Gamot sa Eyebags: Paano Mawala Ang Eyebags?

Nangingitim ba at tila namamaga ang ilalim ng iyong mata? Baka may eyebags ka. Ang artikulong ito ay makakatulong saiyo na malaman kung ano ang sanhi ng eyebags at kung paano mawala ang eyebags.

Paano mawala ang eyebags: Mga sanhi ng eyebags

Paano ba mawala ang eyebags? Bago natin sagutin ang katanungan na iyan ay alamin muna natin kung ano ba ang eyebags at ang sanhi kung bakit ka mayroon nito. Labis ba ang iyong pagpupuyat? Stressed ka ba at kulang sa tulog? Kapag palaging puyat ka at kulang sa tulog, nababawasan ang laman o fats sa ilalim ng iyong mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang iyong mata, ito ang tinatawag na eyebags. Ang pagkakaroon ng eyebags ay nagpapahiwatig na pagod na pagod ang iyong mata, ang balat na nakapaligid dito ay numinipis at sobrang nagiging sensitibo, dahil yan sa pamamaga ng maliliit na ugat ng mata at nagiging sanhi ng pagkakaipon ng tubig sa balat.

Kapag malala ang kondisyon ng eyebags, namamaga ito at kung minsan naman ay may kaunting pangingirot. Dahil sa pagkasira ng mga ugat sa mata nagiging abnormal ang pagdaloy ng dugo at nagiging resulta ang pangingitim nito. Madalas itong nagiging problema ng mga kabataan dahil sila ang mga mahilig mag puyat, ang cellphone at internet at ang ibat ibang gadget na nauuso ay isang pangunahing dahilan ng pagpupuyat ng mga kabataan. Ang tanong, paano mawala ang eyebags? Mayroon bang mabisang gamot para matanggal ang eyebags? Kung nais mong malaman, magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa.

Gamot sa eyebags: Ano ang mabisang pantanggal ng eyebags?

Bago ko sagutin ang tanong tungkol sa kung paano mawala ang eyebags, nabanggit ko sa unang bahagi ng artikulong ito na ang pangunahing sanhi nito ay ang kakulangan sa tulog at stress. Pero alam mo bang ang sobrang pagtaba ng isang tao ay sanhi rin ng eyebags? Karaniwan rin ito sa mga nagkakaedad na at mga matatanda. Upang masolusyunan ang iyong problema, narito ang mga sumusunod na paraan na pampawala ng eyebags, at gamot sa eyebags:

  • Kumuha ng pipino at ibabad ito sa yelo, kapag malamig na, hiwain ito sa dalawang manipis na piraso at pagkatapos ay ilagay ito sa iyong dalawang mata. Manatiling nakahiga sa loob ng 25 minuto habang nakalagay ang pipino sa iyong mata. Magaalis ito ng pamamaga at magbibigay ng bagong sigla sa iyong mga mata. Ang natural na lamig na nasa pipino ay magbibigay sa mga mata ng kinakailangan nitong pahinga. Meron din itong sangkap na nag aalis ng pamamaga ng balat.
  • Ang paginom ng walo hanggang sampong baso ng tubig araw-araw ay makapagpapabilis sa pagtanggal ng eyebags at manunumbalik ang dating ganda ng mata.
  • Kumuha ng tea bag at palamigin ito sa loob ng refrigerator. Kapag malamig na ang tea bag, ilagay na ito sa iyong mata, mahiga at mag relaks sa loob ng 20 hanggang 30 minutes. Ang natural na lamig na nasa pipino ay nakapagbibigay ng sapat na pahinga sa iyong mga mata at makakatulong sa pagkawala ng pamamaga at pangingitim nito.
  • Ang patatas ay isa ring mabisang gamot sa eyebags, mag palamig ng patatas sa loob ng refrigerator o kaya bumili ng dalawang yelo at ibabad ito. Kapag malamig na ang patatas, hiwain ito sa maninipis na bilog at ilagay sa iyong mga mata. Mahiga sa loob ng 20 minutes habang nakalagay ang pipino sa mga mata mo. Makakatulong ang paraan na ito sa pagtanggal ng pamamaga at pangingitim.
  • Kung walang pipino at patatas sa loob ng bahay at wala ng sapat na oras para bumili sa tindahan o palengke, Kumuha na lamang ng kutsara at ibabad ito sa yelo. Kapag sapat na ang lamig, ipatong ito sa iyong mga mata at mahiga sa loob ng ilang minuto hanggang sa mawala ang lamig ng kutsara. Mabisa rin itong pantanggal ng pamamaga at pangingitim at pampawala ng eyebags.
  • Mayroon rin namang mga tao na normal sa kanila ang pagkakaroon ng namumugtong mga mata. Ang gatas ay isa ring mabisang gamot sa eyebags, nakakatulong ito sa pagtanggal ng stress at pagod sa iyong mga mata, at ang natural na lamig nito ay nagtatanggal ng pamamaga at pangingitim na dulot ng eyebags.

Ang mga nabanggit sa itaas ang ilan sa pinakamabisang gamot sa eyebags, sundin lamang ng maayos ang mga sumusunod at tinitiyak ko saiyo na manunumbalik ang sigla at ganda ng iyong mga mata.

Pagiwas sa stress at pagod mabisang pampawala ng eyebags

Paano mawala ang eyebags? Ito ang pinakasimpleng paraan. Sabi nga, prevention is better than cure, kaya naman ang pagiwas sa stress at pagod ang siyang pinakamabisang gamot sa eyebags. Likas sa mga Pilipino ang pagiging masipag kung kaya minsan, hindi talaga maiwasan ang mapagod at ma stress ngunit mayroon namang paraan upang magkaroon ng sapat na pahinga, kailangan ito ng iyong katawan lalo sa mga nagkakaedad na. Para naman sa mga kabataan, iwasan ang masyadong pagbabad sa cellphone at computer, ang radiation na dulot ng mga gadgets na ito kasabay ng labis na pagpupuyat ay malaking sanhi ng pagkakaroon ng eyebags. Maglaan ng tamang plano sa paggamit ng mga ito at magkaroon ng disiplina sa iyong sarili.

Pagbago ng lifestyle: Isang paraan kung paano matanggal ang eyebags

Kung ikaw ay bata at mahilig sa gimmick, iwasan ang ganitong sistema upang makaiwas sa eyebags. Ang paginom ng alak, paninigarilyo at kasabay ng pagpupuyat ay isa pang dahilan ng pagkakaroon ng eyebags. Kapag lasing at puyat, nagdudulot ito ng stress sa katawan ng tao. Para naman sa mga office worker na ang trabaho ay sa harap ng computer at madalas mag overtime, hindi talaga maiiwasan ang magpuyat at ma stress. Kaunting payo lamang para sainyo, magkaroon kayo ng proper diet, umpisahan ninyo sa pagkain ng mga masustansyang pagkain at sabayan ng wastong exercise, maglaan rin ng panahon para sa pagtulog tuwing day off. Sa paraang ito, lalakas ang iyong katawan at ang iyong immune system at makakaiwas ka sa mga simpleng karamdaman katulad na lamang ng eyebags.

KATULAD NA MGA ARTIKULO