Kulay ng Buhok na Nakakaputi: Paano Pumili ng Kulay ng Buhok na Babagay Saiyo?

Nagpaplano ka bang magpakulay ng buhok kaibigan? Anong kulay ba ang hinahanap mo? Naghahanap ka ba ng kulay na babagay saiyo? Huwag kang mag-alala, tuturuan ka ng artikulong ito! Nakapaloob sa artikulong ito ang ilang tips kung paano pumili ng kulay ng buhok na babagay sa iyong skin tone. Lalong lalo na sa mga katulad mong gustong lumitaw ang kaputian gamit ang paraang ito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo at tatalakayin natin lahat ng mahahalagang puntos tungkol dito.

 

Magandang kulay ng buhok: Ano ang benepisyong hatid nito?

Sa panahon natin ngayon na kung minsan ay halos naka sentro na sa fashion ang buhay ng isang tao, mahalaga ang pagkakaroon ng maganda at kapansin pansing buhok. Hindi lang ito para sa mga kababaihan, maging mga lalake ay pinapangarap rin ito. Malaki ang ginagampanan ng buhok sa pisikal na hitsura ng isang tao. Pansin mo ba na kapag bagong gupit ka ay tila mayroon rin iba o bago saiyo? Yan ay dahil binabago ng buhok ang hitsura ng mukha ng isang tao.

Mayroon mga taong metikoloso pagdating sa kanilang buhok. Ang mga mayayaman nga ay kumukuha pa ng personal hair stylist upang pangalagaan ang kanilang mga buhok. Usong-uso ito sa mga celebrity at mga artista. At ngayon, kahit mga ordinaryong mamamayan ay sumusubok rin nito.

Kaya naman marami ang mga nagsisilabasang hair style at nagiging uso ito sa maikling panahon. Pagkatapos ay magkakaroon naman ng panibagong uso. Kabilang na riyan ang kulay sa buhok. Ang pagpakulay sa buhok ay talagang usong-uso sa ngayon. Meron pa ngang halos araw-araw o linggo linggo ay nagpapalit ng kulay nito. Isa ka rin ba sa mga pinoy na nais sumubok nito? O baka naman ay ginagawa mo na ito subalit hindi sapat ang kaalaman mo? Gusto mo bang malaman ang kulay ng buhok na babagay saiyo? O baka gusto mong lumitaw ang taglay mong kaputian sa pamamagitan ng pagpakulay ng buhok? Tutulongan ka ng artikulong ito!

 

Alamin muna ang type ng skin tone bago magpakulay ng buhok

Bago natin talakayin ang tungkol sa kulay ng buhok na nakakaputi, Alamin muna natin ang mga dapat isaalang alang. Una sa lahat, napakaimportante na alamin muna ang uri ng iyong skintone bago magpakulay. Mahalaga kasing bigyan ito ng pansin upang walang pagsisihan sa huli. Kadalasan, itinuturo naman ito ng mga hair stylist sa loob ng kanilang salon, ngunit hindi lahat ay ginagawa ito. Mahalaga para sa isang hair stylist na ipaalam sa kanilang client ang mga posibleng babagay na kulay sa buhok mo.

Kaya naman importante ang mayroon kang sapat na kaalaman tungkol dito, ng sa ganun ay pwede kang makapag bigay ng suggestions sa hair stylist na hahawak saiyo. Ngayon ang tanong, papaano kung wala ka kahit kaunting idea sa ganitong bagay? Mas makabubuti ba ang mag tanong na lang? magiging satisfied ka kaya sa sagot ng iba? Huwag kang mag-alala! Narito ang artikulong tutulong saiyo. Gusto mong malaman kung paano? Narito ang ilan sa dapat mong malaman bago magpakulay ng buhok.

  • Skin tone type II – White, fair
  • Skin tone type III – Medium, white to light brown
  • Skin tone type IV – Olive, moderate brown
  • Skin tone type V – Brown, dark brown

Alamin muna ang type ng skin tone bago magpakulay ng buhok

Iilan lamang yan sa mga uri ng skin tone mayroon ang tao. Karaniwan, dark skin at white skin lang ang alam ng iba, kaya napakahalaga ang magkaroon ka muna ng ideya sa bagay na ito bago isipin kung ano ang kulay ng buhok ang nakakaputi o babagay sa iyo.

Para sa dagdag kaalaman, meron ring tayong tinatawag na skin tone determination. Isa rin ito sa mga pinagbabasehan ng mga hair stylist sa pagkukulay ng buhok. Mayroon dalawang klase ng skin tone ang balat, ang tinatawag na warmed toned at ang cool toned. Papaano mo malalaman sa simpleng paraan ang dalawang uring ito?

Kapag ang kulay ng ugat ng iyong kamay sa may bandang pulso ay berde, ang skin tone mo ay warmed toned, at kapag asul naman ang kulay, ito ay cool toned. Kung hindi mo masasabi kung ang mga ito ay asul o berde, ikaw ay maaaring magkaroon ng isang neutral tone ng balat, na nagbibigay sa iyo ng isang olive kutis.

Kung ikaw ay may madilaw-dilaw undertones sa iyong balat, at pagkatapos ay kulay ng buhok na may mainit-init na overtones ay magandang tingnan sa iyo. Copper blond kulay ay isa tulad ng kulay.

Kung ang iyong balat ay pinkish undertones, ikaw ay cool na toned at cool na mga kulay tulad ng ash blonde ay magandang tingnan sa iyo.

Ngayong alam mo na ang mga ito, talakayin naman natin ang mga kulay ng buhok na nakakaputi. Excited ka na bang malaman ang mga ito? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

 

Kulay ng buhok na nakakaput: Meron ba talaga nito?

Meron bang kulay ng buhok na nakakapag paputi sa isang tao? Literal ba ito? Ang sagot ay hindi. Ang totoo, may mga bagay o pangyayari na sadyang nakakapagpalitaw ng kulay ng isang tao. Katulad na lamang sa pananamit, may mga kulay ng damit na nakakapagpaputi sa taong sumusuot. Tandaan lamang na hindi literal na pumuputi ang balat, bumabagay lamang ang kulay ng damit na iyong suot sa kulay ng balat mo, kung kaya mas lumilitaw at kapansin pansin ang kulay nito. Wala rin itong halos pagkakaiba sa kulay ng iyong buhok. Kaya naman maraming mga Pilipino ngayon ang nahihilig magpakulay ng buhok dahil sa isang rason, ang mas lumitaw ang kanilang kulay at maging maputi sa paningin ng iba.

Ngayong alam mo na ang mga ito, dumako na tayo sa pinakahihintay mong parte ng artikulong ito. Talakayin na natin ang ibat ibang kulay ng buhok na nakakaputi.

 

Mga kulay ng buhok na nakakaputi: Subukan ang mga kulay na ito!

Kulay ng buhok na nakakaputi? Ayon sa mga hair experts, ang kulay ng buhok ay nag r–reflect sa kulay ng balat ng isang tao. Kaya hindi dapat basta basta ang pagpili nito, lalo na kung gusto mo na bumagay ito sa kulay mo. Partikular na kung gusto mong pumuti sa pamamagitan ng pagpapakulay ng buhok.

Kaya naman narito ang mga kulay ng buhok na rekomendado ng mga sikat na hair stylist. Anong kulay ng buhok ang nakakaputi? Tandaan ang mga kulay na babanggitin.

Para sa mga hair stylist experts, kapag moreno o morena ka, mas magandang ipang kulay sa buhok ang mga dark colors katulad ng mga sumusunod:

  • Dark browns
  • Dark reds
  • Chocolate browns
  • Dull reds
  • Dak blue
  • Purples at iba pang dark colors

Ito daw ay mas nakakaputi para sa mga taong kayumanggi ang kulay.

Ngunit mayroon rin namang ibang hair stylist na iniri-rekomanda ang mga light colors for dark skins. Dagdag pa nila, ang sobrang tingkad ng kulay ay hindi nababagay sa mga taong mayroong dark skin. Nakakapag palala pa nga ito sabi ng ilang eksperto.

Ayon sa kanila mas nababagay raw ang mga sumusunod na kulay para sa mga taong mayroong maitim na kutis.

  • Baby blue
  • Light pink
  • Lavender
  • Pale yellow
  • Blonde
  • Neutral colors katulad ng lighter beige at heather gray

Para naman sa mga taong maiitim ang balat, mas magandang piliin ang kulay na honey-hued o kaya dark red para sa iyong buhok. At kung sadyang maitim ang iyong buhok at gusto mo ng pagbabago, pumili ng shade na halos kakulay ng iyong buhok, kagaya ng maroons o kaya dark browns. Tandaan lamang ang mga tip na ito sa pagpili ng ipangkukulay sa iyong buhok, upang makaiwas sa hindi magandang resulta.

Take note: Ang lahat ng nabanggit na kulay ng buhok na nakakaputi ay nanggaling sa mga pinagkakatiwalaang resources, at marami na rin ang mga sumubok at nagpatunay nito. Upang makaiwas sa pagkalito, mas makakabuti ang sumangguni sa pinagkakatiwalaang hair stylist bago magpakulay ng buhok.

 

Ang pagpapakulay ng buhok ay maaaring makasira sa buhok mo!

Katulad ng nabanggit, ang pagpakulay ng buhok ay kabilang na na hair fashion ng mga pinoy. Tandaan lamang na anumang kulay ang gamitin, maging kulay ng buhok na nakakaputi, o kahit ano pa man. Importante pa rin na huwag itong abusuhin.

Para sa mga fashionista, ang pagpapakulay ng buhok ay tinatawag nilang hair fashion. Pero alam mo bang maaari din itong maging dahilan ng pagkasira ng iyong pinakamamahal na buhok? Ang sobrang paggamit ng kemikal sa buhok katulad na lamang ng pagpapakulay ay puwedeng maging sanhi ng pagkasira nito.

Ang buhok natin ay isang fiber at sa gitna ng hibla  ng buhok ay naroon ang cuticle na siyang unang nasisira dahil sa mga kemikal. Kung kaya laging tandaan na ang inaasam asam na kulay ng buhok na nakakaputi ay maaaring mauwi sa hindi magandang resulta, lalo na kapag hindi wasto ang pamamaraan at naabuso ng husto ang buhok. Mas makabubuti rin ang magpakulay sa mga kilala at rehistradong salon upang makaiwas sa abirya.

Para sa kaunting konklusyon: Walang masama sa pagpapakulay ng buhok basta’t huwag itong gawing bisyo at idaan sa tamang proseso. Pakatandaan rin na ang buhok ng tao ay may sarili ring buhay at anumang mga nakalalasong kemikal ay maaaring sumira at pumatay dito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO