Pampakinis ng Balat: Mga Tips Kung Paano Kuminis Ang Balat

Gusto mo bang kuminis at maging maganda? Nangangarap ka ba na magkaroon ng mala porselanang kutis ngunit tila mukhang suntok sa buwan? Ang artikulong ito ay sadyang isinulat upang makatulong sa mga kagaya mong gustong kuminis ang balat. Gusto mo bang malaman? Pagusapan natin ito!

Sanhi ng pagkaroon ng magaspang na balat

Mapa babae man o lalaki ay nagnanais na magkaroon ng isang picture-perfect na balat. Anumang trabaho at katayuan sa buhay, matanda man o bata, estudyante man o isang propesyonal na manggagawa, iisa lamang ang kanilang gusto sa kanilang balat, ang maging maganda at makinis ito.

Kaya lang, dahil sa dumi at polusyon ng kapaligiran ay hindi maiwasan na maapektuhan ang iyong balat. Ang mga dumi at polusyon na ito ay maaaring maging sanhi ng blemishes, acne, wrinkles, malalaking pores, at idagdag mo pa ang mga ginagamit na cosmetics na mayaman sa kemikal. Pagpinag sama sama ang mga ito at naipon saiyong balat, nagiging dahilan ito ng pagkaroon ng magaspang na kutis. Isang katangian na iniiwasan ng lahat.

Kapag ang iyong balat ay mahina at masyadong expose sa polusyon at init ng araw, mas madali itong tamaan ng iba’t ibang sakit sa balat na maaaring sumira dito. Kaya naman kailangan talaga ng wasto at maayos na pangangalaga sa iyong balat para lamang kuminis ito. Kagaya ng sinabi ko, nakasulat sa artikulong ito ang iba’t ibang tips na siguradong makakatulong saiyo. Ano-ano ito? Magpatuloy lamang saiyong pagbabasa.

Natural na paraan na pampakinis ng balat

Kahit napakarami ng mga nagsisilabasang mga skin care products sa merkado, at lahat ng mga ito may pangakong makakapagpakinis saiyong balat, Karamihan sa mga ito ay may kamahalan ang presyo at hindi ka pa nakakasigurado sa resulta. At dahil rin mga chemical products ito, idagdag mo na rin ang pangangamba na baka mayroon itong side effects na maaaring tuluyang sumira sa iyong balat. Bakit pa ba susubok nito gayung nasa paligid mo lamang ang puwedeng makatulong saiyo. Ano ba ang mga tinutukoy ko? Alamin natin.

Katas ng lemon

Noon pa man ay kilala na ang ang juice ng lemon bilang mabisang pampakinis ng balat. Ang juice nito ay nagtataglay ng acids na nagsisilbing skin bleaching agent at exfoliant. Tinatanggal nito ang mga kulubot at dark spots sa iyong balat. Ang resulta ay kikinis ang iyong balat.

Dahil nga ang lemon ay mayroong acid, maaari itong makairitate saiyong balat. Ang gawin mo ay maghalo ng katas ng isang lemon sa malinis at tamang dami ng tubig para makabuo ka ng lemon juice solution. Kumuha ng cotton ball o bulak at isawsaw ito sa juice. Pagkatapos, ipahid ito sa iyong balat at hayaan sa loob ng 15 minutes. Banlawan ng maayos ang iyong balat matapos itong isagawa.

Yogurt at honey

Katulad ng gatas, ang yogurt ay mayaman rin sa enzymes na nakakakinis ng balat. Idagdag pa ang honey bilang moisturizer at anti-bacterial agent.

Paghaluin ang honey at yogurt ng maayos. Pagkatapos ay ipahid ito sa iyong mukha at buong katawan. Hayaan itong matuyo sa loob ng 15 minutes. Pagkatapos ay banlawan ito ng maligamgam na tubig.

Lemon at gatas

Para kuminis ang balat, gumamit ng gatas o full-fat milk para sa full body lightening treatment. Ang enzyme na taglay ng gatas ay mabisang pampakinis ng balat. Puwede rin itong gamiting moisturizer.

Pigain ang isang lemon sa isang tasa ng full fat milk. Haluin ito ng mabuti para sa mas epektibong solution. Iagay ito sa iyong pampaligo at magbabad sa loob ng 20 minutes. Pagkatapos ay magbanlaw. Gawin ito isang beses sa isang linggo.

Kamatis

Ang fresh at malusog na kamatis ay isang mahusay na skin toner. Mainam rin itong treatment para sa blemishes at pimples.

Gumamit ng ilang piraso ng kamatis at ilagay ito blender para makuha ang buong katas. Pagkatpos, ipahid ito sa iyong balat kabilang ang mukha at hayaan ito sa loob ng 10 minutes. Gawin ang paraang ito araw-araw para sa mas mabilis na resulta.

Baking soda

Ang baking soda ay mahusay na skin bleaching agent na nagtatanggal ng mga patay na selula sa ating balat kung kaya’t nagiging makinis at glowing ang balat.

Paghaluin ang isang kutsarita ng baking soda sa dalawang kutsara ng coconut oil. Paghaluin ito at imasahe sa mukha. Hayaan ito sa loob ng 15 minutes pagkatapos ay banlawan ng mabuti.

  • Water treatment: Pampakinis ng balat!

Pampakinis ng balat gamit ang tubig? Tama! Isa sa pinakasimpleng paraan para magkaroon ng makinis na balat ay ang paginom ng maraming tubig araw-araw. Kapag rehydrated ang balat mo dahil sa tubig, makakaiwas kang magkaroon ng dry skin. Ang tubig rin ay tumutulong upang i-flush out ang mga toxins at dumi sa ating katawan at inaalis rin nito ang dead skin cells sa balat na siyang nagiging sanhi ng pangungulubot.

Ugaliin rin ang pagkain ng mga watery fruits o mga prutas na mayaman sa tubig. Ano-ano ba ang mga prutas na mayaman sa tubig? Narito ang mga sumusunod:

  • Pakwan
  • Pinya
  • Orange
  • Strawberry
  • Ubas
  • Raspberry

Isa pang mabisang gamit ng tubig para sa pampakinis ng balat ay ang paghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw. Hindi pa kasama rito ang pagpaligo. Ang paghilamos ng tubig ay nakakatulong sa kalusugan ng balat at tinatanggal rin nito ang mga sumiksik na dumi na nagiging sanhi ng pores enlargement.

Paano kuminis ang balat: Wastong diet!

Ito na ang pinakamabisang paraan sa lahat. Bukod sa hindi ka gagastos ng malaki sa pabalik-balik sa mga derma clinic, ligtas at mabisa rin itong paraan. Alam mo ba na kung marunong ka lamang pumili ng mga pagkain na ipapasok mo sa iyong katawan ay hindi mo po-problemahin ito? Ang katawan natin ay nakadesensyo para tumanggap ng iba’t ibang bitamina galing sa mga pagkain. Bawat bitaminang ito ay may kanya-kanyang ring benepisyo sa ating kalusugan. Ang tanong, ano bang mga bitamina ang nakakapag pakinis ng balat? Saan bang pagkain ito nakukuha?

  • Vitamin C – Citrus fruits, Pinya, Bell pepper
  • Vitamin E – Mani, Olives, Vegetable oils
  • Vitamin A – Itlog, Karne, mga gulay
  • Vitamin B6 – Abokado, Saging, Pakwan, Isda at karne
  • Omega 3 Fatty acids – Isda, walnuts, mga beans

Ito ang mga bitaminang kailangan ng iyong balat para kuminis. Kailangan mo lamang matutunan kung paano ito balansihin sa loob ng iyong sistema at tinitiyak ko saiyo na magtatagumpay ka.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pampakinis ng Balat: Mga Tips Kung Paano Kuminis Ang Balat
Rate this post

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO