Pampaputi ng Mukha: Alamin Ang Mga Paraan Kung Paano Pumuti Ang Mukha

Nais mo bang magkaroon ng maputing mukha? Ang artikulong ito ay punong puno ng kaalaman na makakatulong sa mga katulad mong nangangarap na magkaroon ng maputing mukha. Kaya naman kaibigan, ipagpatuloy lamang ang iyong pagbabasa!

 

Mga benepisyo ng pagkakaroon ng maputing mukha

Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng isang magandang hitsura ay mayroong malaking dagdag sa pagkatao ng isang tao. Aminin man natin ito sa hindi, pinapatunayan ito ng pagkakaroon diskriminasyon lalong lalo na kapag pisikal na hitsura na ang pinag uusapan. Kaya naman ang pagkakaroon ng maputing balat partikular na sa mukha ay hindi maitatangging mayroong malaking kontribusyon sa pagiging maganda ng isang tao. Gusto mo bang malaman ang ibat ibang paraan na pampaputi ng mukha? Ang lahat ng iyan ay nakapaloob sa artikulong ito.

 

Paano pumuti ang mukha: Alamin muna ang mga uri ng balat sa mukha!

Bago mag sagawa ng proseso sa pagpapaputi ng mukha, mahalagang malaman mo muna ang ibat ibang uri ng balat ng isang tao. Sa paraang ito, malalaman mo ang uri ng iyong balat at makakaiwas ka sa mga gamot na maaaring makasama sa balat mo. Ano-ano nga ba mga ito?

  • Dry skin o tuyong balat
  • Normal skin
  • Oily skin o mamantikang balat
  • Combination skin

Upang makatiyak, mas makakabuti ang mag patingin sa isang doktor sa balat upang malaman ang totoong skin type mo.

Ngayong alam mo na ang mga ito, alamin naman natin ang mga simple ngunit epektibong paraan kung paano pumuti ang mukha.

 

Mga simpleng pamamaraan na pampaputi ng mukha

Mayroong mga taong sadyang mapuputi, karamihan pa nga ay pakapanganak pa lamang ay pansin mo na ang angkin nitong kaputian. Nasa genes ito o lahi ng kanilang pamilya. Ngunit mayroon namang mga taong hindi kaputian o kayumangi, at ang iba pa nga ay talagang maiitim, yun bang tipong mahirap Makita sa dilim. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit maraming mga pinoy ang ang nangangarap na magkaroon ng maputing balat lalong lalo na sa mukha.

Upang makatulong sa iyo, mayroong mga tips na inihanda ang artikulong ito na tiyak na makakatulong sa hangarin mong magkaroon ng maputing mukha. Simpleng pampaputi ng mukha? Sundin lamang ang mga paraang ito:

  • Iwasan ang masyadong pagbilad sa araw. Napakasimple nito at epektibo at kayang kayang gawin ng isang karaniwang tao.
  • Gumagamit ka ba ng sabon at cream sa iyong mukha? Iwasan lamang ang pabago bago ng brand na iyong ginagamit. Maghanap ng isang brand na sabon o cream na swak sa iyong balat at huwag na itong palitan. Mas makakabuti ang pag konsulta sa doktor sa balat o dermatologist.
  • Gumamit ng make-up na pampaputi ng mukha. Opo! Posible ito at marami na rin akong narinig na gumagamit nito. Mag saliksik lamang sa internet kung ano-ano ang mga make-up na pampaputi ng mukha.
  • Iwasang magkaroon ng tagiyawat o pimples. Ang pagkakaroon ng impeksyong ito sa iyong mukha ay isang malaking hadlang sa pangarap mong pumuti. Hindi ka na nga puputi, masisira pa ang iyong balat.
  • Ugaliin ang pag hilamos ng mukha araw-araw lalong lalo na bago matulog at pagkagising. Sa paraang ito, nalilinis ang iyong mukha at mas nakakatulong na pumuti.

Ano-ano pa ba ang mabisang paraan na pampaputi ng mukha? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

 

Mga halamang gamot pampaputi ng mukha

Kapag sariling balat mo na ang pinag uusapan, ipinapayo ko na sumubok muna ng mga natural na pamamaraang tatalakayin sa artikulong ito. Ano ba ang tinutukoy ko? Ito ang mga halamang gamot! Bukod sa hindi ka gagastos ng Malaki, nakakasiguro ka rin na safe at walang side effects na pwedeng sumira sa iyong iniingat ingatang balat.

Ang pagamit ng mga gamot na mayroong kemikal ay hindi naman masama basta’t wasto ang pagamit nito. Kaya naman kung gusto mong pumuti ang iyong mukha ngunit ayaw gumastos ng Malaki, ang mga halamang gamot na ito ang maipapayo ko.

  • Calamansi –  Ang kalamansi ay hindi lang masarap na panghalo sa mga lutuin at sawsawan. Alam mo bang mabisang pampaputi rin ito? Ang taglay nitong citrus at vitamin c ay mahusay sa iyong balat. Mag apply ng katas kalamansi sa iyong mukha gamit ang cotton o gapas tatlong beses sa isang lingo bago matulog. Karagdagang kaalaman, hayaan sa balat ang katas ng kalamansi pakapahid sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Ngunit kapag nakaramdam ng pangagati at iritasyon ay mas makakabuti na itigil ang paraang ito.
  • Kamatis – Masarap itong panggisa sa mga lutuin at kung hindi mo alam ay mainam rin itong pampaputi at pampakinis ng balat. Kumain lamang ng presko at bagong pitas na kamatis araw-araw. Medyo mahirap ito para sa iba pero natitiyak kong makakaya ito basta’t determinado. Para naman sa iba na hindi kayang kumain ng kamatis, maaari rin itong ipahid sa balat. Gumamit ng blender upang madurog ang mga kamatis at gawin itong paste sa balat. Ipahid ito at hayaan sa loob ng 20 minuto.
  • Papaya – Matamis kapag hinog at masarap itong pansahog sa tinola. Ngunit alam mo bang napakabisang pampaputi ng papaya? Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit napakaraming produktong pampaputi katulad ng sabon at lotion ang may sangkap nito. Ang bagay na ito ay hindi na nangangailangan pa ng malawak na pag paliwanag. Maaari ring pag haluin ang papaya at kalamansi para sa mas epektibo at mabilis na resulta. Mag durog ng hinog na papaya at haluan ito ng lemon juice o kalamansi. Ipahid ito sa iyong mukha isang beses sa isang araw.

Ngayong alam mo na ang mga halamang gamot na mabisang pampaputi ng mukha, alamin naman natin ang mga sentetikong gamot na maaaring gamitin para pumuti. Paano ba pumili ng wastong gamot? Paano ba makakaiwas sa side effects? Ipag patuloy ang iyong pagbabasa.

 

Mga gamot na pampaputi ng mukha na rekomendado ni Doc!

Kung nais mo talagang ma achieve ng mabilis ang maputing mukha, at swak naman sa budget mo, wala pa ring tatalo sa mga gamot na formulated ng isang eksperto. Marami ang nagsasabing sugal daw ang pagamit nito dahil nga sa maaaring side effects na dulot nito. Ngunit nangyayari lamang ito dahil sa maling gamit at pag abuso sa mga gamot na ito. Kaya nga mas mainam ang mag pa check up muna nag sa ganun ay malaman mo ang skin type mo, at syempre makapili ng gamot na hiyang sa balat mo.

Para magkaroon ka ng malawak na idea, narito ang ilan sa mga pwede mong pagpiliang gamot para pumuti ang iyong balat lalong lalo na sa mukha.

  • Sabon, cream, at lotion na may sangkap na gluthatione. Siguro naman narinig mo na ang tungkol sa gluthatione. Ito ay isang uri ng gamot na pinaniniwalaan ng karamihan na pinaka epektibong pampaputi. Kaya naman napakarami sa ating mga pinoy ang patuloy na gumagamit ng produktong may sangkap nito.

Bukod sa mga ito, mayroon pang mga sentetikong gamot ang pwede mong gamitin upang pumuti ang iyong balat. Ang mga gamot ring ito ang nakakatulong din upang mapangalagaan ng wasto ang balat mo partikular na sa iyong mukha. Ano-ano baa ng mga ito?

  • Gumamit ng Cleanser para sa balat sa mukha
  • Gumamit ng toner para ma control ang oiliness at manatiling malinis ang balat
  • Mag exfoliate rin ng balat para makaiwas sa mga impeksyon sa balat katulad na lamang ng tagiyawat o pimples.
  • Gumamit ng skin moisturizer para mas mapanatili ang youthfulness ng balat.
  • Mas makakabuti ang pagamit ng sun screen o sun block para malabanan ang init ng sikat ng araw o UV rays.

Ngayon ang tanong, paano baa ng wastong pagamit nito? Maipapayo ko na mag konsulta muna sa mga eksperto bago ang pagamit nito upang makaiwas sa hindi magandang resulta.

Para naman sa mga nakakaangat ang buhay at nais pumuti ng mabilis, ang huling paraan ang maipapayo ko sa inyo. Ano ba ito? Alamin sa huling bahagi ng artikulong ito.

 

Magpa inject ng gluthatione sa para pumuti ang balat sa mukha!

Ang paraang ito ang pinaka mabilis at epektibo sa lahat ng nabanggit sa itaas. Ngunit ito ay may kamahalan at hindi lahat ng pang karaniwang tao ay kaya itong subukan. Alam mo bang ito ang ginagamit ng mga artista para mas pumuti pa sila kahit nga kung tutuosin ay hindi na naman kailangan pa.

Mayroon din naman nitong iniinom na tinatawag na gluthatione pills. Ang paraang ito ay mas mura at mas nababagay sa mga taong takot sa karayom. Ang tanong safe ba ang gluthatione injection sa balat? Opo! Dahil ito ay rekomendado ng doktor at ang operasyon nito ay isanasagawa sa wastong paraan. Hindi rin ito basta basta i-iinject sa balat ng hindi dumadaan sa masusuring pag susuri. Tandaan lamang na ang paraang ito ay sensitibo ngunit epektibo kapag naisagawa ng maayos.

Para sa konklusyon, hindi masama ang paghangad na pumut, magandang asal nga ito kung tutuosin dahil iniingatan mo ang iyong katawan. Tandaan lamang na isagawa ito sa wastong paraan at huwag mag madali.

Tayong mga pinoy ay likas na kayumangi ang kulay ng balat, kaya’t para sa mga taong hindi kaputian o maiitim, huwag itong masyadong damdamin at mag pasalamat na lamang sa kung ano ang ibinigay ng diyos sa atin.

KATULAD NA MGA ARTIKULO