Kulugo Treatment: Mabisang Gamot sa Kulugo

Ang kulugo o sa Ingles ay tinatawag na wart,  at  may pangalang medikal na verruca, ay isang maliit at magaspang na bukol o tumor na kadalasang makikita sa mga kamay at paa ngunit maari ring matagpuan sa iba pang bahagi ng katawan. Kung minsan, ang mga kulugo ay maaaring mayroong maiitim na mga tuldok-tuldok. Dahil ito sa virus na tinawag na human papillomavirus (HPV). Nakakahawa ito sa pamamagitan ng pagdikit sa balat na kinaroroonan ng kulugo ng maysakit o di kaya paghiram ng mga gamit ng taong may kulugo. May mga tao na madaling mahawahan ng mga kulugo. Kalimitang nawawala ang mga kulugo makalipas ang ilang buwan, ngunit maaari itong tumagal nang ilang taon at maaring tumubo ulit. Ang anumang bahagi ng katawan ay maaaring tubuan ng kulugo.

Ang artikulong ito ay tutulong sa iyo na maunawaan ang mga bagay na kailangan mong malaman ukol sa kulugo. Pag-uusapan din natin epektibong gamot sa kulugo o mga paraan sa pagtanggal nito.

Ano ang mga sintomas ng mga kulugo?

Ang kulugo ay madaling mapansin dahil sa nakaumbok at butlig na itsura nito. Ang laki ng kulogo ay nag iiba-iba depende sa kung anong uri ng kulugo na dumapo saiyo. Ang mga sintomas ng kulugo ay nakadepende rin sa kinalalagyan nito. Mahapdi ang mga kulugo at hindi komportable ang pakiramdam ng taong mayroon nito. 

Ano ano ang mga uri ng mga kulugo? 

Mayroong apat na pangunahing uri ng kulugo:

  • Verruca vulgaris
  • Verruca plantaris
  • Verruca plana
  • Verruca acuminata

Ang verruca vulgaris o ang tinatawag na common hand wart ay ang kulugong nasa mga kamay. Ang ordinaryong kulugo ay kadalasang tumutubo sa mga daliri ng kamay at paa. Ito ay magaspang at may bilog na hugis. Ang ordinaryong kulugo ay mas kulay abo kumpara sa nakapalibot na balat. Ang verruca plantaris o ang tinatawag na foot wart ay ang mahapding kulugong nasa mga paa. Ang kulugong ito ay tumutubo lamang sa sakong ng paa. Hindi katulad ng ibang kulugo, ang kulugong plantar ay tumutubo sa mismong balat at hindi umuusli. Kung mapansin mo na ang iyong paa ay may maliliit na butas na napapaligiran ng nanigas na balat, malamang na ikaw ay nahawa ng ganitong uri ng kulugo. Ang verruca plana o ang tinatawag na flat wart ay ang maraming mga kulugong lumilitaw sa mukha, leeg, kamay at tuhod, na may katangiang maliliit at patag ang anyo. Ang verruca acuminata o ang tinatawag na genital wart ay ang kulugo na isang uri ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na lumilitaw sa mga ari o organong seksuwal ng kalalakihan at kababaihan. 

Gamot sa kulugo

May kulugo ka? Ano ba ang mabisang gamot sa kulugo? Upang malabanan ang kulugo, kailangang palakasin ng isang tao ang kanyang resistensya. Yamang ang sanhi ng kulugo ay ang virus, ang isa sa pinaka magandang paraan ay ang palakasin ang iyong resistensya para malabanan ito. Maraming tao ang nag sasabi na lumalabas ang kulugo kung ang isa ay mahina, at pagod.

Makakatulong din kung magkakaroon ang isa ng sapat na tulog araw araw na pag eehersisyo. Kumain ng masusustansyang pag kain gaya ng astragalus, elderberry, olive leaf, vitamin C, zinc, turmeric at ang cat’s claw . Makakatulong ang mga pagkaing ito upang mas lalong lumakas ang iyong resistensya.

Epektibo rin ang aloe vera, dahil ang halamang ito ay nagtataglay ng malic acid na nakakagamot sa ilang uri ng kulugo. Maaring kumuha ng aloe vera at dahan dahang ipahid ito sa kulugo.

Kabilang sa mga gamot sa kulugo ang pagpapatingin sa doktor.  Maaaring magmungkahi ang doktor ng kulugo remover upang tunawin ang kulugo sa pamamagitan ng asidong salisiliko (salycilic acid). Maraming may kulugo ang gumagamit ng salicylic acid, ipinapahid ito sa kulugo ng ilang beses hanggang sa ito ay matuyo at mawala. Mas makabubuti na ibabad muna sa tubig ng 15 minuto ang kulugo bago pahidan ng salicylic acid. Ang gamutang ito ay maaaring magtagal ng isa hanggang dalawang linggo. Ang isa pang paraan na maaaring irekomenda ng doktor ay ang pagsasagawa ng kriyosiruhiya o cryosurgery, pagpapalamig sa bahaging apektado upang matanggal ang kulugo. Maari din subukan ang paggamit ng laser o ang paggamit ng matinding liwanag o ang tinatawag na kulugo laser treatment  upang alisin ang kulugo. Ginagamit din ang papamamaraang ito sa pag tanggal ng kulugo  ang elektrokauterya(electrocautery) na pagsunog at pagtanggal sa kulugo sa pamamagitan ng kuryente, at ng iba pang mga pamamaraan ng paggamot o pagtanggal ng kulugo.

Kailan ka dapat na magpatingin sa doktor?

Kailangan mong magpatingin sa doktor kung mayroon kang kulugo sa mukha o sa iba pang sensitibong parte ng katawan tulad ng ari, bibig at butas ng ilong at napansin mong nagdurugo ang iyong kulugo o kaya may napansin kang sintomas ng impeksyon tulad ng nana sa palibot ng kulugo at kung ang iyong kulugo ay masakit at nagiiba-iba nang kulay ang ganitong uri ng kulugo ay mapanganib at hindi dapat ipag walang bahala. Matutulungan ka ng doktor na masuri kung anong uri ng kulugo ang mayroon ka at maaring makapag bigay ang doktor ng angkop na gamot sa iyong kulugo.

Maraming paraan upang maiwasan mo ang kulugo. Kung ikaw ay meron na nito, may mga paraan din upang hindi na ito humawa pa sa ibang parte ng iyong katawan at sa ibang mga tao.Ugaliing maghugas ng kamay ng ilang ulit sa loob ng isang araw, lalo na kung nakahalubilo ang isang taong may kulugo.Huwag pipisain ang kulugo maari itong dumami. Takpan ang kulugo ng bandage at panatilihing tuyo ang mga paa at kamay.Ang kulugo ay kadalasang nawawala ng kusa matapos ang isa o dalawang taon ng pagkakaroon nito. Ngunit maaari din naman itong lumala kung hindi malalapatan ng angkop na lunas. 

Safe ba ang lahat na treatments o gamot para sa kulugo?

Ang wart treatments ay nangangailangan ng pasensya. Ang katunayan na maraming treatment ang kulugo ay nagpapakita na walang isang pinaka mabisang lunas. Maari kang mag karoon ng kulugo at mawala na lang kahit hindi mo ito ginagamot. Ang ibang mga kulugo ay tumutubo,  malapit sa main wart at ang iba naman ay sa ibang bahagi ng katawan. Hindi naman masyadong masakit ang kulugo maliban na lang kung tumubo ito sa mga bahagi ng katawan na prone sa mga pressure or friction gaya ng palad at talampakan. May mga kulugo treatment na epektibo sa iba pero meron namang hindi epektibo sa iba. Ang mga treatment method ay nangangailangan ng maraming session na pwedeng umabot ng ilang buwan o mas matagal pa.

KATULAD NA MGA ARTIKULO