Ligtas na Paraan Kung Paano Pumuti ang Balat

Ilang tao na ang nabalitaan mong lalong nasunog ang mukha habang gumagamit ng produktong pampaputi? Scary, di ba? Ikaw tuloy, gustong-gusto mong pumuti pero malamang, natatakot kang sumubok. Kung hanggang ngayon ganito pa rin ang pakiramam mo at naghahanap ka pa rin ng mabisang paraan kung paano pumuti ang balat mo, you are in the right page. Kung nawawalan ka ng pag-asa, think again. Dahil ang totoo, puputi ka pa!

Hindi dahilan ng pagiging pagiging epektibo ng isang produkto ang mahal na presyo nito. Dapat ay wide-ranged ang choices mahal man o mura. Mahalaga rin na hindi puro sa mga kilalang tatak at mamahaling produkto lamang magtitiwala. Madalas, nahahanap ang matagal nang gustong masubukan sa mga di-kamahalang produkto. Kung minsan naman, mas mahahanap pa ang pinakamabisang produktong pampaputi kung saan ang mga ito ay libre o di kaya’y nasa paligid lang.

Alternatibong remedyo para pumuti ang balat

Kung walang masyadong pera, huwag mag-alala. Hindi kinakailangang maglabas ng libo-libong pera para sa maganda at maputing kutis. Tatlon lang ang kailangan: gatas, bigas at pipino. Kung mayroon nito sa bahay mo, maipagpapatuloy mo na ang iyong pagpapaputi. I-tsek na ang iyong kusina at pantry para malaman mo kung mayroon ka na ng mga ito.

Ang gatas, maging ang iba pang mga produktong mayroon nito ay may lactic acid na nakakapagpaputi ng balat. Ito rin ay nakapag-aalis ng lumang balat para palitan ang mga skin cells ng mas bago at mas masiglang katangian.

Bukod sa pagiging basic need nating mga Pilipino, ang bigas ay maaari ring maging alternatibong produkto sa pagpapaputi. Ito ay may natural sunscreen na nilalabanan ang pagkasunog ng balat na dulot ng matinding sikat ng araw. Ang dinurog na bigas na inihahalo sa maligamgam na tubig hanggang sa lumapot ay ipinapahid sa mukha at iba pang maiitim na parte ng katawang nais paputiin.

Isa pang paraan kung paano pumuti ang balat ay ang paggamit ng pipino. Ito ay nakakatulong para maging masigla at mas maputi pa ang balat. Dahil sa ito ay halaman at walang halong kemikal, ang hiwa-hiwang pipino ay ligtas gamitin ng kahit sino. Ito ay diretang itinatakip sa parte ng balat na pinapuputi.

Kalamansi at niyog para sa mabilisang pagputi

Huwag iisiping wala nang pag-asang pumuti pa! Habang nabubuhay, may pag-asa. Huwag manghinayang sa mga oras na sa palagay mo’y nasayang noong sumubok ka sa mga produktong pampaputi na ‘wa epek’ naman pala. Ituring mo na lamang silang leksiyon o aral sa buhay. May alternatibo pang paraan. Nagtatanong-tanong ka pa rin ba kung paano pumuti ang balat ng mabilis pero walang gastos?

Dalawa ang pangunahing sangkap na puwede mong subukan. Ang mga ito ay garantisadong matipid at tiyak na hindi ka na malulugi. Ang kalamansi at niyog ay tried, tested and proven nang epektibong solusyon para pumuti ang balat. Pigain ang kalamansi sa malinis na lalagyan. Kumuha ng bulak at ipahid ito sa maitim na parte ng katawan. Hayaang matuyo ng hanggang 15 minuto bago banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

Ang niyog ay isa pang napakabisa at napakabilis na sangkap sa pagpapaputi. Ang sabaw nito ay hindi lang nakapagdudulot ng pagiging maputi. Ito rin ay nakapagpapalambot ng balat. Para malaman kung paano pumiti ang balat gamit ang niyog, isawsaw lamang ang bulak sa sabaw nito. Ipahid sa mukha at iba pang parte ng katawang gustong paputiin. Sa natural remedy na ito, hindi na kailangan pang magbanlaw.

Puwede ring inumin ang sabaw ng niyog. Ito ay para mapigilan ang pagkakaroon ng tuyot at kulubot na balat. Ang tuloy-tuloy na paggamit ng kalamansi o niyog sa katawan ay tunay nakapagpapabilis ng pagputi ng balat.

Mga tips na makakatulong kung paano pumuti ang balat

Huwag makuntento sa bleaching o whitening products lamang para pumuti. Mahalaga rin ang tamang pangangalaga bago pa man maghanap ng paraan kung pano pumuti ang balat. Dapat tandaan na ang pagputi ay naaayon at depende sa kalusugan ng balat. Kung ito ay kulubot at tuyot, maaring hindi umepekto ang mang ipahid dito.

  1. No smoking. Isapuso ang katagang ito na madalas makita sa mga signages. Kung matagal nang ginagawa ang bisyo, mas mabuting tumigil na. Ang sigarilyo ay nakapagdudulot ng pagkulubot ng balat at maagang pagtanda nito .
  2. Ugaliin ang pagpapahid ng sunblock araw-araw. Kahit na hindi lalabas, huwag kalilimutang gumamit nito ng regular. Ang matinding init ng araw ay sadyang nagdudulot ng sira at sunog na balat.
  3. Uminom ng tubig, 8 baso o higit pa, araw-araw para mapanatiling moisturized ang kutis. Hindi pa ito ang direktang paraan kung paano pumuti ang balat. Subalit, ito ay mabisang hakbang sa preparasyon sa pagpapaputi.
  4. Siguraduhing wala nang make-up pag natulog. Maaaring magdulot ng pamamara sa pores ng balat ang mga kemikal na mayroon ang cosmetic products na gamit. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagkasira ng kutis.
  5. Tamang nutrisyon lang ang kainin. Ang pagkonsumo ng maraming prutas at gulay araw-araw ay nakapagbibigay ng kakaibang ningning sa balat. Siguradong bibilis ang pagputi kung ang mga kakainin ay iyun lamang mga masusustansiya.

Suriing mabuti ang gagamiting produktong pampaputi

Sobrang dami na ng mga beauty products na mabibili sa merkado. Ngunit importanteng malaman at maging mapanuri dahil ang ilan sa mga ito ay may carcinogenic chemicals na maaaring ikamatay ng isang tao. Kung pipiliin pa rin ang mga produktong nabibili, siguraduhing mapagkakatiwalaan ang tatak ng binibili.

On a tight budget man, laging tatandaang mas mahalaga pa rin ang magiging epekto ng tatangkiliking produkto sa balat. Okay lang gumastos ng kaunti, kung nakasisiguro namang ligtas ang pangkalahatang kalusugan. Kumonsulta muna sa doktor, bago gamitin ang kahit anong pampaputi ng balat.

Kung hindi ka pa rin kumbinsido sa mga homemade creams at mga natural na sangkap na napipitas lang sa bakuran, maghanap ng brand na may magandang reviews mula sa mga nakagamit na. I-search o hanapin sa internet ang mga kumpanyang nagbebenta ng all-natural na pampaganda. Alamin din kung peke o orihinal ang binibiling produkto upang hindi maloko.

Pero para makatiyak kang ligtas at tama ang produktong pampaputi na ginagamit o gagamitin pa lang, piliin na lamang ang natural na alternatibong nairekomenda na. Ang mga ito ay nasubukan na ang bisa at nakaya pa ng bulsa.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ligtas na Paraan Kung Paano Pumuti ang Balat
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO