Ano Ang Gamot sa Sunog na Buhok Dahil sa Rebond?

Mayroong mga nagsasabing ang buhok ay ang koronang nagpapaganda sa isang babae. Kaya naman maraming mga babae ang conscious sa kanilang buhok. Maraming mga style na ginagawa nila, may mga straight ang buhok na nagpapakulot, ang mga kulot naman ay ng papa-straight ng buhok. Ang isa sa pinakausong hair straightening ay ang hair rebonding. Nang dahil sa pai-ibang style at rebonding ay madalas na masira ang buhok at kung minsan ay nasusunog pa nga ito. Ano ang gamot sa sunog na buhok dahil sa rebond? Basahin mo ang artikulong ito!

Gamot sa sunog na buhok dahil sa rebond

Bago simulan ang paggamot sa sunog na buhok dahil sa rebond o hair treatment ay kailangan munang mag trim sa buhok o bawasan at alisin ang sobrang sunong na buhok. Ang sobrang sunog na buhok ay hindi na magagamot kaya kailangan itong alisin.

Narito ang ilang paraan at gamot sa sunog na buhok dahil sa rebond

  • Argan oil – ang argan oil ay may kamahalan ngunit sulit naman ito dahil ito ay mabisang hair treatment o gamot sa sunog na buhok dahil sa rebond. Ang argan oil ay mabisa din hindi lamang sa buhok kundi pati na rin sa anit. Pwede rin itong gawing light live-in conditioner. Meron din itong vitamin E kaya tumutulong itong alagaan ang dry scalp at gamot din ito sa dandruff.
  • Coconut oil and curry leaves – pakuluan ang coconut oil sa isang pan pagkatapos ay ilagay ang curry leaves at takpan, hayaang kumulo ng 10 minutes pagkatapos ay palamigin. Kapag malamig na ay ilagay sa isang dark bottle, at sa malamig na lugar. At saka ilagay sa buhok ibabad ng kaunti at saka banlawan. Ang coconut oil ay isang natural at mabisang paraan upang magpatubo ng buhok at mag-nourish ng scalp o anit. Ang curry leaves naman ay mabisang gamot sa nalalagas na buhok at pagka-dry ng buhok.
  • Egg and honey mask – batihin ang 1-2 na itlog depende sa haba ng buhok lagyan ito ng kaunting honey ilagay sa buhok, hanggang sa lahat ng buhok ay malagyan. Iwan ito ng 30-45 minutes pagkatapos ay banlawan. Ang itlog ay may protein at amino acids na makabubuti sa buhok, samantalang ang honey naman ay nagsisilbing humectant at gumagamot ng sunog o damaged hair mayroon din itong anti-bacterial an tumutulong upang magkaroon ng healthy scalp at maiwasan ang anumang infection sa scalp at magkaroon ng dandruff.
  • Essential oil – ang mga essential oil tulad ng clary sage, chamomile, cedarwood oil, carrier oil, grapessed, olive oil at coconut oil ay mabisa ding gamot o pang treatment sa sunog o damaged hair.
  • Avocado and vitamin E hair mask – ang avocado ay nagpapasigla at nagpapaganda ng buhok at scalp o anit dahil mayaman ito sa vitamin A, amino acid, essential vitamins and minerals. Makakatulong ito upang tumubo ng maganda, stronger at shiny ang buhok. Ang vitamin E naman ay mayroong antioxidant na tumutulong naman para gamutin ang sunog o damaged hair, at tumubo na maganda ang buhok. Para gawin ang mask, i-blend ang avocado at at lagyan ng oil galing sa vitamin E, mas makabubuti kung dadagdagan ng olive oil, haluin hanggang maging mask ilagay sa buhok at iwan ang mask ng 20-30 minutes at saka banlawan.

Mga kadadagang paraan o gamot sunog na buhok dahil sa rebond o hair treatment, at kung paano alagaan ang buhok.

  • Hanggat maaari ay huwag ma-shampoo araw-araw, ang shampoo ay nakakalinis ng buhok, ngunit naiwawala naman nito ang sebum sa buhok. Ang sebum ay ang natural oil ng buhok na siyang nagpapaganda ng buhok at nagiging madaling ayusin ang buhok dahil sa sebum o natural oil. Tumutulong din ito para maging healthy ang buhok. Para maiwasang mawala ang sebum o natural na oil ng buhok ay mag shampoo lamang ng bukas-makalawa at huwag araw-arawin ito. Makatutulong din kung ang gagamitin na shampoo ay pang dry hair o kaya ay baby shampoo para mild lamang ito. Sa ganitong paraan ay hindi masyadong mawawala ang sebum o natural oil ng buhok.
  • Kapag damaged na ang buhok ay marupok ito kaya iwasang gumamit ng hair dyier sa halip ay malambot na tela o towel ang gamitin para patuyuin ito. Ang paggamit ng hair dryer ay nawawala ang natural na moisturizer ng buhok. Kapag matutulog ng basa ang buhok ay gumamit ng silk na punda ng unan para hindi nito ma-absorbed ang natural na moisturizer ng buhok.
  • Subukan ang may katamtamang lamig ng tubig na pang-banlaw sa buhok. Ang mainit o maligamgam na tubig pang- banlaw sa buhok ay maaaring makasira o maka-damaged ng buhok. Ang katamtamang lamig ng tubig ay mayroong benipisyong maidudulot sa buhok, mas mabilis itong humaba at magiging healthy ang buhok. Pagkatapos na mag-shampoo at mag-conditioner ay banlawan ng may katamtamang lamig ng tubig ang buhok. Makututulong itong pasiglahin ang strands ng buhok at ma-refresh ang scalp o anit.
  • Gumamit ng hat o sombrero para maiwasan ma-expose sa init ang buhok. Ang ultraviolet rays na galing sa sikat ng araw ay maaaring makasira ng buhok, kaya gumamit ng sombrero o hat sa tuwing lalabas ng bahay, o kaya ay may mga activities na gagawin sa labas.

Gamot sa sunog na buhok dahil rebond, at mga pagkaing makatutulong:
Kumain ng mga pagkaing mayroong omega-3 at mayroong antioxidant. Ang mga pagkain na mayroong marine proteins ay nagpapakapal at ang papa-shiny ng buhok.
Kumain ng mga pagkain katulad ng:

  • Salmon
  • Oysters
  • Mackerel
  • Tuna
  • Sardines o sardinas

Ang mga pagkaing ito ay mayroong omega-3 na tumutulong upang maging shiny ang buhok
Kumain din ng mga pagkaing mayroong antioxidant katulad ng:

  • Walnuts
  • Kidney beans
  • Blueberries
  • Brocoli
  • Kamatis

Nang dahil sa tamang pamamaraan at tamang gamot sa sunog na buhok dahil sa rebond aynalunasan ang alalahanin ng maraming mga ka-babaehan, nakatulong din ito para maging malusog o healthy ang kanilang buhok. Ang buhok ay sinasabing korona ng kagandahan ng mga kababaehan kaya naranapat lamang na alagaan. Ang kagandahan ay tunay na pinahahagan ng kahit sino man, maging babae man o lalake pagsumikapan nating maging maganda at maayos ang ating mga sarili. Kagandahan na hindi lamang sa labas kundi maging sa loob. Maging mabuting tao sana tayo gawin lagi ang mabuti para sa ating mga sarili, sa ating pamilya, sa ating kapwa, higit sa lahat sa ating Dakilang Maylikha.

KATULAD NA MGA ARTIKULO