Mabisang Pampaputi ng Peklat

Hindi ka ba confident sa sarili mo dahil sa peklat sa balat? Worry no more! May mga paraan na ngayon kung paano masosolusyonan ang problema mo. May pampaputi ng peklat na mabibili sa merkado. Kailangan lang ng mag-ingat sa pagbili. Hindi lahat ng gamot o pamahid an nabibili ay ligtas gamitin sa balat Sa artikulong ito, matututunan mo kung paano malalaman kung paano pumili ng pampaputi ng peklat na safe gamitin.

Maraming uri ng ganitong pampaganda ng balat. Kabilang na rito ang cream, spray, sabon at lotion. Ngunit alin bas a mga ito ang pinakamabisa? Siguradong gustong-gusto mo nang madiskubre ang mga paraan ng pampaputi ng paklat. Malamang, gusto mo na ring mawala ang sagabal sa pagsusuot mo ng mga revealing clothes. Hindi magiging madali ang pagpapakinis ng balat. Ito ay nangangailangan ng panahon, pasensiya at tiyaga.

Kung minsan, kailangan ding gumastos, pero hindi naman kailangang malaki ang perang ilalaan sa pagtanggal ng peklat. May mga gamot na pampaputi ng peklat kang madidiskubre na nasa abot-kayang halaga. Basta’t siguraduhin lang na hindi ka magkaka-allergic reaction sa mapipili mong produkto. Sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito, mas maiintindihan mo pa ang mga dapat gawin para mapaputi matanggal ang peklat.

Mga pwedeng gawin para pumuti o matanggal ang peklat

Sa sobrang dami ng mga produktong pampaputi ng peklat, kung minsan ay nakakalito na kung alin talaga ang pipiliin. Nariyan ang gamot na ipinapahid katulad ng potassium aminobenzoate. Hindi man ito lubos na nakakatanggal ng peklat, pero malaki ang nababawas nito sa pagiging halata ng marka sa balat. Maaari ring gumamit ng ointment na gawa sa silicon gel. Ito ay ipinapahid din sa apektadong bahagi ng balat.

Para naman sa mga may pera o budget para sa pampaputi ng peklat, puwede nang magpa-opera o sumailalim sa cosmetic surgery. Maaaring baguhin nito ang itsura ng balat mo para mawala nang tuluyan o hindi na mahalata ang peklat mo. Ngunit kailangan a ring maghanap ng magaling na cosmetic surgeon para masiguro ang pagkawala ng peklat. May mga operasyong nag-iiwan ng peklat.

Ang pagtanggal ng peklat sa balat ay naaayon din sa posisyon nito sa katawan. May mga lugar na maaaring ibalot sa pamamagitan ng pressure dressing para mabawasan ang pagiging halata. Ngunit importante pa rin sa lahat ang pagpapatingin sa mga espesiyalista. Sila ang higit na nakakaalam kung ano ang nababagay na pampaputi ng peklat sa iyo.

Mga remedyong sa bahay lang makikita

Kung minsan, akala natin, napakamahal magpagamot at magpaputi ng peklat. Ang hindi natin alam, madalas, nasa tabi lang pala natin ang solusyon. Ang mga produktong rekomendado sa artikulong ito ay napakadaling hanapin. Hindi na kailangan pang maging aprubado ng doktor kung ang mga ito ay gagamitin. Dahil sa all-natural na sangkap ng mga ito, makatitiyak sa kaligtasan ng paggamit, alin man ang mapipiling remedy.

May mga taong halaman ang itinatapal sa peklat upang ito ay pumuti at tuluyan nang mawala. May mga iba namang likido gaya ng espesyal na mantika ang gamit para sa garantisadong paglisan ng marka. Kung ikaw ay nasa estado pa lamang ng pagpili ng remedyo, ipagpatuloy lang ang pagbabasa ng artikulong ito. Mas madidiskubre mo pa ang mga dapat gamiting pampaputi ng peklat mo.

Mga all-natural na pampaputi ng peklat

Sabila – mas kilala ito sa tawag na ‘alove vera.’ Ito ay natural na pampaputi ng peklat dahil sa mga all-natural na sangkap na tumutulong para palusugin ang mga damaged cells ng balat na dulot ng peklat. Kaya naman garantasiado itong nakapagpapaganda ng kutis.

Virgin Coconut Oil – ito ay unique ingredient na garantisadong makakatanggal at makakaputi ng peklat. Ang oil na ito ay may taglay na sangkap na nakakapagpabilis ng pagkupas ng marka sa balat. At dahil ito ay my Vitamin E na alam ng nakararami bilang anti-oxidant, tumutulong ito para maiwasan ang pamumuo ng mga bagong peklat.

Oil sagana sa Vitamin E – kagaya ng nabanggit na, ito ay may taglay na antioxidant na nakakatulong para pumuti ang peklat. May taglay din itong moisturizing element na nakapagpapabalik ng sigla ng balat. Ang kagandahan pa ng Vitamin E ay, pinapaganda nito ang itsura ng peklat habang ito ay pinapaputi.

Olive Oil – Ang alam ng mas nakararami, ito ay ginagamit lamang para sa pagluluto ng pagkain o panghalo sa salad. Ang good news dito ay, magagamit din ang olive oil para pantanggal ng peklat! Ito ay isang mabisang sangkap na pampaputi ng peklat dahil ito ay mayaman sa Vitamin E. Tumutulong ito para mapanatiling makinis at malambot ang balat. Higit sa lahat, ito ay nakakatulong din para ayusin ang nasirang balat sa katawan.

Kalamansi Juice – ang bunga ng kalamansi ay nagtataglay ng alpha hydroxyl acid na nakapanggagamot ng sari-saring sakit sa balat gaya ng peklat. Isa pa, naaalis ng kalamansi ang dead cells. Bilang nagtataglay ng Vitamin C, ito ay may kakayahan din itong makapagsauli ng balat na nasira.

Honey – Marami rin ang hindi nakakaalam na ang honey ay mainam na pampaputi ng peklat. Ang honey ay natural moisturizer. Ito ay mabisang nakakatanggal ng peklat. Ito ay tumutulong para maiwasan ang pag-buildup ng dead cells sa balat. Pinapabilis din nito ang pagtubo ng mga bagong tissue.

Paraan ng paggamit

Hindi nga ba’t napakadaling hanapin ng mga nabanggit na pampaputi ng peklat? Ang mas mainam pa diyan ay, napakadali rin ng paraan ng paggamit! Halimbawa na lamang sa sabila. Alisin lamang ang panlabas na balat ng dahon at kunin ang malapot na laman ng dahon nito. Ipahid ito sa balat at ikuskos ang mismong sabila ng pabilog ang direksiyon sa peklat. Iwanan ng kalahating oras at banlawan ito gamit ang malamig ng tubig. Gawin ng 2 beses araw-araw. Tandaan, hindi dapat gamitin ang sabila sa bukas na sugat.

Para naman sa virgin coconut oil, mag-init ng kaunti ng langis na ito. Maglagay ng mainit-init na oil sa mga palad at ihilot ito sa balat kung saan may peklat. Hilutin ng 5 hanggang 10 minuto. Pabayaan ito ng hanggang isang oras para makapasok ng husto sa peklat ang oil. Para maging mas mabilis mapaputi ang peklat, gawin ito ng 2 beses araw-araw.

Sa mga gagamit ng Vitamin E, magbukas ng ilang piralsong capsule na Vitamin E at kunin lamang ang oil. Ipahid ito sa peklat at masahihin ng hanggang 10 minuto. Iwanang ng hanggang 20 minuto. Hugawan ang peklat gamit ang malamig na tubig. Ulitin ito ng 2 hanggang 3 ulit araw-araw.

Kung olive oil ang choice mo, maglagay ka ng mainit-init na oil sa balat kung saan may peklat at ihilot ito ng pabilog. Patagalin ng 30 minuto at pahiran ang langis gamit ang malinis na damit o tela. Maaari ring pabayaan ang langis sa balat ng magdamag. Katulad ng sa Vitamin E, gawin ang proseso ng 2 hanggang 3 beses kada araw para sa mas mabilis na epekto.

Ang kalamansi ang pinakamadaling hanapin sa loob ng bahay. Maglagay o magpahid ng katas nito sa balat kung saan may peklat. Kung maselan ang balat, maaaring haluan ng tubig o oil ng Vitamin E kapag ipinahid sa peklat. Maghintay ng 10 minuto bago ito banlawan gamit ang malamig na tubig.

Kung may honey na sa bahay, diretso lang ilagay ang honey sa balat. Takpan ito ng malinis na tela o benda at iwanang nakatakip magdamag. Pagkagising sa umaga, hugasan ito gamit ang malamig na tubig. Ulitin ang proseso bago matulog sa gabi.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mabisang Pampaputi ng Peklat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO