tandaan bago gumamit ng kalamansi. Una, tandaan na hindi lahat na klase ng balat ay maaaring magbunga ng magandang epekto, hindi lahat ng balat ay puwedeng maging hiyang sa paggamit nito. Maari itong magdulot ng iritasyon, pangangati at pagkasunog ng balat lalong lalo na kapag hindi sa wastong paraan ginamit. Kaya importanteng malaman mo ang wastong paggamit ng kalamansi sa mukha. Sundin lamang ng mabuti ang mga ito.

Ang kalamansi ay mabisang gamot laban sa pimples, ang taglay nitong vitamin C na galing sa katas ay lumalaban upang madaling matuyo ang pimples at hindi na lumala pa.

  • Kumuha ng isang kalamansi, mas maganda ang fresh at bagong pitas, siguraduhin rin na walang sira ang gagamitin na kalamansi.
  • Hiwain ito sa dalawa at pigain ang katas sa malinis na lalagyan katulad ng platito o kaya maliit na tasa. Pagkatapos, kumuha ng cotton o bulak at isawsaw ito sa katas ng kalamansi.
  • Ipahid ang bulak na may katas sa mukha na may pimples at siguraduhing pino ang pagkakalagay nito.
  • Hayaan ang katas ng kalamansi sa iyong mukha sa loob ng 15 hanggang 20 minutes bago hugasan ng malinis na tubig.
  • Layunin ng paghugas ng tubig ang maiwasan ang iritasyon sa balat na maaaring magdulot ng pangangati sa sandaling matuyo ang katas sa mukha.

Para naman sa may mga sensitibong balat, gumamit lamang ng kalahating katas ng kalamansi at haluan ito ng kaunting tubig, ang paraan ng pag apply sa mukha ay walang pagkakaiba sa mga hindi sensitibo ang balat.

Hindi lamang mabisang gamot sa pimples ang kalamansi, maganda rin itong pampaputi, gawin ang paraang ito tatlong beses sa isang linggo bago matulog.

At kapag nasubukan mo na, makakakita ka kaagad ng magandang resulta sa loob lamang ng isang linggong paggamit.

Taandaan lamang, huwag itong gagamitin araw araw dahil maaari itong magdulot ng pagkasira sa balat dahil sa tapang ng katas nito at taglay nitong citrus.

Huwag rin maglagay ng katas ng kalamansi habang nakabilad sa init at huwag kakalimutang hugasan ang mukha pagkatapos ng 15 hanggang 20 minutes na pagkakalagay.

Paano makakaiwas sa pimples? Mga dapat iwasan ng may pimples

Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng pimples, lalo’t higit sa mga taong nasa genes ang nasabing impeksyon, pero katulad ng ibang impeksyon, maaari mo rin itong maiwasan. Ang pagalaga sa sarili ay napakahalaga, ugaliin ang paghilamos ng mukha bago matulog at tuwing pagkagising sa umaga. At kung lalabas naman at hindi maiwasang ma expose sa isang maalikabok na lugar, agad na hugasan ang mukha at pahiran ito ng malinis na tela o panyo. Kung pawisin ka naman, huwag hahayaang matuyo ang pawis sa iyong mukha. Kagaya nga ng sabi ko, ang pagpapawis ng mukha ay isang sanhi ng pagkakaroon ng taghiyawat. Bukod sa paggamit ng kalamansi sa mukha, ugaliin rin ang pagkain ng mga masustansyang pagkaing katulad ng gulay at prutas at iwasan ang mga mamantika at matatabang pagkain, iwasan rin ang paginom ng alak at paninigarilyo. Para naman sa mga babae na gumagamit ng make up, alisin ang make up at hugasan ang mukha bago matulog. Ingatan at alagaan ang sarili upang makaiwas sa problema at stress, at higit sa lahat maging malinis sa katawan.

Kapag mayroon ka ng pimples, huwag na huwag mong titirisin ito sapagkat maaari itong magdulot ng pag peklat kapag nasugat at naimpeksyon, lalo kapag madumi ang mga kuko. Iwasan rin kapag may taghiyawat ang masyadong pagbibilad sa araw, ang init na dala ng sikat ng araw ay maaaring makapagparami ng iyong taghiyawat. Uminom ng walo hanggang sampong baso ng tubig araw-araw, at maligo ng regular.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Calamansi for pimples: Paano Gamitin Ang Kalamansi sa mukha?
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO