Paano mawala ang Pimple Marks? Iba’t ibang Natural Treatments at Home Remedies

Pag gumaling ang pimples, maari itong mag-iwan ng kulay-kape o itim na peklat. Tinatawag itong pimple marks o acne scars. Madalas itong nakikita sa mukha ngunit, maari ring makita sa ibang bahagi ng katawan. Paano mawala ang pimple marks? Subukan gumamit ng mga natural na home remedies sa loob ng ilang araw o linggo. Mayroon din mga pimple marks mediation at creams tulad ng chemical peels at face masks na mas mabilis sa pagtanggal ng pimple marks ngunit, mahal ito sa katagalan. Kung hindi naman problema ang pera, may mga therapies gaya ng laser at microdermabrasion na kayang alisin agad ang pimple marks sa loob ng isang araw.

Ano ang Pimples, Pimples Marks o Acne Scars?

Ang pimple ay isang maliit na lesion o pinsala sa tissue ng balat. Nabubuo ito kapag nababarahan ang mga pores. Depende sa kalikasan at itsura nito, ang pimple ay maaring nasa uring papule o pustule. Ang pimples ay isa ring uri ng acne.

Ang whiteheads at blackhead na tinatawag din na comedones ay kabilang din sa ibang uri ng acne. Mayroong mas malalang uri ng acne tulad ng nodular acne at cystic acne.

Madalas, nakakainis kapag tayo ay may pimples lalo na kung nasa lugar sila na madaling makita tulad ng mukha, noo, pisngi, baba, o leeg. Maari rin magkaroon ng pimples sa anit, dila, labi, tenga at maging sa mga pribadong bahagi ng katawan.

Ang pimple marks o acne scars ay pula, kulay-kape o maitim na spots at blemishes na naiiwan sa iyong balat pagkatapos gumaling ng pimples o pagkatapos ng isang treatment. Ang pagkakaroon ng pimple marks lalo na sa iyong mukha ay maaring magdulot ng pagbaba ng self-esteem at maka-apekto sa iyong pakikipagkapwa. Kaya mahalaga na maalis agad ang mga pimple marks para maibalik mo ang iyong tiwala sa sarili at magkaroon ng lakas ng loob na humarap sa iba.

Paano mawala ang Pimple Marks sa Mukha, Baba, Leeg, Anit, Dibdib, Likod at iba pang bahagi ng katawan

Maring paraan para maalis ang Pimple Marks gaya ng natural home remedies, over-the-counter na gamot, prescription medications, at espesyal na pimple mark removal therapies. Epektibo ang lahat ng ito. Nagkakaiba lamang sa kung gaano kabilis ang epekto at syempre, ang presyo nito.

Home Remedies para sa Pimple Marks o Scars

Ang mga home remedies ay natural, mura, at wala masyadong side effects. Ilan sa mga karaniwang home remedies pangtanggal ng pimple marks ay ang sumusunod:

Paano mawala ang Pimple Marks agad gamit ang Lemon Juice

Ang katas ng lemon ay may natural na bleaching properties na nakakatulong upang paputiin ang dark spots sa mukha. Ito’y naglalaman ng alpha hydroxyl acid (AHA), isang mahusay na skin lightening ingredients na makikita sa mga acne scar treatment creams.

Paraan:

  • Kunin ang katas ng lemon at ilagay sa isang bowl.
  • Kung ikaw ay may sensitibong balat, dagdagan ng kaunting tubig.
  • Gumamit ng cotton ball sa paglalagay ng lemon juice sa pimple marks.
  • Maghintay hanggang matuyo ang lemon sa balat.
  • Banlawan ng malamig na tubig.
  • Ulitin ito tuwing makalawa.

Paalala: Laging maglagay ng moisturizer pagkatapos ng treatment na ito dahil ang lemon juice ay nakaka-dry ng balat. Gumamit ng banayad na moisturizer para mapanitili ang iyong mukha na makinis at glowing.

Baking Soda para sa Pimple Marks (Acne Scars) Overnight

Ang Baking soda ay mahusay at karaniwang home remedy para mawala ang maitim na spots at scars sa balat. Mayroon itong exfoliating properties na nakakatanggal sa pimple marks sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Paraan:

  • Maglagay ng 2 teaspoons ng tubig sa 1 teaspoon ng baking soda.
  • Haluin hanggang makagawa ng baking soda paste.
  • Ilagay ang paste sa pimple marks overnight.
  • Banlawan kinabukasan.
  • Gawin ito gabi-gabi sa loob ng isa hanggang dalawang linggo para maalis ang pimple marks.

Paalala: Maaring gumamit ng rose water sa halip na karaniwang tubig para sa mas magandang resulta.

Honey para matanggal ang Pimple Marks

Ang Honey ay maraming medicinal benefits tulad ng antibacterial, anti-allergic, antioxidant, at antiseptic properties. Ito ang dahilan kung bakit epektibong gamitin na home remedy para sa iba’t ibang skin problems ang honey. Kaya nitong alisin agad at permanente ang mga pimples at pimple marks.

Ang Honey ay nakakatulong hindi lang sa pag-alis ng acne scars ngunit, sa pag-moisturize rin ng balat. Para sa pinakamagandang resulta, gumamit ng purong honey. Iwasan ang mga commercial honey dahil ito’y maaring hinaluan ng ibang sangkap na maaring delikado sa balat. Mas mabuti na gawin ang home remedy na ito bago matulog.

Paraan:

  • Ipahid direkta ang honey sa pimple marks.
  • Hayaan ito magdamag.
  • Banlawan kinabukasan ng maligamgam na tubig.
  • Ulitin ang prosesong ito araw-araw hanggang mawala ang pimple marks.

Gumamit ng Potato Juice para mawala ang Pimple Marks

Ang Potato Juice o katas ng patatas ay epektibong lunas para sa discoloration ng balat. Kaya nitong paputiin ang maitim na marka na iniwan ng pimples dahil may taglay itong bleaching properties.

Paraan:

  • I-grate o yadyarin ang patatas ng maliliit na piraso.
  • Ipahid ang niyadyad na patatas direkta sa pimple marks.
  • Patagalin ito ng ilang minuto.
  • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig.
  • Ulitin araw-araw para matanggal ang pimple marks agad.

Paalala: Sa halip na yadyarin ang patatas, maari rin itong hiwain ng maninipis.

Paano paputiin ang Pimple Spots gamit ang Aloe Vera

Ang Aloe Vera ay karaniwan at sikat na home remedy para sa maraming problema sa balat. Marami itong medicinal properties gaya ng anti-inflammatory, anti-microbial, at may lightening properties din. Dahil dito, maari itong gamitin para mabilis na matanggal ang pimple marks.

Paraan:

  • Hiwain at Pisilin ang dahon ng Aloe Vera para makuha ang katas nito.
  • Masahiin ang Aloe Vera gel direkta sa pimple marks gamit ang iyong daliri.
  • Sundin ang prosesong ito dalawang beses araw-araw para mawala ang pimple marks.

Paano mawala ang pimple marks sa pamamagitan ng Turmeric

Ang Turmeric ay epektibong paraan para matanggal ang pimple marks at acne scars sa iyong balat. Ito rin ay naglalaman ng curcumin na mayroon antioxidant and anti-inflammatory properties.

Paraan:

  • Lagyan ng kaunting tubig ang turmeric powder para makagawa ng paste.
  • Ipahid ito sa pimple scars at iba pang apektadong bahagi ng balat.
  • Dahan-dahang masahiin ang iyong balat ng ilang minuto.
  • Hayaan ito sa balat ng 30 hanggang 35 minuto.
  • Banlawan ng malamig na tubig.

Cucumber Juice para sa Pimple Marks

Ang Cucumber ay mayaman sa Vitamin A, Vitamin C, folic acid at iba pang mineral tulad ng potassium at magnesium na maganda para sa balat. Ito rin ay may kakayahan na i-exfoliate ang balat at pumatay ng mga bacteria. Dagdag pa rito, mayroon din itong silica na nakakatulong para mapaputi ang balat at matanggal ang pimple marks.

Paraan:

  • Kunin ang katas ng cucumber.
  • Ipahid ito sa apektadong bahagi ng balat.
  • Iwanan ito magdamag.
  • Kinabukasan, hugasan ang mukha gamit ang maligamgam na tubig.
  • Ultin ito araw-araw para matanggal ang pimple marks sa iyong balat.

Gumamit ng Bawang sa pagtanggal ng Pimple Marks

Ang Bawang ay may antiviral, anti-fungal, at antiseptic properties na makakatulong para mawala ang pimples at pimple marks. May taglay rin itong sulfur para mabilis na gumaling ang pimples at pimple marks.

Paraan:

  • Durugin ang ilang piraso ng bawang para makuha ang katas nito.
  • I-apply ito sa bahagi na may pimple marks.
  • Palipasin ang magdamag bago ito banlawan ng malinis na tubig.
  • Gawin ito araw-araw hanggang makita ang resulta.

Langis ng Niyog para matanggal ang Pimple Marks

Ang Langis ng niyog ay makakatulong para maalis ang maitim na pimple marks sa iyong mukha at para rin mapabuti ang kabuuang kondisyon ng iyong balat. Isa ito sa pinakamagandang natural na moisturizer na may kasamang healing properties.

Paraan:

  • Kumuha ng kaunting organic virgin coconut oil.
  • Masahiin ito sa mukha gamit ang iyong mga daliri.
  • Patagalin ng ilang munuto sa balat.
  • Sundin ang remedy na ito araw-araw hanggang mawala ang pimple marks.

Paalala: Kung hindi angkop ang langis sa iyong balat, banlawan ito gamit ang mainit-init na tubig at cleanser pagkatapos ng 30 minuto. Kung hindi naman, maari na lamang itong hayaan sa balat dahil ito’y isang natural na moisturizer.

Paano mawala ang pimple marks agad gamit ang olive oil

Ang Olive Oil ay nakakatulong sa balat dahil ito’y mayroong iron at iba’t ibang vitamins tulad ng Vitamin E. Mayaman din ito sa antioxidants. Dahil sa exfoliating properties nito, maari itong gamitin sa pagtanggal ng maiitim na pimple marks.

Paraan:

  • Paghaluin ang virgin olive oil, kalamansi o lime, at honey. Lagyan din ng kaunting mainit na tubig.
  • Masahiin ang pinaghalo-halong sangkap sa mukha.
  • Patagalin sa balat ng 3 hanggang 4 na oras o hanggang sa matuyo ito.
  • Ulitin tuwing makawala para maalis ang pimple marks.

KATULAD NA MGA ARTIKULO