Mga Lotion at Sabon na Mabisang Pampaputi ng Balat

Kinaugalian at kinahiligan na ng mga babaeng pilipina ang magpaputi, ang isang dahilan natural na mainit ang klema sa pilipinas at Asia kung ihahambing sa ibang bansa. Kaya naman ay karaniwan ng nakakaitim ng balat ang klema, at karagdagan pa ay kapag naexpose ka sa labas at naarawan ay tiyak na iitim ang balat mo. Nang dahil dito ay naging malikhain ang mga Pilipino sa paggawa ng mga produktong nakakaputi ng balat. Lotion, sabon, at marami pang ibang produkto at nariyan din ang mga natural na paraan para pumuti ang balat. At dahil sa maraming mga produktong pampaputi ay nalilito na tuloy ang marami kung aling produkto ang bibilhin at gagamitin kaya marami ang nagtatanong: Anong lotion ang mabisang pampaputi? Anong sabon na mabisang pampaputi ?At anong pampaputi ng balat na sabon ang bibilhin at gagamitin?

Narito ang ilang mga produkto na maaring pagpilian:

Mga lotion na mabisang pampaputi ng balat

  • Belo Essentials Whitening Lotion with SPF 30 – hindi lamang ito mabisang pampaputi kundi mabisa din itong moisturizer at mabango ang amoy nito.
  • Vaseline Instat Fair Lotion – Ito ay nagpapaputi ng instant pagkalagay mo nito sa balat,mabisa din itong moisturizer ng balat. Ang lotion na ito ay hindi dapat gamitin kapag lalabas ng bahay dahil wala itong Spf, pero ito ay mabisang pampaputi ng balat.
  • Gluta-C Whitening Lotion SPF 25 – ito ay mabisang pampaputi na kahit maarawan ka ay protektado ka at napakabango nito.
  • Bonne Miracle Spa Milk Lotion with Nano Glutathione – ito ay mura lamang, mabango ang amoy mas makabubuti kung ang gagamit nito ay hindi dry ang skin, dahil wala itong masyadong skin moisturizer ngunit mabisa itong pampaputi ng balat.
  • Avon Skin So Soft o SSS Glutathoine Hand and Body Lotion – isa sa pinakamahusay magpaputi ng balat, mabango ang amoy mabisa ding skin moisturizer sa tuloy-tuloy na paggamit ay tiyak na puputi ang iyong balat. Wala din itong Spf kaya hindi ito dapat na gamitin kapag lalabas ng bahay, mas magiging maganda ang resulta kung gagamitin ito sa gabi bago matulog.
  • Erase Xfoliate Extra whitening Lotion SPF 60 – meron itong matapang na amoy na hindi minsan nagugustuhan ng iba ngunit napakabisa nitong pampaputi ng balat, at mataas na Spf na siguradong protektado ang balat kapang lalabas ng bahay.
  • Glupa Whitening Lotion – ito ay nagpapaputi ng instant kaya nagugustuhan din ito ng marami.
  • Watson Sunblock Body Lotion with SPF 50 PA++ – ito ay mabisang proteksyon kapag mayroong ginagawang activities sa labas mayroon din itong moisturizer.
  • Pervil Magic Whitening Lotion – ito ay hindi mahal kahit na ito ay kilalang produkto, mabango at mabisang pampaputi. Mas mkabubuti kung gagamitin ito sa gabi bago matulog, meron din itong skin moisturizer.
  • Block & White Intensive Wightening 5in1 SPF 24 – mabisang pampapaputi, mayroong sun protection, mabisang moisturizer, mura at hindi malagkit.
  • GT Carrot Lotion SPF 60 – malagkit kapag bagong lagay ngunit nawawala naman kapag natuyo na, mas mura kaysa sunblock, mayroong beta carotene na mabisang antioxidant na tumutulong upang mawala ang mga dark spot sa balat.
  • Vita Pack 8in1 whitening Lotion – mabisang pampaputi ng na re-rehydrate na balat kaya naman nagiging makinis at malusog ang balat.

Ang mga nabangit na lotion ay mabisang pampaputi ng balat napatuyan na ito ng marami. Maaari kang pumili ng produktong babagay sa iyong balat.

Maliban sa lotion na mabisang pampaputi ay kailangan mo ring gumamit ng sabon na pampaputi. Sa ganitong paraan ay lalong magiging mabilis ang pagpapaputi.

Mga sabon na pampaputi ng balat

Kojie San Lightening Soap – ito ay paboritong gamitin ng maraming pilpino, may mga natural na sangkap ang kojic acid na tumutulong sa tyrosinaes na nag po-produce ng melanin kaya nagpapaputi ng balat. Ang 30 araw na tuloy-tuloy na paggamit ay tiyak na puputi ang balat. Kung minsan ay nakaka-dry ito ng balat kaya mas makabubuti kung gumamit ng skin moisturizer katulad ng lotion pagkatapos itong gamitin.

  • Kojie San Dream White Anti-Aging Soap – ito ay mabisang pampaputi na madalas na gamitin ng mga nagkaka-edad na, maari din itong maka-dry ng kaunti sa balat, mas makabubuti kung gagamit ng moisturizer pagkatapos nitong gumamit.
  • Likas Papaya – ito ay isa sa pinakamabisang sabon na pampaputi sa Pilipinas, kaya naman maraming gumagamit nito ng mahaba-habang panahon na.At sa mahabang panahon na paggamit nito ng karamihan ito ay subok ng mabisa.
  • GlutaMax Whitening Soap – ang glutathione ay pinaniniwalan ng marami kung tungkol sa pagpapaputi. Kaya naman marami ang gumagamit nito, mayroong pill na iniinom mayroon naman direktang tinuturok sa ugat. Ang mga takot uminom at magpaturok ay itong sabon na ito ang ginagamit.
  • Belo Intensive whitening Bar – ito ay mayroong kojic acid at tranexamic acid na nagpapaputi ng hyperpigmentation na dulot ng melisma. Nagpapaputi din ito ng balat na naexpose sa araw, ang mga sangkap na nasa sabon na ito ay ligtas o safe sa balat.
  • SGT Gluta Kojic Ultra wightening Soap – ito ay mayroong sangkap katulad ng kijic acid, glutathione, virgin coconut oil, African palm oil, at tea tree extract.
  • Vita Pack 8in1 Whitening Soap – ito ay mayroong 8 benepisyo sa balat tulad ng,whitening, exfoliating, clarifying, smoothening, anti-bacterial, anti-aging, moisturizing at brightening. Kaya naman napakabisa nitong pampaputi ng balat.
  • Olay Skin wightening Bar – ito ay mayroong tatlong sangkap na pampaputi ng balat tulad ng rose and milk, vitamin c at papaya na natural na ngpapaputi ng balat.
  • Royale L-Gluta Power Soap – ito ay mayroong L-glutathione, vitamin c at licorice extract (bago lamang ang sangkap na ito) na nagpapaputi, nag-aalis ng mga dark spot, freckels,ta pimple marks ito ay nagdudulot din ng mild exfoliation.
  • Placenta Original Soap – ito ay mabisa dahil meron itong powerfull anti-aging components, ito rin ay may mga natural na sangkap tulad ng, placenta extract, virgin coconut oil, aloe vera,vitamin E at papaya extract na mabisang pampaputi ng balat.

Ang mga produtong ito tulad ng lotion na mabisang pampaputi ay ligtas gamitin. Mabibili rin sa market ang mga pampaputi ng balat na sabon. At sabon na pampauti ay magiging mabisa ang resulta kung gagamit din ng mga lotion na mabisang pampaputi ng balat.

Ang maputi na balat ay talaga naman magandang tingnan lalo na kapag makinis ito. Kaya pumili ng mga produktong pampaputi na babagay saiyong balat. Ang pilipina ay kilala sa pagiging morena ang balat, higit sa lahat ay maraming magagandang katangian hindi lamang panlabas na kagandahan, higit sa lahat ay mayroong magandang kalooban.

KATULAD NA MGA ARTIKULO