10 Natural na Lunas sa Pekas sa Mukha

Ang Pekas o Melasma ay tumutukoy sa “skin hyperpigmentation”, isang karaniwang kondisyon sa balat. Ayon sa America Academy of Dermatology, ang melasma ay nakakaapekto sa tinatayang anim na milyong katao sa Estados Unidos at ito’y mas karaniwang makikita sa mga babae kaysa lalaki.

Ang Melasma ay nakakahadlang sa natural na kulay na balat at nagdudulot ng pagkabuo ng malalaki at malailiit na kulay-kapeng patches sa mukha.

Ang pangunahing sanhi ng melasma ay ang labis na produksiyon ng melanin sa skin cells dulot ng matagal na pagkababad sa araw. Ngunit, may iba pang factors ang dumaragdag sa problemang ito tulad ng hormonal changes ng katawan, matinding stress, problema sa thyroid, at paggamit ng birth control pills.

Narito ang 10 Gamot sa Pekas ng Mukha:

1. Lemon Juice

Ang katas ng Lemon ay isang natural na pampaputi ng balat at may mahusay na astringent properties – pang-protekta sa balat. Mayroon ding acidic na sangkap ang lemon na tumatangal sa outer layer ng balat upang matangal ang pekas sa mukha.

  • Kunin ang katas ng isang lemon.
  • Lagyan ang apektadong bahagi ng mukha at dahan-dahang ipahid ng 1-2 minuto.
  • Patagalin hanggang 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
  • Gawin ang pekas remover na ito 2 beses sa isang araw. Dapat makita mo ang pagbabago pagkatapos ng 3 linggo.

2. Apple Cider Vinegar

Ang Acetic acid na makikita sa Apple Cider Vinegar ay isang mabisang bleaching agent o pampaputi. Nakakatulong ito upang matanggal ang mga hindi kanais-nais na spots sa balat upang ito’y maging malambot at glowing.

  • Haluin ang parehong dami ng Apple Cider Vinegar at Tubig.
  • Ilagay ang solution na ito sa pekas at hayaang matuyo.
  • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig at dahan-dahan patuyuin ng malinis na tela.
  • Ulitin araw-araw.

3. Turmeric

May kakayahan ang turmeric na pababain ang melanin levels sa balat at malabanan ang problema sa pekas. Ang active ingredient na curcumin na makikita sa pampalasang ito ay mayamang antioxidant at pampaputi ng balat.

  • Paghaluin ang 5 tablespoon ng turmeric powder at 10 tablespoon ng gatas upang makagawa ng paste. Pinakamainam na gumamit ng purong gatas o whole milk dahil ito’y may lactic acid at calcium na tumutulong para ma-exfoliate at mapalambot ang balat
  • Maglagay ng 1 kutsara ng gram flour upang mas mapalapot ang timpla.
  • Ipahid maigi sa apektadong bahagi ng mukha.
  • Hayaang matuyo ng 20 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig at patuyuin gamit ang malinis na twalya.
  • Ulitin ang gamot na ito araw-araw upang makuha ang pinakamagandang resulta.

4. Onion Juice

Ang katas ng sibuyas ay isa pang epektibong gamot sa pekas ng mukha. Ang katas ng sibuya ay nagtataglay ng sulfur-containing compounds na may kakayahang alisin ang maitim na bahagi o discoloration sa balat upang maibalik ang natural na kulay nito. Ito rin ay nagbibigay ng dagdag nutrisyon sa balat.

  • Hiwaing maigi ang 2-3 sibuyas
  • Ilagay sa cheesecloth at pigain ito upang makuha ang katas
  • Sukatin ang nakuhang katas at haluan ito ng parehong dami ng Apple Cider Vinegar
  • Lagyan ang apektadong bahagi ng mukha gamit ang bulak
  • Patagalin ng 20 minutos at pagkatapos ay hugasan gamit ang mainit-init na tubig
  • Sundin ang prosesong ito 2 beses araw-araw sa loob ng ilang linggo

5. Aloe Vera Gel

Dahil sa makikitang mucilaginous polysaccharides sa aloe vera gel, ito’y may kakayahang makatulong sa paggamot ng hyperpigmentation at maibalik ang orihinal na kulay ng balat. Kaya rin nitong alisin ang patay at lumang skin cells upang mabigyang daan ang paggawa ng bagong skin cells.

  • Hiwain ang dahon ng aloe vera upang makuha ang gel nito
  • Siguraduhing mababalot ng aloe vera gel ang buong pekas sa mukha. Dahan-dahang masahiin ito ng 1-2 minuto
  • Iwanan ng 15-20 minuto pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig
  • Gawin ang remedy na ito 2 beses araw-araw

6. Oatmeal

Ang Oatmeal ay isang kamangha-manghang natural exfoliating agent na kayang magtanggal ng maiitim na pekas sa mukha at tunawin ang patay na skin cells upang mabigyan ka ng mas matingkad at glowing na balat.

  • Haluin ang 2 tablespoons ng oatmeal powder, 2 tablespoon ng gatas at 1 tablespoon ng honey
  • Ilagay ito sa apektadong bahagi
  • Maghintay ng 20 minuto bago hugasan
  • Patuyuin gamit ang malinis na tuwalya
  • Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang linggo sa loob ng 1 buwan

7. Almonds

Ang mataas na protina na makikita sa almonds ay mahusay pampaputi ng balat. Mayroon din itong Vitamin E na makakatulong upang ma-moisturize at matanggal ang discoloration.

  • Haluin ang 1 teaspoon ng pinulbos na almonds at sapat na dami ng honey upang makabuo ng thick paste. Dahan-dahang ipahid ang paste sa apektadong bahagi at hayaan ito ng 30 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig at patuyuin. Gawin ito 3-4 na beses sa isang linggo hanggang makita mo ang pagbabago.
  • Bilang alternatibo, Pagsamahin ang 5 grind almonds at gatas hanggang makagawa ng paste. Lagyan ng 1 teaspoon ng honey at haluing maigi. Lagyan ang bahagi ng mukha na may pekas bago matulog. Hayaan ito ng nang magdamagag at banlawan ng malamig na tubig kinabukasan. Ulitin ito araw-araw sa loob ng dalawang linggo.

8. Horseradish

Ang kabayo-labanos o ugat ng malunggay ay isa pang traditional na gamot sa pekas. Ang bleaching property ng horseradish ay kayang alisin ang kahit anong discoloration ng balat kasama na ang pekas.

  • Hiwain ang horseradish at ipahid ito direkta sa pekas sa mukha.
  • Hayaan matuyo ang katas nito at pagkatapos ay banlawaan ng maligamgam na tubig. Ulitin 1 beses sa isang linggo hanggang mawala ang pekas.
  • Pagsamahin ang 2 tablespoon ng horseradish powder sa isang basong sour cream. I-apply ito sa balat at patagalin hanggang 30 minuto. Gumamit ng maligamgam na tubig pangbanlaw. Ang kombinasyong ito ay maaring gawing alternatibo sa mga pekas remover cream. Gawin 1 beses sa isang linggo hanggang makita ang positibong epekto.

9. Papaya

Ang Papain, isang enzyme na makikita sa papaya ay isang natural na exfoliating agent na kayang alisin ang mga patay at sirang skin cells.

  • Masahin ang isang hinog na papaya hanggang maging parang paste ito.
  • Lagyan ng 2 tablespoon ng honey ang ½ baso ng mashed papaya paste.
  • Ilagay ito na parang mask sa apektadong balat.
  • Hayaan ito sa mukha sa loob ng 20 minuto. Magbanlaw gamit ang maligamgam na tubig.
  • Sundin ang lunas na ito 1 beses sa isang linggo sa loob ng ilang buwan.

10. Sandalwood

Ang Sandalwood ay isa pang epektibong skin-lightening na maaring gamitin upang mapaganda ang kutis at mabawasan ang pekas sa mukha.

  • Pagsama-samahin ang pantay na dami ng sandalwood powder, turmeric, whole milk at lemon juice para makagawa ng malapot na paste.
  • Ipahid ang paste sa apektadong bahagi ng mukha at hayaang matuyo.
  • Tilamsikan ng konting tubig ang mukha para maging moist ang mask at malumanay kuskusin paikot.
  • Sa wakas, banlawan pa ng maraming tubig at patuyuin.
  • Gawin ito 3-4 na beses sa isang linggo hanggang makuha ang inaasam na resulta.

Iba pang paalala:

Kasabay ng paggamit ng iba’t ibang lunas sa pekas sa mukha, iwasan mo rin ang matagal na pagbabad sa araw.
Laging tandaan na gumamit ng sunscreen kung ika’y lalabas upang maprotektahan ang balat sa malakas na ultraviolet rays.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber at uminom ng maraming tubig upang mailabas ang toxins ng katawan at tuluyan ng mawakasan ang problema sa melasma.

KATULAD NA MGA ARTIKULO