Gamot sa Peklat: Mabisang Mga Gamot na Pampawala ng Peklat

Nahihiya dahil sa mga peklat sa katawan at mukha? Naghahanap ka ba ng mabisang gamot na pampawala ng peklat? Ang artikulong ito ay mapagkukunan mo ng kaalaman sa kung ano ang peklat, ano-ano ang mga uri ng peklat, ano ang sanhi nito, at kung ano ang mabisang gamot para mawala ang iyong mga peklat sa balat.

Ano ang peklat: Mga uri at sanhi ng peklat

Bago natin talakayin ang gamot sa peklat, Kailangan magkaroon ka muna ng malalim na pagkaintindi sa scar o peklat. Dito malalaman mo kung paano tukuyin kung anong uri ng peklat meron ka, at kung ano ang dapat mong gawin para mawala ito.

Ang peklat ay isang lugar ng fibrous tissue na nagpapalit sa isang normal na balat matapos ang isang injury o pinsala. Ang pagkakaroon ng peklat ay isang bayolohikal na proseso ng natural na pagaling matapos ang isang sugat sa balat. Nangyayari rin ito sa loob ng ating mga organ at iba pang tissues n gating katawan. Maraming sanhi ang pagkakaron ng peklat, maaari mo itong makuha sa isang aksidente, kagat ng hayop, taghiyawat o akne, at kahit sa sa simpleng pagkamot sa balat.

Napapansin mo ba na magkakaiba ang hugis at texture ng iyong mga peklat sa balat? Alam mo bang mayroon ring mga uri ang ito? Narito ang mga uri ng peklat na dapat mong malaman:

  • Flat scars – Ito ang pinaka karaniwan sa lahat ng uri ng peklat. Ang patag na peklat ay kadalang sanhi ng mga minor na pinsala katulad ng sunburn, pagkamot sa balat, rashes, allergy, at mga simpleng sugat.
  • Hypertrophic scars – Ang uri ng peklat na ito ay kadalasang nangyayari dahil sa isang liblib sa collagen production. Hindi katulad ng flat scars, ang uri ng peklat na ito ay makapal ngunit hindi naman lalampas sa orihinal na pinsala ng balat.
  • Keloid scars – Ito naman ang uri ng peklat na kadalasang mas malaki sa orihinal na pinsala ng balat, Makapal rin ito, at karaniwang nakaangat ng bahagya mula sa layer ng ating balat. Ang keloid scars ay kadalasang sanhi ng malalim at matitinding pinsala o injury sa balat.
  • Stretch marks – Ang uri ng peklat na ito ay sanhi ng matinding pagkabanat ng balat ng isang tao. Kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagbubuntis, biglaang pagtaba o pagdagdag ng timbang, at sa adolescent growth spurts.

Ang peklat ay kadalasang nagiging permanente depende sa uri nito. Pero huwag kang mangamba dahil mayroon ng mga iba’t ibang paraan para mawala ito. Paano? Magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa.

Gamot sa peklat: Natural na paraan na pampawala ng peklat

Ang pagkakaroon ng peklat lalo sa mukha ay nakakaapekto sa pang araw-araw na pakikisalamuha natin sa mga tao. Nakakabawas ito ng self-confidence at may mga pagkakataon ring nakapanghihina ito ng loob sa tuwing tumutingin ka sa salamin, o kaya ay pinupuna ito ng iba. Para matulungan ka sa iyong problema, may inihanda ang artikulong ito na mag bibigat sa iyo ng idea kung paano malunasan ang iyong problema. Narito ang mga natural na gamot sa peklat:

  • Honey – Ang pagamit ng honey sa balat ay mabisang gamot sa peklat. Ang bitaminang galing sa honey ay nagsisilbing natural na moisturizer. Mahusay rin ang honey sa pagtanggal ng mga naipong patay na selula sa ating balat na siyang sanhi ng peklat. Ilagay ang honey sa mismong peklat at takpan ito ng isang malinis na tela. Gawin ito bago matulog at banlawan ng mabuti pakagising sa umaga.
  • Lemon juice – Una, hugasan muna ng mabuti ang mga peklat. Pagkatapos ay kumuha ng cotton ball o bulak at isawsaw ito sa lemon juice. Ipahid ito sa balat na may peklat at hayaan sa loob ng 10 minutes. Banlwan ito ng mabuti pagkatapos.
  • White onion – Kudkurin ang isang piraso ng malusog na sibuyas. Pigain ito para makuha ang katas. Ipahid ito sa peklat at hayaang matuyo sa loob ng 15 minutes. Banlawan ito pagkatapos isagawa.
  • Aloe vera – Kung walang natural na aloe vera sa bahay, maaaring gamitin ang nabibiling aloe vera gel sa mga drug store. I-apply ang gel at imasahe ito sa balat na may peklat. Gawin ito 2-3 beses sa isang araw para sa mas magandang resulta.
  • Olive oil – Ang olive oil ay mayaman sa vitamin E na kilalang bitamina na maganda sa balat. Gumamit ng extra virgin olive oil na nabibili sa mga grocery store. Ipahid ang oil saiyong balat at hayaan ito sa loob ng 30 minutes. Kung gusto mo ang mas magandang resulta, puwede mong hayaan ang oil saiyong balat buong magdamag.

Iba pang uri ng mga gamot sa peklat

Kung medyo hustle saiyo ang mga nabanggit, at walang panahon dahil busy sa trabaho. Maaari mo ring subukan ang mga over the counter drugs na gamot sa peklat. Mayroon nitong mga cream, sabon, lotion, injectables, at kahit mga iniinom na chemical peels. Siguraduhin lamang na mag pakonsulta sa isang doktor sa balat upang mabigyan ka ng reseta na mas babagay saiyo. Maaari ka ring magtanong sa mga pharmacist sa drug store kapag bibili ka nito. Kung ang iyong mga peklat ay sanhi ng pabalik-balik na acne, maaari mong subukan ang derma roller. Ano ito? Ang derma roller ay isang uri ng aparato na ginagamitan ng ibang uri ng karayom. Mabisa itong gamot sa acne at gayundin sa mga peklat na dulot nito. Yun nga lang, ang ganitong proseso ay nangangailangan ng paulit-ulit na procedure. Ibig sabihin, hindi kaagad ito magbibigay ng magadang resulta unless, kung gagawin mo ito ng ilang session.

Gamot sa peklat: Subukan ang laser treatment!

Kapag malala ang kondisyon ng balat at hindi na kayang gamutin gamit ang natural na pamamaraan, maaari kang komunsulta sa dermatologist at magsagawa ng laser treatment. Ginagamitan ng iba’t ibang uri ng laser ang pagtanggal sa maraming uri ng peklat. Isang halimbawa ang pagamit ng yellow laser sa peklat na katulad ng keloids at hypertrophic scars. Kumpara sa ibang paraan ng pagamot, ang laser treatment ang pinakamabisa at epektibo sa lahat. Kaya lang, medyo may kamahalan ito at hindi pang masa ang presyo.

Ang mga paraan at gamot na nabanggit ay talagang napatunayang mabisa alin man sa mga ito ang gusto mong subukan depende sa estado ng iyong pamumuhay.

KATULAD NA MGA ARTIKULO