Ano Ang Gamot sa Nalalagas na Buhok?

Ang pagkalagas ng buhok ay talaga namang nakakabalisa. Kung minsan ay nakakatakot din na baka ang pagkalagas ng iyong buhok ay humantong sa pagkakalbo. Kaya naman marami ang nagtatanong, ano ang gamot sa nalalagas na buhok? Ano ano ang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok?

Ano ang pagkalagas ng buhok?

Karamihan sa mga babae at lalake na may edad na 50 pataas ay nakararanas na ng paglagas ng buhok. Sa ganitong edad ay nagbabago na ang pagtubo ng ating buhok, na kung saan ang strands ng buhok ay mas nagiging pino na. Kahit na natural lamang na nangyayari ito ay hindi naman ibig sabihin na wala na itong remedy o lunas. Mayroong gamot sa nalalagas na buhok.
Ano-anong gamot sa nalalagas na buhok, at bakit nalalagas ang buhok?

Bakit nalalagas ang buhok?

Ang pagkalagas ng buhok ay may maraming dahilan, katulad ng hereditary, hormonal change, medical conditions, at medication. Ang mga ganitong sanhi ng pagkalagas ng buhok ay maaaring mangyari sa kahit na anong edad, mapa-bata man o matanda. Sinasabing ang kadalasang pagkalagas ng buhok na-uuwi sa pagkakalbo ay hereditary ang dahilan. Makabubuting magpatingin muna sa doktor bago gumawa ng treatment o gamot sa nalalagas na buhok.

Sintomas ng nalalagas na buhok

Mayroong iba-ibang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok, kaya naman ay may iba-iba rin itong sintomas. Mayroong dahan-dahan na nalalagas ang buhok mayroon namang bigla na lamang nalalagas ang buhok. Narito ang ilang sintomas ng nalalagas na buhok.

Dahan-dahang pagnipis ng buhok sa ibabaw ng ulo. Ang ganitong sintomas ay karaniwan na sa mga nagkaka-edad na. Sa mga lalake kung minsan ay dahil sa pagkalagas ng buhok ay nagiging parang letter M ang hugis ng buhok sa kanilang noo. Ang mga babae naman ay kadalasan na hindi naman lumalawak ang noo ngunit nagiging manipis naman ang buhok nila sa ibang parte ng ulo.

Mga bilog o kaya tagpi-tagpi na panot sa ulo. Ang ganitong sintomas ay kadalasan na sa anit ang problema, kung minsan ay naaapektohan pati ang balbas at kilay. Kung minsan ay makati at masakit ang anit bago pa man malagas ang buhok.

Biglaan na pagkalagas ng buhok. Ang biglaan na pagkalagas ng buhok ay madalas na mga dulot ng kabalisahan, kapag nagsuklay ka at nakita mong maraming naiwan na buhok sa suklay o kaya sa pag shower mo ay nakita mo na maraming natangay na buhok ay tiyak na mangangamba ka na maaring makalbo ka.

Tuluyang pagkalagas ng buhok. Ang ganitong pagkalagas ng buhok ay kadalasang sanhi ng medical treatment katulad ng chemotherapy dahil sa cancer, ngunit bumabalik lamang o tumutubong muli ang buhok pagkatapos ng treatment.

Iba pang mga dahilan kung bakit nalalagas ang buhok

Hormonal changes

Ang hormonal imbalances ay maaaring magdulot ng panandaliang pagkalagas ng buhok. Ang kadalasang sanhi nito ay ang pagbubuntis, panganganak, at simula ng pag-memenopause. Ang hormone level ay maaaring makaapekto sa thyroid gland, at magdulot ng pagkalagas ng buhok.

Patchy hair loss

Ang ganitong pagkalagas ng buhok ay tinatawag na Alopcia Areata ito ay nagyayari kapag mahina ang immune system kaya nalalagas ang buhok, at kung minsan ay may mga bilog-bilog na panut sa ulo.

Scalp infections

Ang ganitong sitwasyon ay dahilan sa ringworm o isang infection sa anit na nagdudulot din ng pagkalagas ng buhok. Kapag ang infection ay nagamot tumutubo naman muli ang buhok at bumabalik sa dati.

Other skin disorders

Ang mga sakit sa balat tulad ng lichen planus, lopus at sarcoidosis ay nagdudulot ng tuluyang pagkalagas ng buhok.

Hair-pulling disorder

Ang ganitong kondisyon ay tinatawag ding thricotillomania na kung saan tuloy-tuloy at hindi mapigilan ang pagkalagas ng buhok at kilay pati na rin ng balahibo sa katawan.

Medications

Mayroong pagkalagas ng buhok na dulot ng mga gamot na iniinom. Ang mga sakit tulad ng cancer, arthritis, depression, heart problems, high blood pressure, at birth control at sobrang vitamin A. Ay kadalasang nakakapagpalagas ng buhok.

Mga natural na paraan o gamot sa nalalagas na buhok

Itlog: Gumamit ng itlog para gamutin ang paglagas ng buhok

  • Batihin ang 1-2 itlog
  • Ilagay sa buhok at anit at saka masahehin
  • Iwanan ito sa anit ng 30 minuto
  • Banlawan ng tubig gamit ang mild na shampoo

Olive oil: Mabisang lunas sa hair loss

  • Painitan ang olive oil na kasing init ng body temperature
  • I-massage ang maligamgam na olive oil sa anit at ulo
  • Iwanan ng 30-45 na minuto
  • Banlawan ng tubig gamit ang mild na shampoo

Abokado: halamang gamot sa paglagas ng buhok

  • Haluin ang 1 abokado at 1 kutsarang olive oil
  • Ilagay sa anit at buhok
  • Iwanan ng 30 minuto
  • Banlawang mabuti at gumamit ng mild na shampoo

Ang katas ng orange, castor oil, at aloe vera gel ay mabisa ding gamot sa nalalagas na buhok.

Ang kakulangan ng nutrisyon ay isa ring dahilan kung bakit nalalagas ang buhok. Kaya dapat lamang na maging malusog ang katawan para maging malusog din ang buhok.

Narito ang mga pagkain na makatutulong para maging malusog ang buhok.

  • Salmon – mayroon itong mataas na protina at fatty acids
  • Itlog – mayroon itong protina, iron at omega-3
  • Walnuts, almonds at iba pang nuts – na mayroong fatty acids
  • Greek yogurt o iba pang yogurt – na mayroong protein
  • Green, black, pinto at iba pang beans – na mayroong protein

Ang pagkain ng ganitong pagkain ay maituturing na gamot sa nalalagas na buhok. Ang mga tao na kumakain ng 3-4 na servings ng ganitong pagkain ay sinasabing mabilis na tumutubo at gumaganda ang buhok.

Mga dapat tadaan:

Mga sanhi ng pagkalagas ng buhok

  • Aging
  • Hereditary
  • Hormonal change
  • Medical conditions
  • Medication

Mga sintomas ng pagkalagas ng buhok

  • Dahan-dahang pagnipis ng buhok sa ibabaw ng ulo.
  • Mga bilog-bilog o kaya tagpi-tagping panut sa ulo.
  • Biglaang pagkalagas ng buhok.
  • Tuluyang pagkalagas ng buhok.

Mayroong mga paraan at gamot sa nalalagas na buhok, kailangan lamang na alamin ang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok, para mabigyan ng karampatang lunas. Ang tamang kaalaman sa kung ano ang sanhi ng pagkalagas ng buhok at mga sintomas nito ay mahalaga. Makatutulong ang pagkain ng masustansiya para mging malusog ang katawan at ang buhok, Iwasan din ang mga kinaugalian na mkakasira sa buhok. Higit sa lahat ay magkaroon ng healthy lifestyle.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Gamot sa Nalalagas na Buhok?
5 (100%) 1 vote

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO