Mga Paraan Kung Paano Kuminis at Pumuti ang Mukha

Isa sa mga pangunahing rason kung bakit magaspang ang balat ay dahil sa acne. Ang pagtanggal sa acne at iba pang kondisyon sa balat ay isang paraan para kuminis ang mukha. Ito’y possible sa pamamagitan ng tamang paglilinis ng mukha at paggamit ng mga espesyal na gamot tulad ng benzoyl peroxide at alpha hydroxyl acid. Ngunit, kung lumipas na ang ilang buwan at hindi pa rin nagbabago ang kondisyon ng iyong balat sa kabila ng paglalagay ng mga treatment, pinapayuhan na mas mabuting bumisita sa isang dermatologist. Ang dermatologist ay maaring magmungkahi ng medical treatment para sa acne at acne scars na makakatulong upang makuha mo ang makinis at maputing mukha na iyong inaasam.

Araw-araw na paghihilamos para kuminis at pumuti ang mukha

Maghilamos dalawang beses sa isang araw

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng iyong mukha ang pinakamabisang paraan para masigurado na ang iyong mukha ay malayo sa pagkakaroon ng pimples at acne. Maghilamos isang beses sa umaga at isang beses muli sa gabi. Maghilamos din kung napapansin na nagmamantika o nagiging oily ito.

Halimbawa, isang magandang ideya na maghugas ng mukha pagkatapos mag-ehersisyo o kung ikaw ay gumagawa ng mabibigat na gawain.

Basain ang iyong mukha ng maligamgam na tubig para magsimula. Maaring yumuko sa lababo at wisikan ng tubig ang iyong mukha.

Gamit ang iyong mga daliri, maglagay ng cleanser

Pinakamainam na gumamit ng banayad na cleanser sa paglilinis ng iyong mukha. Maglagay ng kaunting cleanser sa iyong kamay at gamitin ang iyong kamay at mga daliri sa pagmasahe ng cleanser sa iyong balat.

Siguraduhin na nakapikit upang maiwasan na mapunta ang cleanser sa mata.

Kung ikaw ay gagamit ng cloth o tela, gumamit ng gawa sa cotton sa pagmamasahe ng cleanser sa iyong mukha. Iwasan ang matinding pag-scrub o pagkayod sa mukha dahil maari itong maging sanhi ng iritasyon.

Magbanlaw gamit ang maligamgam na tubig

Kung ikaw ay tapos na sa paglalagay ng cleanser, muling wisikan ng maligamgam na tubig ang iyong mukha upang ito’y mabanlawan. Ulitin ito ng ilang beses upang masigurado na walang maiiwan na cleanser sa mukha.

Maaring gumamit ng malinis na tela o wash cloth para makatulong sa pagtanggal ng cleanser. Iwasang kuskusin ang cloth sa mukha. Sa halip ay basain ito at marahan na ipunas upang mawala ang natitirang cleanser.

Tapik-tapikin ang mukha para matuyo

Pagkatapos mabanlawan ang lahat ng cleanser sa mukha, gumamit ng malinis at tuyo na tuwalya at itapik sa mukha para matuyo. Wag ikuskos ang tuwalya sa mukha dahil magdudulot ito ng iritasyon.

Maglagay ng moisturizer

Ang moisturized na mukha ay makakatulong upang mapanatili itong makinis, malambot, at glowing. Ugaliin na pagkatapos maghilamos ay maglagay ng layer ng moisturizer.

Gumamit ng moisturizer na angkop sa iyong balat. Halimbawa, kung ikaw ay may oily skin, gumamit ng oil-free moisturizer. Kung ito naman ay dry, pumili ng moisturizer na sadyang ginawa para sa dry skin.

Paano kuminis at pumuti ang mukha: Paggamit ng espesiyal na gamot

Gumamit ng exfoliating cleanser isang beses sa isang linggo

Ang page-exfoliate ay maaring makatulong para sa ibang uri ng balat. Ngunit, maaring maging sanhi naman ng iritasyon para sa iba. Para maiwasan ang pamumula at pangangati na sanhi ng page-exfoliate, limitahan lamang ito isang beses sa isang linggo.

Gumamit ng exfoliating product na naglalaman ng hindi hihigit sa 2% salicyclic acid o 10 glycolic acid. Anumang produkto na naglalaman ng higit sa mga ito ay maaring maging sanhi ng iritasyon sa iyong balat.
Huwag mage-exfoliate kung ikaw ay mayroong herpes simplex, warts, o molluscum contagiosum. Ito’y maaring magdulot ng impeksiyon.

Iwasang mag-exfoliate kung ikaw ay madaling magkaroon ng dark spots mula sa kagat ng insekto at paso. Ito ay mas karaniwan sa mga taong may maitim na kulay ng balat.

Subukan gumamit ng acne fighting cleanser

Kung ang iyong balat ay madalas magkaroon ng matinding acne at pimples. Makakatulong na gumamit ng produkto na naglalaman ng gamot para sa acne. Makakahanap ka ng mga cleanser at ibang produkto na may sangkap laban at pang-iwas sa acne.

Maghanap ng produkto na mayroong salicylic acid, benzoyl peroxide, sulfur, o resorcinol. Ang ganitong mga produkto ay maaring mabili kahit walang reseta mula sa doctor.

Alalahanin na maaring abutin ng isang buwan o mas matagal pa bago makita ang resulta ng over-the-counter acne treatment. Maari kang makaranas na pamumula at pamamalat habang naga-adjust pa ang iyong balat sa gamot.

Piliin ang produktong may sangkap na alpha hydroxy acid. Ang mga produktong may alpha hydroxy acid ay mas epektibo sa pagpapakinis at pagpapaputi ng mukha dahil inaalis nito ang mga patay na skin cells at tinatanggal ang bara sa pores. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang acne.

Maghanap ng cleanser o moisturizer na mayroong alpha hydroxy acid.

Subukan gumamit ng tea tree oil gel

Ang 5% ng tea tree oil gel ay kasing epektibo ng mabibiling mga over-the-counter acne medicines. Kung nais mong subukan ng natural na alternatibo sa benzoyl peroxide at iba pang gamot sa acne, subukan ang tea tree oil.
Huwag direktang ipahid ang oil sa iyong balat. Maghanap ng lotion o gel na mayroong 5% concentration ng tea tree oil.

Laging tandaan, maaring makaranas ng ilang side effects mula sa paggamit ng tea tree oil tulad ng iritasyon at pamumula.

Mga paraan kung paano kuminis at pumuti ang mukha: Paghingi ng tulong Medikal

Kumunsulta sa dermatologist

Kung patuloy na nakakaranas ng acne at ibang kondisyon sa balat, kailangan mo humingi ng tulong ng isang dermatologist. Susuriin ng dermatologist ang iyong balat upang makapagbigay ng angkop na reseta o over-the-counter na gamot.

Kung walang mahanap na dermatologist, maaring magtanong sa iyong doctor upang ikaw ay maipakilala sa isa.

Magtanong ng mga prescription treatments para sa iyong problema sa balat

Mayroong iba’t ibang paraan kung paano kuminis ang mukha at kung paano magamot ang problema sa malalang acne. Kung bibigyan ka ng iyong dermatologist ng reseta, maari niyang imungkahi ang mga sumusnod na gamot:

Retinoids. Ang pinaka-karaniwang ginagamit na gamot para sa acne. Ang mga Retinoid creams, lotions, at gels ay makakatulong para maiwasan ang pagbabara ng pores. Maari rin irekomenda ng iyong dermatologist ang Dapsone kasabay ng Retinoids upang mas maging epektibo ang paraan para kuminis ang mukha.

Antibiotic creams o pills. Minsan, sa sobrang tindi ng acne breakout, ito’y humahantong sa impeksiyon. Kapag ito ay nangyari, kailangan mo ng reseta para sa antibiotic cream o pills para magamot ang matinding acne.

Oral Contraceptives. Kung ikaw ay babae, maaring irekomenda ng iyong doctor na gumamit ng oral contraceptives para makontrol ang acne sa iyong mukha. Gayunpaman, may dulot itong matinding side effects. Kaya, siguraduhin muna na tanungin ang iyong doktor tungkol sa panganib nito at kung ito ba ang tamang treatment para sa iyo.

Spironolactone. Kung hindi gumana ang oral contraceptives sa iyo, maaring irekomenda ng iyong doktor ang spironolactone (Aldactone).

Isotretinoin. Kung hindi magiging epektibo ang naunang mga treatment, maaring makatulong ang pag-inom ng Isotretinoin. Ngunit babala, Ito ang huling paraan na maaring gawin dahil ito’y kilala na nagdudulot ng maraming side effects tulad ng birth defects. Sa katunayan, ang mga babae na nasa edad na para manganak ay nangangailangan muna dumaan sa pregnancy test upang makatanggap ng gamot na ito.

Alamin ang iba’t ibang medical treatment para sa acne scars

Ang magaspang na balat ay maaring resulta rin ng peklat dulot ng acne ngunit, huwag mag-alala mayroong paraan para matanggal ang acne scars. Ang ilan sa mga proseso na maari mong itanong sa iyong dermatologist ay:

Dermabrasion. Ang Dermabrasion ay isang epektibong paraan para kuminis ang mukha. Ito’y nangangailangan ng rotating brush para mapakinis ang ibabaw na bahagi ng balat. Tanungin mo ang iyong dermatologist tungkol sa opsyong ito kung ang iyong balat ay magaspang dulot ng acne scars.

Soft tissue fillers. Tuturukan ng taba ang hindi pantay na bahagi ng iyong balat para maging makinis ito. Ngunit, ang epekto nito ay panandalian lamang kaya kailangan paulit-ulit itong gawin para mapanatili ang resulta.

Chemical peels. Tatanggalin ang panlabas na layer ng balat para mabawasan at mapaputi ang acne scars.

Laser resurfacing at light therapy. Ang ganitong treatment ay gumagamit ng laser para mapakinis at mapaganda ang balat.

Skin graft surgery. Para sa matinding peklat, kukuha ng bahagi ng balat sa ibang bahagi ng katawan at ito’y itra-transplant sa iyong mukha. Ang resulta ng operasyong ito ay permanente at mas maselan kumpara sa ibang treatments.

KATULAD NA MGA ARTIKULO