5 Tips Na Pampaganda Ng Buhok

Marami sa atin ay mayroong sinusunod na mahigpit na beauty regimen upang mapanatili na smooth and shiny ang ating mga buhok. Sa katunayan, aabot sa milyun-milyong dolyar ang napupunta sa mga produktong pampaganda ng buhok.

Kapag pinag-uusapan ang kagandahan, karapat-dapat lamang na bigyan ng mas malalim na pagpapaphalaga ang paggamit ng mga natural na ingredients o sangkap kaysa sa mga commercially-available beauty products, sapagkat ang mga kemikal at toxins na matatagpuan sa mga ito ay magdudulot ng masamang epekto sa katagalan.

Maraming mga epektibo at natural na pampaganda ng buhok ang matatagpuan sa iyong kusina na hindi mo dapat balewalain.

Ito ang Top 5 all-natural ingredients na makakatulong upang ma-achieve mo ang iyong beautiful, healthy hair na walang sabit.

Pampaganda ng buhok tip #1: Olive Oil

Ang Olive Oil ay kilala sa kakayahan nito na mapalambot, mapakintab, at mas gawing matibay ang buhok. Madali at malalim itong nakakapasok sa ugat ng buhok upang mapanatili ang moisture nito.

Maari mong subukan ang routine na ito upang mas maging maganda ang iyong buhok.

Masahiin ang iyong anit (scalp) gamit ang mainit-init na olive oil sa loob ng ilang minuto. I-cover ang iyong buhok gamit ang shower cap o tuwalya at hayaan ito ng 30 hanggang 45 minuto. Pagkatapos ay gumamit ng shampoo upang malinis ang natitirang olive oil. Gawin ang hair care treatment na ito dalawang beses sa isang linggo upang maging healthy ang iyong buhok.

Pampaganda ng buhok tip #2: Avocado

Ang prutas na avocado ay isang humectant – nakakatulong sa pagpapanatili ng moisture. Ito’y nakakatulong hindi lamang sa pagpapaganda buhok kundi maging sa balat at mga kuko. Hitik ang avocado sa mga Healthy fat, Vitamin E, at Protein na mahusay na pampaganda ng buhok.

Mula sa abokado maari kang gumawa ng isang hair mask.

Paghaluin ang 1 mashed ripe avocado at 1 tablespoon ng jooba oil/olive oil at yoghurt. I-apply ang mask sa mamasa-masang buhok at lagyan ng shower cap. Iwanan sa loob ng 1 oras at banlawan gamit ang mainit-init na tubig. Upang makita ang magandang resulta, ulitin ang routine na ito, 1 beses sa isang linggo. Maari ka rin gumamit ng avocado oil at masahiin ito sa iyong buhok, 1 hanggang 2 beses sa isang linggo.

Pampaganda ng buhok tip #3: Green Tea

Mayaman sa 5-alpha-reductase ang green tea. Ito ay isang enzyme na pumipigil sa DHT (dihydrotestosterone), isa sa pangunahing dahilan ng pagkawala ng buhok o hair loss.

Upang maalagaan at makatulong sa malagong pagtubo ng buhok, gawin ang sumusunod 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

Magpakulong ng 3 -4 baso ng green tea depende sa haba ng iyong buhok. Kapag lumamig na ito, unti-unting ibuhos ang tsaa sa mamasa-masang buhok at hayaan ng 10 minuto. Gumamit ng banayad na shampoo pagkatapos.

Pampaganda ng buhok tip #4: Lemon

Isa pang magaling na pampaganda ng buhok na makikita mo lamang sa iyong kusina ay ang lemon. Ang mga sangkap nito ay epektibong solusyon sa problema sa dandruff at pangangati. Nakakatulong ito upang mabalanse ang pH level ng anit upang maka-iwas sa mga impeksiyon at makatulong sa maayos na pagtubo ng buhok.

Haluin ang katas ng 2 lemon sa isang baso ng tubig. Maglagay ng shampoo at banlawaan ang iyong buhok bago ilagay ang hair treatment na ito. Pagkaraan ng 5 minuto ay banlawaan itong muli. Ulitin ito 1 o 2 beses sa isang linggo.

Pampaganda ng buhok tip #5: Coconut Oil

Sa isang pag-aaral na inilathala noong taong 1999 ng Journal of Cosmetic Science, nalaman na nakakatulong ang paggamit ng coconut oil bilang prewash conditioner para maiwasan ang hair damage. Epektibo rin ito sa mga chemically-treated na buhok tulad ng rebond. Ang hydrophobicity na matatagpuan sa langis ng buko ang dahilan kung bakit mahusay itong pampaganda ng buhok.

Masahiin ang iyong anit ng mainit-init na coconut oil bago matulog. Kinabukasan, gumamit ng shampoo at banlawaan. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO