Paano Matanggal Ang Peklat: Iba’t Ibang Paraan na Pantanggal ng Peklat sa Balat

Hindi mo maisuot ang paborito mong tabas ng damit dahil baka makita ang iyong peklat? Nagiging sagabal ba sayo ito dahil hindi ka makagalaw ng Malaya? Ang artikulong ito ang sagot sa iyong problema! Sasagutin nito ang iyong mga katanungan tungkol sa peklat, at kung ano ang iba’t ibang paraan na pantanggal peklat sa iyong balat.

Ano ang sanhi ng peklat sa balat

Naghahanap ka ba ng mabisang pantanggal ng peklat sa iyong balat? Bago natin ito talakayin, alamin mo muna kung ano ang sanhi nito.

Ang peklat ay isang lugar ng fibrous tissue na nagpapalit sa isang normal na balat matapos ang isang injury o pinsala. Ang pagkakaroon ng peklat ay isang bayolohikal na proseso ng natural na pagaling matapos ang isang sugat sa balat. Nangyayari rin ito sa loob ng ating mga organ at iba pang tissues n gating katawan. Maraming sanhi ang pagkakaron ng peklat, maaari mo itong makuha sa isang aksidente, kagat ng hayop, taghiyawat o akne, at kahit sa sa simpleng pagkamot sa balat.

Apat na uri ng peklat sa balat

Kung iniisip mo na ang mga peklat mo sa balat ay pare-pareho lamang ay nagkakami ka!. Alam mo bang depende rin sa orihinal na lala ng pinsala ang magiging uri ng peklat sa balat mo? Para magkaroon ka ng idea, narito ang apat sa uri ng peklat na marahil ay hindi mo pa alam:

  • Flat scars – Ito ang pinaka karaniwan sa lahat ng uri ng peklat. Ang patag na peklat ay kadalang sanhi ng mga minor na pinsala katulad ng sunburn, pagkamot sa balat, rashes, allergy, at mga simpleng sugat.
  • Hypertrophic scars – Ang uri ng peklat na ito ay kadalasang nangyayari dahil sa isang liblib sa collagen production. Hindi katulad ng flat scars, ang uri ng peklat na ito ay makapal ngunit hindi naman lalampas sa orihinal na pinsala ng balat.
  • Keloid scars – Ito naman ang uri ng peklat na kadalasang mas malaki sa orihinal na pinsala ng balat, Makapal rin ito, at karaniwang nakaangat ng bahagya mula sa layer ng ating balat. Ang keloid scars ay kadalasang sanhi ng malalim at matitinding pinsala o injury sa balat.
  • Stretch marks – Ang uri ng peklat na ito ay sanhi ng matinding pagkabanat ng balat ng isang tao. Kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagbubuntis, biglaang pagtaba o pagdagdag ng timbang, at sa adolescent growth spurts.

Paano makakaiwas sa pag peklat ng sugat?

Nangangamba ka ba sa tuwing nasusugatan ka na baka mauwi sa malalang peklat ang iyong sugat? Natatakot ka ba na magmarka ito habang-buhay? Para matulungan ka, may inihanda ang artikulong ito ng mga tips kung paano maiiwasan ang pag peklat ng iyong sugat. Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Kapag malaki ang sugat, mas makabubuti ang magpunta sa clinic at ipatahi ito. Sa ganitong paraan, makakaiwas ang iyong sugat sa pagbuka na maaaring mauwi sa isang malaking peklat.
  • Panatilihing moist o basa ang isang sugat.
  • I-masahe ang paligid ng sugat.
  • Iwasan ang sugat na mabilad sa matinding sikat ng araw.
  • Huwag magpalinlang sa mga produkto na ipinapahid sa sugat para hindi mag peklat.
  • Kung sugat naman ay hindi malala, hayaan lamang itong gumaling ng natural.
  • Kapag pagaling na ang sugat, nagdudulot ito ng matinding pangangati sa paligid ng sugat. Huwag na huwag itong kakamutin para maiwasan ang pag peklat nito.
  • Kung may taghiyawat ka, huwag na huwag mo itong titirisin at hayaan lamang itong gumaling ng natural.

Natural na paraan na pantanggal ng peklat

Sa mundo natin ngayon na puno ng diskriminasyon lalo na kapag hitsura ang pinaguusapan. Mahalaga ang maging maganda sa paningin ng iba. Malaki ang nagiging ambag nito sa pagbuo ng ating karakter bilang isang indibidwal. Kaya lang, isa ang peklat sa balat ang humahadlang sa kagustuhan mong maging maganda. Kaya naman naghahanap ka ba ng ligtas na pantanggal ng peklat? Paano ba? Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Lemon juice – Una, hugasan muna ng mabuti ang mga peklat. Pagkatapos ay kumuha ng cotton ball o bulak at isawsaw ito sa lemon juice. Ipahid ito sa balat na may peklat at hayaan sa loob ng 10 minutes. Banlwan ito ng mabuti pagkatapos.
  • Honey – Ang pagamit ng honey sa balat ay mabisang gamot sa peklat. Ang bitaminang galing sa honey ay nagsisilbing natural na moisturizer. Mahusay rin ang honey sa pagtanggal ng mga naipong patay na selula sa ating balat na siyang sanhi ng peklat. Ilagay ang honey sa mismong peklat at takpan ito ng isang malinis na tela. Gawin ito bago matulog at banlawan ng mabuti pakagising sa umaga.
  • Virgin coconut oil – Ang virgin coconut oil ay kilalang mayaman sa vitamin E at anti-oxidant. Kung kaya ang pagamit nito sa balat ay isang mabisang gamot pantanggal ng peklat. Mag init ng kaunting langis ng niyog. lagay ang mainit init na langis sa mga palad at imasahe ito sa balat na may peklat sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Hayaan ito ng isang oras sa balat para maabsorb ito ng peklat.
  • White onion – Kudkurin ang isang piraso ng malusog na sibuyas. Pigain ito para makuha ang katas. Ipahid ito sa peklat at hayaang matuyo sa loob ng 15 minutes. Banlawan ito pagkatapos isagawa.
  • Aloe vera – Kung walang natural na aloe vera sa bahay, maaaring gamitin ang nabibiling aloe vera gel sa mga drug store. I-apply ang gel at imasahe ito sa balat na may peklat. Gawin ito 2-3 beses sa isang araw para sa mas magandang resulta.

Medical equipment na pantanggal ng peklat

Kung nagawa mo naman ng maayos ang mga nabanggit ngunit wala pa ring resulta. Komunsulta na sa iyong dermatologist para matingnan ang lalang kondisyon ng iyong balat. Mayroon silang mga aparato na ginagamit sa medical procedure na mabisang pantanggal ng peklat. Maaari nila itong imungkahe saiyo. Ano-ano ba ito?

  • Laser – Ang Nonablative lasers kagaya ng 585 NM pulsed dye laser ay ginagamit bilang laser therapy para sa mga malalang peklat sa mukha.
  • Radiotherapy – Pangunahing ginagamit ang aparatong ito sa pagtanggal ng mga uri ng peklat katulad ng keloid at hypertrophic scar.
  • Derma roller – Ito ay isang uri ng aparato na ginagamitan ng ibang uri ng karayom. Mabisa itong gamot sa acne at gayundin sa mga peklat na dulot nito. Yun nga lang, ang ganitong proseso ay nangangailangan ng paulit-ulit na procedure. Ibig sabihin, hindi kaagad ito magbibigay ng magadang resulta unless, kung gagawin mo ito ng ilang session.

May mga kodisyon rin na hindi na kinakaya ng ganitong klaseng gamutan. Ang malalang mga peklat na tuluyang sumira sa iyong balat ay kailangan ng dumaan sa isang plastic surgery para matanggal ang mga ito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Matanggal Ang Peklat: Iba’t Ibang Paraan na Pantanggal ng Peklat sa Balat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO