Ano Ang Mabisang Gamot sa Mabahong Hininga? Alamin Dito!

Nahihiya ka bang makipagusap ng harapan sa iyong katabi dahil sa mabaho ang iyong hininga? Naghahanap ka ba ng mabisang gamot sa mabahong hininga? Ang artikulong ito ay punong-puno ng kaalaman na makakatulong saiyo na malunasan ang iyong problema tungkol sa bad breath, ano ang sanhi nito, at ano ba ang gamot dito? Pagusapan natin ito!

Sanhi ng mabahong hininga o bad breath

Gamot sa mabahong hininga? Bago natin ito talakayin, alamin muna natin kung ano ba ang pangunahing sanhi nito, at ano ang mga dis-advantage ng pagkakaroon ng bad breath.

Napagsabihan ka na ba ng katabi mo na mabaho ang iyong hininga? Kahit in a way na hindi ka masaktan? Napakasakit makarinig nito galing sa ibang tao lalo na kapag sa babaeng nililigawan mo. Bawas puntos ito at para ka narin nitong na basted.

Maraming sanhi ang pagkakaroon ng mabahong hininga, ngunit pangunahin dito ay ang uri ng lifestyle mayroon tayo. Mahilig ka ba sa maaanghang na pagkain at iba pang spices katulad ng bawang at sibuyas? Alam mo bang sanhi rin ito ng bad breath? Isa pang sanhi ng mabahong hininga ang poor habits ng isang tao. Ano ang tinutukoy kong poor habits? Ilang beses ka ba kung magsipilyo sa isang araw? Ang katamaran sa pagsipilyo ay kabilang sa poor habits na tinutukoy ko.

Ang pagkaiwan ng mga mantsa o dumi sa ngipin dala ng mga kinakain ay nagiging bakterya kapag hindi natanggal sa bibig. Maari itong mauwi sa pagkabulok ng ngipin at magiging dahilan ng mabahong hininga.

Ano-ano pa ba ang ibang sanhi ng mabahong hininga? Narito ang ilan pa sa mga dapat mong bantayan:

  • Diabetes
  • Constipation o hindi makadumi
  • Sakit sa bituka
  • Sakit sa atay o kidney
  • Pneumonia
  • Paninigarilyo at paginom ng alak
  • Kanser sa bibig
  • Maruming pustiso at braces

Paano makakaiwas sa mabahong hininga?

Ang regular na pagsisipilyo, regular na pagpapatingin sa dentist, at pag-gamit ng dental floss ay bahagi ng oral hygiene o kalinisan ng bibig at lahat ng ito’y nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath. Kaya panatilihing malinis ang bibig at pahalagahan ang iyong hininga.

Nabanggit ko na ang isa sa paraan para makaiwas sa mabahong hininga ay ang pagsisipilyo. Lahat naman tayo ay marunong gumamit ng toothbrush para sa pagsipilyo, kaya lang ang tanong dito ay tama ba ang paraan ng pagamit mo ng toothbrush? Nalilinis ba nito ng mabuti ang iyong mga ngipin? Para mabigyan ka ng sapat na kaalaman, narito ang ilan sa mga dapat mong bantayan sa pagsisipilyo ng ngipin:

  • Una, gumamit ng toothbrush na malambot ngunit siguraduhin rin na bago pa ang brush nito
  • Hugasan muna ng mabuti ang sipilyo bago gamitin.
  • Kung paano kahaba brush ng sipilyo, ganun rin kadami ang dapat na ilagay mong toothpaste.
  • Mag mumog muna ng bibig bago magsipilyo.
  • Sipilyuhin ng mabuti ang ngipin mula baba at taas ngunit huwag masyadong idiin ang toothbrush at hindi dapat lalagpas ng dalawang minuto ang pagsipilyo.
  • Huwag ring kalilimutang sipilyuhin ang dila dahil isa rin ito sa pinamumugaran ng bakterya.
  • Magmumog ng malinis na tubig pagkatapos ng pagsipilyo.
  • Gawin ito pakagising sa umaga, pagkatapos mananghalian, at bago matulog sa gabi.

Isa pang paraan para makaiwas sa mabahong hininga ay iwasan ang magutom. Isa pang madalas na dahilan ng pagkakaroon ng mabahong hininga ay ang pagiging gutom. Iwasang humarap sa mga tao nang kumakalam ang sikmura nang sa gayon ay hindi mapansin ang pagkakaroon ng di kanaisnais na amoy ng hininga.

Mabisang gamot sa mabahong hininga

  • Gumamit ng baking soda. Hindi lang ginagamit sa pagluto ang baking soda, isa rin itong mabisang gamot sa mabahong hininga. Kumuha lamang ng isang kutsarita ng baking soda at tunawin ito sa isang basong tubig. Pagkatapos ay gawin itong pang-mumog.
  • Gumamit ng dahon ng bayabas. Mayroong tatlong paraan ng pagamit ng dahon ng bayabas bilang gamot sa mabahong hininga. Ang una ay ang pag nguya ng dahon ng bayabas. Pumitas ng ilang malusog at sariwang dahon nito. Pagkatapos ay nguyain hanggang madurog ang dahon saiyong bibig. Gawin ito tuwing umaga at bago matulog.
  • Ang sunod naman ay ang paglaga ng dahon ng bayabas. Magpakulo ng isang tasa ng sariwang dahon ng bayabas sa dalawang tasa ng tubig. Salain ito at inumin ang pinaglagaan dalawang beses sa isang araw.
  • Ang pangatlong paraan ay ang pagsunog ng dahon ng bayabas hanggang sa maging abo ito. Gamitin ang abo bilang toothpaste. Sipilyuhin ang ngipin gamit ang abong toothpaste dalawang beses sa isang araw.
  • Ngumuya ng dahon ng yerba Buena. Ang mabangong dahon ng yerba buena ay mabisang pang-alis sa matapang na amoy ng mga kinain. Maaari din nguyain ang parsley na karaniwang dinaragdag sa pagkain bilang pampaganda.
  • Pinakamabisa sa lahat ang paglinis ng bibig araw-araw. Kabilang na riyan ang maayos at regular na pagsisipilyo at pagmumog ng malinis na tubig. Kung gumagamiti naman ng pustiso, linisin rin ito araw-araw at gamitan ng baking soda sa paglinis.

Ang pagmumog gamit ang mouthwash bago matulog ay epektibo rin sa pagbawas ng mabahong hininga o bad breath. Mas makakabuti ang pagtanong sa isang eksperto bago gumamit ng mouthwash para makaiwas sa posibleng maging side effects nito. Ang pagnguya ng chewing gum ay maaari ring makabawas sa bacteryang sanhi ng bad breath sa pamamagitan ng pagpapadami ng laway sa bibig: ang laway ay nakakatulong sa paglinis ng bibig at nakakabawas sa bacteria.

Gamot sa mabahong hininga o bad breath: Magpatingin sa Dentista!

Kapag ang lahat ng nabanggit ay wala pa ring epekto, Kapag nalilinis mo naman ng maayos ang iyong bibig at ngipin gamit ang wastong paraan ng pagsisipilyo, ngunit nandiyan pa rin ang mabahong hininga, kinakailangan mo na ang mag patingin sa isang Dentista. Ang pag pa check-up ay ang pinakamabisa sa lahat!. Maaaring magsagawa ang doktor ng isang medical procedure para tanggalin ang mga dumi at bakterya sa iyong bibig, maaari rin siyang mag reseta ng gamot katulad ng mga dis-infectant na puwede mong gamitin para pansamantalang mawala ang mabahong hininga. At ang pinakamahalaga ay ang pagpabunot ng bulok na ngipin na siyang paboritong pamahayan ng bakterya.

Sundin lamang ang mga sumusunod na ito para magkaroon ka ng isang presko at mabangong hininga!

Gamot sa Mabahong Hininga: Linisin Mo ang Sikmura Mo!

Ang mabahong hininga, na mas kilala sa tawag na halitosis, ay malamang na dahil sa hindi malusog na mga kaugalian sa pagpapanatili ng kalinisan ng bibig. Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay maaari ding palatandaan ng isang mas seryosong sakit. Pero alam mo ba, ang mabahong hininga ay maaari ring dahil sa mga pagkaing paburito natin? Ang gamot sa mabahong hininga ay nakadepende sa tamang cleansing ng iyong sikmura.

Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang lahat ng mga impormasyong kailangan mong malamang tungkol sa mabahong hininga. Sasabihin sa dulo ng artikulong ito ang pinaka mabisang gamot sa mabahong hininga.

Sanhi ng mabahong hininga: Maling mga kaugalian

Ugali ng karamihan sa mga Pinoy ang araw-araw na pagsisipilyo ng ngipin. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng malusog na bibig. Pero, kung hindi ka magsisipilyo ng regular, ang mga tiring pagkain sa bibig mo ay maaaring pamugaran ng mga bacteria, sa palibot gums at sa ibabaw ng dila. Ito ay maaaring maging sanhi ng mabahong hininga.

Isa pa, kung ang pustiso mo ay hindi nalilinisan ng maayos, pwede rin itong pagmulan ng mabahong hininga.

Alam mo ba na ang paninigarilyo at pag-nguya ng tabacco (nganga) ay hindi lang nagdudulot ng maruming mantsa sa ngipin kundi ito rin ay maaaring maging dahilan ng mabahong hininga? Opo! Nakababawas din ito ng kakayahan mong malasahan ang masarap na mga pagkain bukod sa ito ay nakaka irritate ng gums.

Anong mga sakit ang maaaring konektado sa mabahong hininga

Ang hindi maalis-alis na mabahong amoy at masamang lasa sa bibig ay maaaring palatandaan ng sakit gilagid. Ang sakit na ito ay sanhi ng pagkakaipon ng plaque sa ngipin. Ang mga bacteria na nasa plaque ay siyang dahilan ng pagkakaipon ng toxin na nakakairita sa gums. Kapag ang sakit sa gilagid ay mapabayaan, maaari nitong maapektuhan o masira pa nga ang mismong gums at panga ng pasyente.

Tanong: Mabahong hininga dahil sa pagkain?

Opo, ang proseso ng pagtunaw ng pagkain ay nagsisimula sa mismong bibig. Kapag kumain ka ng isang uri ng pagkaing may hindi magandang amoy, tulad na lamang ng sibuyas o bawang, malamang na maging mabaho rin ang iyong hininga. Ano ang magagawa tungkol dito? Tootbrush? Dental Floss? Mouthwash? Ang mga ito ay makakatulong ng bahagya at panandalian para maitago ang masamang amoy. Pero hangga’t hindi naaalis nang lubusan sa katawan mo ang mga kinain mo at ang mga toxins na hatid nito, mabaho pa rin ang hininga mo. Bakit? Kasi naiipon sa colon o large intestine mo ang mga basurang ito. Hindi ito mailalabas lahat!

Colon cleansing: Ang pinaka-mabisang gamot sa mabahong hininga

Naniniwala ka ba sa kasabihang “What you eat is what you are?” Totoo, kung ano ang kinakain mo ay ‘yun din ang amoy hininga mo. Pero, alam mo ba na higit pa riyan ang problema? Ang mabahong hininga ay taong may maruming sikmura o colon ay tiyak na may mabahong hininga! Dahil ito sa hindi kumpletong paglabas ng mga basura sa katawan ng isang tao. At dahil marumi ang kanyang sikmura lalabas at lalabas ang masamang amoy sa bibig.

Napapansin mo ba na kakasipilyo mo lang, pero iba pa rin ang amoy ng hinga mo? Kaibigan baka marumi ang colon mo! Ang mabahong hininga ay isa lang sa mga maaaring idulot ng maruming sikmura, at pwede itong maging dahilan ng mas malalang mga kundisyon tulad ng:

  • Diabetes
  • Highblood
  • Atake sa puso
  • Stroke
  • Sakit sa kidney
  • At marami pang iba

Ano ang solusyon sa maruming bituka? Kailangan itong malinisan sa lalong madaling panahon, bago pa mahuli ang lahat!

KATULAD NA MGA ARTIKULO