Mabisang Mga Paraan Kung Pampaputi ng Tuhod

Maitim na tuhod? Naghahanap ka ba ng solusyon para sa iyong problema? Ang artikulong ito ang sagot sa matagal mo ng hinahanap! Nakapaloob dito ang iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng maitim na tuhod, mga gamot na pampaputi ng tuhod, at kung paano ba makakaiwas na mangyari ito saiyo.

Ano ang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng maputing mga tuhod?

Ang tuhod ay isa sa pinaka mahalagang bahagi ng katawan ng tao. Malaki ang ginagampanan nitong papel sa pagkilos at lalong lalo na sa paglalakad. Pero alam mo bang bukod sa mga nabanggit ay mayroon pang isa ding mahalaga? Dapat maputi rin and tuhod! Para sa mga kalalakihan ay hindi ito malaking problema, ngunit bangungot naman para sa mga kababaihan kapag maitim ang kanilang tuhod.

Ang tanong, importante ba ang pagkakaroon ng maputing tuhod? Kapag physical appearance na ang pinag-uusapan, natitiyak kung mahalaga ito, lalong lalo na para sa mga babae na kung saan ay mas conscious sa kanilang panlabas na hitsura.

Mahalaga rin ito para sa mga taong malaki ang kaugnayan ng kanilang pisikal na hitsura sa kanilang hanap-buhay. Kagaya na lamang ng mga modelo, beauty queens, celebrity, at mga artista. Ang iba naman ay mayroong sariling dahilan kung bakit gustong magkaroon ng maputing tuhod.

Isa ka rin ba sa mga naghahangad nito? Kung ganun magpatuloy lamang sa pagbabasa at malalaman mo kung paano magpaputi ng tuhod, at kung ano-ano ang mga paraan na pwede mong subukan para ma achieve ito.

 

Bakit maitim ang tuhod at ano ang mga posibleng sanhi nito?

Pampaputi ng tuhod? Bago natin ito pag-usapan, alamin muna natin kung ano ba ang posibleng sanhi nito. Una, Mayroon ka bang ideya kung bakit maitim ang tuhod mo? Isa pang nakapagtataka ay kung bakit ang tuhod mo lamang ang naiiba ang kulay kumpara sa ibang bahagi ng iyong katawan.

Ang mga dalubhasa ay mayroong simpleng paliwanag patungkol dito. Sinasabi ng mga eksperto na ang simpleng dahilan ng maitim na tuhod ay dahil sa makapal ang balat nito kumpara sa ibang bahagi ng iyong katawan. Isa pang dahilan ang pangingitim ng peklat o kaya naman ay ang makapal na kalyong nakabalot sa tuhod mo. Posible rin ang pagbibilad sa araw, dumi o libag, at ang pinaka karaniwang dahilan ay ang genetics o nasa lahi ng iyong pamilya.

Ngunit ayon sa mga eksperto, posible ring rason ang pagkakaroon ng sakit sa balat, impeksyon at sanhi ng iritasyon. Ang sakit na diabetes ay isa pang sanhi ng biglaang pangingitim ng balat sa tuhod. Ngayong alam mo na ang mga sanhi nito, alamin naman natin ang mga alternatibong solusyon kung paano magpaputi ng tuhod. Ipagpatuloy ang pagbabasa mo!

 

Mga alternatibong solusyon na pampaputi ng tuhod (Home Remedy)

Naghahanap ka ba ng solusyon sa iyong problema? Alam mo bang matutulongan ka ng artikulong ito? Nakapaloob dito ang ibat ibang alternatibong solusyon na maaari mong subukan sa iyong bahay ng hindi ka gagastos ng malaki. Higit sa lahat, wala itong side effects na maaaring makasama sa balat mo. Ano-ano ba ang mga tinutukoy ko? Narito ang mga simple ngunit epektibong paraan na pampaputi ng tuhod. Sundin lamang ito ng maayos.

Langis ng Niyog – Ang langis ng niyog ay isang mabisang solusyon na pampaputi ng tuhod. Meron itong taglay na vitamin E na pinapatunayan ng mga eksperto na isang bitaminang pampaputi, pampakinis, at pantanggal ng langis sa balat. Tinatanggal rin nito ang panunuyo ng balat na isa ring sanhi ng pangingitim ng tuhod.

  • Ipahid at imasahe ang langis sa apektadong balat at hayaan ito hanggang sa matuyo. Pagkatapos, maaari ka ng maligo ngunit huwag itong lalagyan ng sabon.

Asukal o sugar – Ang asukal ay hindi lang ginagamit na pampatamis sa mga pagkain at inumin. Alam mo bang mahusay rin itong pampaputi ng balat? Maaari mong subukan ang tinatawag na sugar scrub. Tinatanggal nito ang mga nakadikit na libag sa tuhod at pinapalambot rin nito ang balat.

  • Paghaluin lamang ang asukal sa olive oil. Ipahid ito sa apektadong balat at hayaan sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos ay paliguan ito ng maligamgam na tubig. Gawin ito isang beses sa isang araw buong lingo hanggang sa pumuti ang tuhod.

Katas ng lemon o kalamansi – Ang lemon o kalamansi ay kabilang sa pamilya ng citrus fruits na nagtataglay ng pambihirang sangkap ng vitamin c. Ito ring bitaminang ito ang mahusay na sangkap na kadalasang ginagamit sa mga whitening products. Pero alam mo bang pwede mo rin itong gamitin sa natural na pamamaraan.

  • Maghiwa ng preskong lemon o kalamansi at hatiin ito sa dalawang parte. Ikuskos ito sa maitim n balat hanggang sa maubos ang katas. Maaari ring gumamit ng cotton o gapas sa pag apply ng katas. Gawin ito araw-araw matapos maligo, o kaya bago matulog. Ipagpatuloy ang paraang ito hanggang sa pumuti ang balat. Tandaan lamang na ang citrus nitong taglay ay maaaring mag dulot ng impeksyon at pangangati sa balat. Sa mga kasong ganito, mas mainam na gawin lamang ang prosesong ito tatlong beses sa loob ng isang lingo.

Yogurt at putting suka – Hindi lang masarap na pang himagas ang yogurt. Mahusay rin itong pampaputi ng tuhod at kahit siko. Ayon sa mga dalubhasa, ang yogurt ay nagtataglay ng tinatawag na lactic acid na siya namang mahusay na sangkap sa mabilis na pagpaputi ng balat, partikular na sa tuhod.

  • Paghaluin lamang ang isang kutsarita ng yogurt at puting suka para makabuo ng paste. Ipahid at imasahe ang paste sa mga tuhod. Pagkatapos ay banlawan ito ng maligamgam na tubig. Gawin ito araw-araw hanggang sa pumuti an gang maitim na tuhod.

Honey – Ang honey ay karaniwang ginagamit na pampatamis sa mga pagkain at palaman sa tinapay. Pero mayroon rin itong bitamina na pinaniniwalaang nakakapaputi ng balat lalong lalo na sa tuhod. Nakakapag palambot rin ito ng magaspang na balat.

  • Haluin ang isang kutsaritang honey at apat na pirasong hiniwang kamatis. Ipahid ito at imasahe sa mga tuhod at hayaan ang honey sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong minute. Gawin ito isang beses isang araw hanggang sa pumuti ang balat.

Aloe vera gel – Ang aloe vera gel ay karaniwang sangkap sa mga produktong pampaganda ng buhok katulad ng shampoo at conditioner. Pero alam mo bang mahusay rin itong pampaputi ng balat. Sa katunayan nga, gamot rin ito sa mga balat na napinsala ng pagkasunog o paso at nakakapagtanggal rin ito gaspang sa balat.

  • Ipahid lamang ang preskong katas ng aloe vera sa apektadong balat. Kung walang makuhang aloe vera, maaari ring bumili ng aloe vera gel o cream na matatagpuan sa mga kilalang botika. Ipahid ito araw-araw hanggang sa pumuti ang tuhod.

Ano-ano pa ba ang mga gamot na maaaring makapag paputi sa mga tuhod mo? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo

 

Baking soda: Isang mabisang gamot na pampaputi ng tuhod!

Napakarami ang gamit ng baking soda sa mga tao. Bukod sa pangunahing gamit ito sa pagawa ng tinapay, alam mo bang mabisang pampaputi rin ito? Opo! At marami na rin ang mga gumamit at nakapagpatunay nito. Sa katunayan, rekomendado rin ito ng mga eksperto.

Ang baking soda ay may taglay na sangkap na nakakapag paputi ng balat at nakakapag linis rin ito. Tinatanggal rin ng baking soda ang mga patay na celula ng balat o skin dead cells, at nakakapag pabawas ito ng hyper-pigmentation na nabubuo sa mga balat lalolng lalo na sa mga tuhod at siko.

  • Paraan ng paggamit: Paghaluin ang isang kutsaritang baking soda sa gatas at ipahid ito sa matim na mga tuhod. Hayaan ang baking soda na matuyo sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Pagkatapos, banlawan ito ng maligamgam na tubig at huwag itong lagyan ng sabon. Gawin ang prosesong ito araw-araw para sa mas mabilis at epektibong resulta.

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang mga alternatibo at simpleng paraan na pampaputi ng tuhod. Ngunit para naman sa mga taong hindi masyadong kombinsido sa mga ganitong proseso, nakapaloob rin sa artikulong ito ang iba pang gamot na maaaring makatulong saiyo. Isa ka ba sa mga tinutukoy ko? Kung ganun, magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

 

Pampaputi ng tuhod? Subukan ang mga sentetikong gamot na ito!

Isa ka ba sa mga hindi naniniwala sa mag alternatibong solusyon na nabanggit? Kung ganun nababagay saiyo ang mga gamot na tatalakayin natin sa parteng ito ng artikulo. Para sa katulad mo na nag hahanap ng mabilis at epektibong pampaputi at swak rin naman sa iyong budget, nababagay saiyo ang mga gamot na sumusunod:

  • Glutathione soap
  • Glutathione lotion
  • Glutathione cream
  • Glutathione pills
  • Papaya lotion
  • Papaya soap
  • Calamansi soap
  • Calamansi lotion

Ang mga nabanggit sa itaas ay subok na at epektibong pampaputi ng balat lalong lalo na sa tuhod. Tandaan lamang na napakaraming brand na ng mga ganitong produkto ang nagsikalat sa mga pamilihan. Tandaan lamang na pumili ng brand ng produkto na hiyang sa balat mo, at huwag na itong palitan kung maaari. Mas makakabuti rin ang pag konsulta sa eksperto sa balat o dermatologist para masuri ka at mabigyan ng kaukulang payo.

Hindi masama ang paghangad na pumuti ang balat partikular na sa tuhod. Tandaan lamang na isagawa ang ito sa tamang proseso upang maiwasan ang hindi magandang resulta na maaaring mauwi sa ibat ibang side effects.

KATULAD NA MGA ARTIKULO