Pampakinis ng Mukha: Mabisa at Ligtas na Paraan na Pampakinis ng Mukha!

Magaspang na mukha dahil sa pimples at wrinkles? Naghahanap ka ba ng mabisang paraan para kuminis ang iyong mukha? Kung ganun, natagpuan mo na ang hinahanap mo! Ang artikulong ito ang magtuturo saiyo ng mabisa at ligtas na paraan na pampakinis ng mukha.

Ang kagandahan ng makinis na mukha

Makinis na mukha? Ano ba ang magandang dulot nito? Isang dahilan kung bakit maraming nagnanais na magkaroon ng makinis na mukha ay ang malaking ambag nito sa panlabas na hitsura ng isang tao. Lalo sa panahon natin ngayon, aminin man natin sa hindi, mayroong nagaganap na diskriminasyon kapag hitsura na ang pinaguusapan. Bigyan kita ng isang halimbawa, nasubukan mo na bang mag apply sa isang trabaho? Kaya lang, hindi ka natanggap dahil isa pala sa mga qualification na hinahanap ng kompanya ay isang aplikanteng “with pleasing personality”. Paano ka nga ba naman magkaroon ng pleasing personality kung magaspang at namamaga ang iyong mukha dahil sa taghiyawat. Hindi man nila ito direktang sinabi saiyo, alam kong alam mo rin na ito ang posibleng dahilan.

Kabaliktaran naman ito sa mga taong may makinis at magandang mukha, kung saan ay palagi silang napapansin at pinupuri , at kung minsan pa, ang trabaho mismo ang lumalapit sa kanila. Kagaya na lamang ng pagiging modelo. Kaya naman aminin man natin sa hindi, nakakaangat at nakakaganda talaga ang may makinis na mukha.

Pero alam mo bang hindi pa huli ang lahat para sa mga katulad mong naghahangad rin na kuminis ang mukha? Pag usapan natin ito! Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Natural at ligtas na paraan na pampakinis ng mukha

Kung tutuosin, napakarami ng mga gamot na pampakinis ng mukha ang ibinibenta ngayon sa merkado. Nakakalito na nga kung minsan sa sobrang daming pagpipilian. Ang tanong, wala kaya itong side effects sa iyong balat? Kung ako ang tatanungin, wala pa ring tatalo sa natural na paraan. Bukod sa ligtas itong gamitin, hindi ka rin gagastos ng malaki.

Para makatulong saiyo, narito ang ilan sa natural at ligtas na paraan na pampakinis ng mukha. Sundin lamang ang mga sumusunod:

  • Kamatis – Pigain at ipahid ng maayos ang katas ng kamatis sa iyong mukha para magkaroon ng glow ang balat. Mahusay rin ang kamatis sa pagkakaroon ng fair skin tone. Dagdag pa, hinihigop rin ng kamatis ang mga excess oil sa iyong mukha upang paliitin ang mga open pores.
  • Cucumber o pipino – Gumawa ng juice gamit ang katas ng cucumber at katas ng lemon. Paghaluin ito ng mabuti at ipahid sa iyong mukha. Ang bitaminang makukuha sa cucumber juice ay mahusay na pampakinis ng mukha.
  • Patatas – Para makuha ang katas ng patatas, Kudkurin at pigain ito. Pagkatapos ay ipahid ito sa iyong mukha. Magsisilbi ang katas ng patatas bilang skin bleacing agent.
  • Honey at lemon – Gumamit ng parehong dami ng katas ng lemon at honey. Haluin ito hanggang sa makabuo ng solution. Pagkatapos ay ipahid ito sa iyong mukha at hayaan sa loob ng 10 hanggang 15 minutes. Banlawan ng mabuti ang mukha pagkatapos itong isagawa.
  • Labanos – Ang labanos ay napakakinis at napakaputi, alam ba ninyo na hindi lang sangkap ng sinigang ang labanos? Ilagay ito sa tubig at pakuluan. Ang pinakuluang tubig ay i-apply sa mukha para magkaroon ng fair face.

Wastong pangangalaga sa mukha: Pampakinis ng mukha!

Pampakinis ng mukha ba ang iyong hinahanap? Alam mo bang maaari mo itong makamit sa pinaka simpleng pamamaraan?. Ang pag maintain o pagalaga sa iyong mukha ang pinakasusi sa pagkakaroon ng makinis na balat. Hindi mo na kailangan pang sumubok ng iba’t ibang produktong may kemikal dahil makakatulong saiyo ang mga simple at mabisang tips na ito. Ano-ano ba ito? Alamin natin!

  • Ugaliin ang paghilamos ng maligamgam na tubig bago matulog sa gabi, at pakagising sa umaga. Huwag na ring gumamit pa ng sabon. Sapat na ang malinis at maligamgam na tubig para tanggalin ang mga dumikit na dumi sa iyong mukha. Makakatulong rin ito para makaiwas ka sa mga pimples.
  • Uminom ng maraming tubig araw-araw. Healthy at maganda ang balat kapag rehydrated ito. Tinutulungan rin ng tubig na i-restore ang mga nasirang cells sa iyong balat at makakatulong ito sa pagpakinis ng iyong mukha.
  • Iwasan ang paninigarilyo! Alam mo ba na sa bawat usok na iyong binubuga mula sa sigarilyo ay halos 50% nito ay napupunta sa iyong mukha? Dumidikit at pumapasok ang usok sa mga pores sa mukha dahilan para bumara ito at maimpeksyon.
  • Huwag masyadong magbilad sa araw. Ang matinding sikat ng araw tuwing summer ay isa sa pangunahing sanhi ng pagkasira ng balat. Para mapanatili ang kinis ng iyong mukha, iwasan ang ma expose sa matinding sikat ng araw.
  • Iwasan ang pag apply ng iba’t ibang uri ng gamot na may kemikal sa iyong mukha. Ang dami ng kemikal na napupunta sa mukha ay maaaring mag bunga ng iba’t ibang side effects. Lalo na kapag hindi wasto ang pagamit.
  • Magkaroon ng sapat na tulog araw-araw. Makakaiwas sa stress ang iyong balat kapag mayroon itong sapat na pahinga. Sa tuwing natutulog kasi ang isang tao, nag ri-restore ng kusa ang mga nasirang cells sa balat. Kaya mapapansin mo na kadalasan sa mga taong hindi stress at mayroong sapat na tulog ay mayroong makinis na mukha.

Wastong diet at healthy lifestyle: Pampakinis ng mukha

“Kumain ng maraming gulay at prutas!” Marahil ay gasgas na ang linyang ito saiyo at baka nga sawang-sawa ka ng marinig ito, pero kung pagbabasehan ang siyensya at medesina, nasisigurado kong isa rin ito sa mga ipapayo nila saiyo. Hindi mo ba alam na ang mga ginagamit mong produktong pampakinis ay mayroon ding mga sangkap ng gulay at prutas? Nangunguna riyan ang papaya, kalamansi, kamatis at napakarami pang iba. Kaya kung ako saiyo, Piliin mo ang mga pagkain na iyong kakainin. Iwasan mo na ang mga pagkaing matataba na nakakasira sa iyong balat, sa halip ay kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa vitamin C at E kagaya ng pinya, mansanas, bayabas, avocado, papaya, at iba pang citrus fruits.

Para sa dagdag kaalaman: Alam mo bang ang pag ehersisyo ay nakakapagpaganda ng balat? Ito ang lumabas sa pagaaral ng isang malaking grupo ng mga tao. Paliwanag nila, ang magandang sirkulasyon ng dugo dahil sa regular na pageehersisyo ay nakakatulong sa pag rejuvenate ng mga skin cells sa ating katawan. Kung kaya gumaganda at kumikins ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO