Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pampaputi ng Balat

Ang glutathione ay isa sa mga pinaka-sikat na elemento ng pagpapaputi. Pati ang mga kumpanyang gumagawa at nagbebenta ng beauty at cosmetic products ay gumagamit nito mapa-sabon man iyan, lotion o cream. Makikita mo sa kahon o package na naglalaman ng mga sangkap kung paano ginawa ang kanilang mga produktong pampaputi ng balat.

Mahilig ka ba sa mga produktong nakakaputi? Kung ‘oo’ ang sagot mo, siguro, halos lahat ng mga pampaputi ng balat ay nasubukan mo na. Pero may naging mabisa ba sa mga ito? Hindi naman sapat na mabisa lamang ang mga ipapahid o iinumin para pumuti ang balat. Mahalaga ring safe gamitin ang mga ito, ano mang klase ng balat mayroon ang isang tao.

Siguraduhing ligtas gamitin ang pampaputi ng balat na mapipili

Hindi palagi-lagi ay puwede at para sa lahat ang produktong pampaputi ng balat. Malagang alam ng isang tao kung ang mga kaniyang mga inilalagay o ini-ispray sa balat, at iniinom ay ligtas hindi lang sa balat, kundi maging sa kalusugan din. Bago mo pa simulant ang paggamit ng pampaputi ng balat, alamin mo muna kung ligtas itong gamitin. Madalas, sa tatak ng produkto natin ibinabase ang kaligtasan ng paggamit ng mga ito.

Para makatiyak na ligtas ang ginagamit na pampaputi ng balat, piliin ang produktong walang kemikal o purong natural ang mga sangkap. Mabisang pampaputi ng balat din homemade o iyung mga tinatawag na DIY (do-it-yourself) na produkto at pamamamaraan.Kabilang na rito ang lemon juice na mas epektibo kapag inihahalo sa almond oil at harina, turmeric powder na mas mabisa naman kapag inihinalo sa honey, at baking soda.

Kung sensitibo ang balat at may posibilidad ng allergic reaction sa kahit anong produkto, mainam na kumonsulta sa duktor. Alam ng mga dermatologists kung ano ang dapat gamitin sa klase ng balat mayroon ang isang tao. Kadalasan, nagrereseta ang mga duktor ng produktong nabibili sa botika. At madalas din, ang mga ito ay mahal. Kaya naman mas mabuting tingnan ang mga sangkap kung saan at paano ginagawa ang mga nakalista sa reseta.

Mas mabuti ring manaliksik nang mabuti gamit ang gadget at internet. Maaari nang hanapin online ang gamot o produktong inirerekomenda ng duktor. Dito kadalasan makikita ang kumpletong sangkap, paraan at dalas ng paggamit, at posibleng reaksiyonsa paggamit ng mga produktong pampaputi ng balat. Dino na rin malalaman kung ang mga ito nga ba ay ligtas gamitin ng kahit sino at kahit anong skin type.

Mga produktong may natural na sangkap para sa ligtas na pampaputi ng balat

Para malaman kung paano magpaputi ng balat ng ligtas, piliin ang natural o zero-chemical na produkto. Epektibong pampaputi ng balat ang mga ito kahit na mas mura at madaling matatagpuan kahit saan. Maraming mga sangkap ang epektibong nakakapagpaputi ng balat. Madalas, nakikita ang mga ito sa loob ng bahay—sa kusina, sa refrigerator at pantry. Mayroon din namang mapipitas lang sa bakuran.

Prutas na Papaya – Bukod sa napakasarap kainin, ang sariwang papaya ay proven nang mabisang gamitin sa balat. Ang enzymes na nilalaman ng prutas na ito gaya ng papain ay may kakayahang tumunaw ng mga dead cells at mag-alis ng impurities. Ito ay nagreresulta ng mas maputi at makinang na balat.

Balat ng orange – Ito ay tiyak na mabisa sa pagpapaputi ng balat. Ang mas mainam pa rito, walang masasayang sa prutas na ito. Mayaman sa Vitamin C ang pinaka-prutas nito. Beneficial naman sa kutis ng balat nito.

Hinog na Kamatis – Ang bungang ito ay may taglay na lycopene na nagdudulot ng mala-rosas na kulay sa kutis. Bukod sa pampaputi ng balat, mainam din ang kamatis para sa pag-delay ng agarang pagtanda o pagkakakulubot ng balat.

Gulay na Kalabasa – Sikat na sikat ang gulay na ito bilang mayaman sa exfoliating acids at antioxidants. Nakapagtataka marahil, kung paano magpaputi ng balat ang kalabasa. Ito ay sa pamamamgitan ng paghahalo ng katas sa gatas at honey para maging paste. Ipinapahid lang sa balat ng regular o araw-araw at makikita ang positibong pagbabago ng kutis makalipas lamang ang ilang linggo.

Patatas – Katulad ng kalabasa, mayroon ding antioxidant properties ang patatas. Ang component na ito ay may kakayahang makapagpaputi ng balat. Tunay ngang mabisang pampaputi ng balat ang patatas dahil tinatanggal nito ang mga dead cells. Ang resulta: mas lalo pang kikinis balat.

Magpaputi ng balat gamit ang homemade whitening products

Tunay ngang magastos kung bibili palagi ng mga produktong pampaputi. Puwede rin namang magpaputi ng balat nang walang kagastos-gastos. Kung marami kang olive oil sa kusina, good news! Ang langis na ito ay hindi na lang pangluto ngayon. Pampaputi pa! Ihalo lamang ang ½ tasa nito sa 2 kutsara ng langis ng niyog, 2 kapsula ng Vitamin E at 1 kutsarang pagkit. Isalang sa kaserola nang may mababang init hanggang sa matunaw.

Ilagay ang mixture sa isang container na malinis. Palamigin ito hanggang sa magmukha nang moisturizer. Mas mainam na homemade ang pampaputi ng balat na ito dahil mas makakatipid ang gagamit nito. Mas matagal pang magagamit ito dahil ang expiry date ay hanggang 3 buwan.

Isa pang epektibong pampaputi ng balat ang sabila. Ito ay epektibong gamot sa tighiyawat, maging sa dark spots sa mukha at katawan. Dahil sa all-natural ang halamang ito, puwedeng gamitin araw-araw nang walang pag-aalinlangan at kaba sa anumang allergic reaction. Para makagawa ng homemade whitening cream, ihalo lamang ang 2 kutsara ng katas ng sabila sa 1 kutsaritang lavender oil at 1 kutsarita ng primrow na langis.

Para pumuti ang balat…

Maliban sa mga produktong kakailanganin para sa mabisang pampaputi ng balat, kailangan din ng mga wastong gawain para maging mas mabisa pa ang whitening solution na ito. Pagda-diet ang una sa lahat. Hindi naman bawal kumain. Sa katunayan, dapat ngang kumain. Kaya lang, dapat, masusustansiyang pagkain lamang ang kakainin. Ang prutas at gulay ay sagana sa bitamina kaya ang mga ito ang dapat na nauuna sa listahan ‘must-eat’.

Bukod sa tamang nutrisyon, dapat ding matulog ng sapat sa oras. Uminom din ng maraming tubig araw-araw at tiyak na makatutulong din ito sa pagpapaputi ng balat. Matulog ng 8 oras para magkaroon ng malusog at masiglang pangangatawan. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para palaging hydrated ang balat. Sa ganitong paraan, mas bibilis ang pagputi dahil sa malusog na balat.

Mag-exercise tuwing umaga pagpawisan. Puwede naman kahit anong oras sa maghapon. Ideal lang ang umaga para mas lalo pang lumabas ang pawis. Ang pagpapawis ay indikasyon din ng pagiging malusog. Ang taong may malusog na katawan ay mayroon ding malusog na balat. Kaya naman, ano mang pampaputi ang ilagay sa balat, ito ay 100 percent effective!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pampaputi ng Balat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO