Paano Kuminis at Pumuti: Mga Tips Para Kuminis at Pumuti Ang Balat!

Gusto mo bang kuminis at pumuti? Naghahanap ka ba ng mabisang tips para kuminis at pumuti ang iyong balat? Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo ng iba’t ibang klase ng paraan para magkaroon ka ng makinis at maputing balat.

Benepisyo ng makinis at maputing balat

Paano kuminis at pumuti? Bago natin talakayin ang bagay na ito, alamin muna natin kung ano ang ibinibigay na benepisyo ng pagkakaroon ng makinis at maputing balat sa isang tao. Malalaman mo dito kung bakit napakarami ang naghahangad na magkaroon ng katangiang ito. Ano-ano ba ang bentahe ng pagiging makinis at maputi mapa babae man o lalaki?

  • Youthful appearance – Kapag mayroon kang makinis at maputing balat, nakakadaya ito ng hitsura. Kasi nagmumukha kang mas bata kumpara sa sinasabi ng numero ng iyong edad. Isa ito sa mga advantage ng pagiging makinis at maputi kumpara sa mga balat na kulukulubot at maraming wrinkles.
  • Confidence – Napakadaling maging confident sa sarili dahil alam mong mayroong kang makinis at maputing balat na nakakapag pabata saiyo. Kapag mas bata kang tingnan ay nakukuha nito ang atensiyon ng mga taong nakapaligid saiyo. Nagiging dahilan ito ng pagdagdag ng bilib saiyong sarili o self-confidence.
  • Easy care – Ang makinis at maputing balat ay mas madaling alagaan kumpara sa nasirang balat sanhi ng wrinkles, rashes, sunburns, at pimples. Hindi katulad ng nasirang balat na kailangan ng maraming gamot para lamang maging maasyos tingnan, ang makinis at maputing balat ay simpleng moisturizer at lotion lamang ang kailangan.
  • Better cosmetics – Kapag makinis ka at maputi, marami ang cosmetic products na iyong puwedeng pagpilian. Hindi katulad ng ibang balat, ang maputi at makinis ay hindi mahirap suotan ng make-up, hindi rin nito kailangan ang iba’t ibang concealer para itago ang mga sirang balat na sanhi ng pimples at marami pang iba.

Hindi ba’t maganda ang magkaroon ng mga benepisyong ito? Kagaya ng sinabi ko, tutulungan ka ng artikulong ito para ma achieve mo ang magkaroon ng makinis at maputing balat!. Magpatuloy lamang saiyong pagbabasa.

Natural na paraan para kuminis at pumuti ang balat

Naghahanap ka ba ng mabisa ngunit ligtas na paraan para kuminis at pumuti? Sa dami ng mga nagsisilabasang gamot na pampakinis at pampaputi, minsan ay nakakalito na at hindi ka tuloy makapag pili. Idagdag mo pa ang pangangamba na baka mayroon itong side effects na maaaring sumira ng tuluyan sa iyong balat. Paano ka ba makakaiwas sa ganito? Subukan mo ang tatlong natural na pamamaraang ito!

Lemon juice solution

Noon pa man ay kilala na an gang juice ng lemon bilang mabisang pampakinis at pampaputi ng balat. Ang juice nito ay nagtataglay ng acids na nagsisilbing skin bleaching agent at exfoliant. Tinatanggal nito ang mga kulubot at dark spots sa iyong balat. Ang resulta ay kikinis at puputi ang iyong balat.

Paraan ng pagamit: Dahil nga ang lemon ay mayroong acid, maaari itong makairitate saiyong balat. Ang gawin mo ay maghalo ng katas ng isang lemon sa malinis at tamang dami ng tubig para makabuo ka ng lemon juice solution. Kumuha ng cotton ball o bulak at isawsaw ito sa juice. Pagkatapos, ipahid ito sa iyong balat at hayaan sa loob ng 15 minutes. Banlawan ng maayos ang iyong balat matapos itong isagawa.

Lemon milk soak

Para kuminis at pumuti ang balat, gumamit ng gatas o full-fat milk para sa full body lightening treatment. Ang enzyme na taglay ng gatas ay mabisang pampakinis at pampaputi ng balat. Puwede rin itong gamiting moisturizer.

Paraan ng pagamit: Pigain ang isang lemon sa isang tasa ng full fat milk. Haluin ito ng mabuti para sa mas epektibong solution. Iagay ito sa iyong pampaligo at magbabad sa loob ng 20 minutes. Pagkatapos ay magbanlaw. Gawin ito isang beses sa isang linggo.

Yogurt honey mask

Katulad ng gatas, ang yogurt ay mayaman rin sa enzymes na nakakakinis at nakakaputi ng balat. Idagdag pa ang honey bilang moisturizer at anti-bacterial agent.

Paraan ng pagamit: Paghaluin ang honey at yogurt ng maayos. Pagkatapos ay ipahid ito sa iyong mukha at buong katawan. Hayaan itong matuyo sa loob ng 15 minutes. Pagkatapos ay banlawan ito ng maligamgam na tubig.

Paano kuminis at pumuti: Kumain ng gulay at prutas!

Para sa mga taong gustong kuminis at pumuti kaagad, Lahat ng paraan ay susubukan. Pero alam mo bang nasa paligid mo lamang ang isa sa mabisang solusyon para makamit ang pinapangarap na balat? Ano-ano ang mga tinutukoy ko? Hindi lingid sa kaalaman natin na ang gulay at prutas ay napakahalaga sa ating katawan, ang hatid nitong benepisyo ay ligtas at walang katumbas. Kaya naman hindi na natin ito patatagalin pa. Ang vitamin E at C ay mga kilalang bitamina na maganda para sa balat, katulad na lamang ng kamatis. Ang kamatis ay nagtataglay ng lycopene at ant-oxidant na nag po-protekta sa balat laban sa matinding sikat ng araw. Inaayos rin nito ang mga nasirang cells ng balat kaya mabisa ito para sa katulad mong gustong kuminis at pumuti. Bukod sa kamatis, ano-ano pa bang mga gulay at prutas ang makakatulong saiyong balat? Narito ang mga sumusunod:

  • Papaya
  • Lemon
  • Orange
  • Bayabas o guava
  • Mansanas
  • Strawberry
  • Cucumber
  • Mga berdeng gulay

Sabon at lotion para kuminis at pumuti

Aminin man natin sa hindi, mayroon talagang mga tao na mahina ang paniniwala pagdating sa mga gulay at prutas bilang isang mabisang gamot. Kung ano man ang kanilang rason at karanasan ay hindi rin natin sila masisi. Kaya naman mas nagtitiwala sila sa mga produktong may kemikal ngunit dumaan naman sa wastong proseso. Katulad na lamang ng mga nagsisilabasang mga sabon at lotion na pampaputi at pampakinis ng balat. Karaniwan sa mga sabon at lotion na ito ay mayroong sangkap na gluthatione na mabisang pampakinis at pampaputi. Kaya kung ang pagamit ng ganitong produkto ang gusto mo para saiyong balat, Narito ang ilan sa mga produktong tiyak na makakatulong saiyo para kuminis at pumuti:

  • Kojie San Skin Lightening Soap
  • Belo Intensive Whitening Bar
  • Olay Skin Whitening Bar
  • Vitapack 8 in 1 Whitening soap
  • Royale L-Gluta Power Whitening Soap
  • Top Gel Whitening Soap

Kung nasagot ng artikulong ito ang iyong katanungan ay sundin na lamang ng maayos ang mga nabanggit sa itaas. Anumang paraan ang iyong gusto, ang mahalaga, lahat ng mga ito ay epektibo at makakatulong saiyo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO