Ano Ang Mabisang Pampakapal ng Buhok?

Kapag bata pa sa parati ay malusog at makapal ang buhok mapababae man o lalake, ngunit habang nagkakaedad kadalasan ay nagiging manipis na ang buhok. May mga pagkakataon pa nga na nalalagas ito na nakakalbo, at madalas din na nangyayari ito sa mga kalalakehan. Ano-ano ang mga dahilan ng pagnipis at pagkalagas ng buhok at paano natin ito maiiwasan? Syempre pa, ano ang dapat gawin bilang pampakapal ng buhok? Basahin mo nang buo ang artilkulong ito!

Mga dahilan ng pag nipis ng buhok

Ang pagnipis o pagkalagas ng buhok ay isang nakakabalisang kondisyon, ito ay mas madalas na nangyayari sa mga lalake, bagamat mayroon ding pagkakataon na nalalagas o numinipis din ang buhok ng mga babae. Ang pagkalagas at pagnipis ng buhok ng mga lalake ay kung minsan ay nauuwi pa nga sa pagkakalbo.

Narito ang ilang dahilan ng pagnipis o pagkalagas ng buhok

  • Natural aging o pagtanda
  • Genetics
  • Poor nutrition – o kulang sa nutrisyon
  • Sobrang paggamit ng chemical hair products
  • Reaction or allregies – dahil sa mga chemical na sangkap
  • Illness – o karamdaman

Ano man ang maaaring naging dahilan ng pagnipis o paglagas ng buhok ay mayroon naman mga paraan na pampakapal ng buhok.

Mga paraan na pampakapal ng buhok

Narito ang mga bagay na maaari mong subukan bilang pampakapal ng buhok. Karamihan sa mga ito ay readily available sa bahay mo!

Itlog. Ang itlog ay mayroong mataas na protina na kailangan upang maging malakas ang katawan at maging makapal ang buhok. Sa palagiang paggamit ng itlog ay kakapal at titibay ang buhok.
Batihin ang 2 itlog, ilagay sa scalp o anit at basain ng bahagya ang buhok, iwan ito ng 30 minutes at saka banlawan ng maligamgam na tubig at gamit ang mild na shampoo.

Maaari ding haluan ng tubig at oil ang itlog – maghalo ng 1 kutsarang olive oil, 2 kutsarang tubig, isang egg yolk at saka haluing mabuti. Ilagay sa anit at sa tuyong buhok, iwang ng 15 minutes at saka banlawan ng maligamgam na tubig at gumamit ng mild na shampoo. Gamitin ang egg treatment na ito 1-2 beses sa isang linggo ng mga ilang linggo para sa mabilis at magandang resulta.

Olive oil. Ang olive oil ay mayaman sa omega-3 acids at iba pang nutreints na kailangan ng buong katawan at malusog na buhok. At kapag inilagay itong derekta sa anit ay makatutulong ito para kumapal ang buhok. Ang olive oil ay mayroon ding kakayahan na magpalambot ng buhok at pasiglahin ang scalp o anit.
Gawing maligamgam ang olive oil, i-massage ang oil sa anit at sa buhok, iwan ng 30-45 minutes, at saka banlawang mabuti gamit ang mild shampoo. Pwede ring lagyan ng honey ang olive oil, hayaan ito overnight at lagyan ng shower cup para mabalot ang buhok.

Orange puree o katas ng orange. Ang vitamin c, pectin at acid ng orange ay makatutulong sa buhok ng tao sa maraming paraan. Ang vitamins at nutrients ay tumutulong para kumapal at kuminang ang buhok. Ang acids ng orange ay umaalis ng mga natitirang chemical na dulot ng hair product na siyang nakakagambala sa pagtubo ng buhok. Hindi katulad ng ibang treatment, ay orange ay mayroong kanais-nais na amoy na pwede mong i-enjoy habang ginagawa ito.

I-blend ang fresh na orange at i-massage ang katas nito sa anit o buhok iwan ng 1 oras pagkatapos ay banlawan. Pwede ring gumamit ng mild na conditioner para marehydrate ang buhok pagkatapos ng orange puree treatment.

Aloe gel. Ang aloe vera ay pinaniniwalaang makabubuti sa anit at buhok. Ang derektang pag-apply nito sa anit at buhok ay makatutulong upang maging makapal at matibay ang buhok. Marami na ring mabibiling mga produkto na mayroong aloe vera, merong gel at meron ding cream maari din itong i-apply derekta sa anit at buhok. Pwede ring ilagay ang mismong aloe vera sa anit at buhok, maaari din itong lagyan ng coconut oil o olive oil. Gawin ang treatment na ito 1 beses o kaya ay 2 beses sa isang linggo.

Avocado. Ang avocado ay mayaman sa vitamin E na mabisang moisturizer. Haluin ang avocado at 1 kutsarang olive oil, ilagay sa anit at buhok, iwan ng 30 minutes at saka banlawang mabuti ng tubig gamit ang mild shampoo.

Castor oil. Ang castor oil ay mayroon ding vitamin E at fatty acids, ang vitamin E ay kilalang mabuti sa kalusugan ng buhok. Ang castor oil ay madaling gamitin dahil wala na itong mga preparasyon. Ilagay ang castor oil sa anit at buhok, haplosin hanggang lahat ay malagyan iwan ito ng 30 minutes at pagkatapos ay banlawang mabuti.

Kung minsan ang pagnipis o pagkalagas ng buhok ay dahil sa nutritional defiency o tinatawag na Alopecia, mayroon din namang dahil sa maluhang sakit. Makabubuting sumangguni sa isang doktor kapag sa tinggin mo ay nararanasan mo ito.

Mga pagkain na pampakapal ng buhok

Para kumapal ang buhok ay kailangan din ng masustansiyang pagkain. Upang magkaroon ng tamang sustansiya at maging malusog ang buhok ay kailangan din na malusog ang buong katawan. Ang ating buhok ay gawa sa keratine, ang keratine naman ay proteins kaya naman ang pagkain natin ang mga pagkaing mayaman sa proteins ay maibabalik ang kinang at ganda ng ating buhok.

Ang isda

Ay mayaman sa proteins, ang salmon tuna, mackerel at sardines ay mayroon ding omega-3 at fatty acids na makabubuting pampakapal ng buhok at pang pakinang nito.

Nut and seeds

Ang almonds, walnuts, hazelnuts, cashewnuts, pumpkin sseds. At sunflower seeds ay mayaman sa vitamin E at biotin. Ang biotin ay nagsisilbing sun shield para protektahan ang buhok sa UV rays, at ang biotin ay pumipigil din sa paglagas ng buhok.

Green leafy vegetables

Ang maberdeng gulay ay mayroong iron na tumutulong upang hind maging marupok ang buhok.

Carrots

Ang carrots ay mayroong beta-carotene o vitamin A, kapag kulang sa vitamin A ay maaring ng dry scalp at dandruff.
Narito pa ang mga karagdagang pagkain na pampakapal ng buhok:

  • Itlog
  • Yogurt
  • Berries
  • Beans and pulses
  • Prunes
  • Shrimp

Makatutulong din ang uminom ng maraming tubig 8-10 basa araw-araw.

Ang pagnipis o pagkalagas ng buhok ay maaaring mabigyan ang solusyon. Sa tamang mga kaalaman at paraan ay mabibigyan ito ng lunas para hindi na ito humantong sa pagkakalbo. Ang pampakapal ng buhok ay maaaring nariyan lamang sa ating mga kusina at bakuran. Kung ang iyong kondisyon sa tingin mo ay dahil sa ibang karamdaman na nararamdaman mo sa iyong katawan ay agad na sumangguni sa iyong doktor.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Mabisang Pampakapal ng Buhok?
5 (100%) 1 vote

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO