Pampaputi ng Kilikili: Paano Pumuti Ang Kilikili

Ang maitim at hindi pantay na kulay ng balat ay madalas na ikinahihiya ng mga babae. Lalo na kung ang balat na maitim ay nasa kilikili. Maging ang mga kalalakihan kung minsan ay nagiging problema din ito. Anong mahusay na solusyon ang pampaputi ng kilkili? Ano ang dapat gawin kung paano pumuti ang kilikili? At ano ba ang mabisang pampaputi ng kilikili?

Ang karaniwang sanhi ng maitim na balat ay dahil sa response ng balat na-exposed sa mga elemento tulad ng araw at ultraviolet rays. Ang maitim na kilikili naman ay dahil sa pag-ahit, palaging paggamit ng hair removing cream, labis na pagpapawis, laging nakatago ang kilikili, pagdami ng dead skin cells at paggamit ng deodorant o antiperspirants na mayroong sangkap na alcohol.

Narito ang mga pampaputi ng kilikili na dapat gamitin para magkaroon ng maputing kilikili

Mga natural na paraan ng pampaputi ng kilikili

Patatas. Ang mild acid na galing sa patatas ay isang natural bleach na mabisang paraan na pampaputi ng kilikili. Hindi ito katulad ng ibang klase ng bleaching na matapang na puwdeng makairita ng balat, ang patatas ay maaaring gamitin na pang bleach at ito ay banayad lamang.

Hiwain lamang ang patatas at pagkatapos ay ikuskus o i-scrub sa kilikili, o kaya ay gadgarin ito at ilagay ang katas sa kilikili, iwan ito ng 15-20 minutes at pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig.

Pipino. Katulad ng patatas ang cucumber ay mabisa din na pampaputi ng kilikili. Ito ay isa ding natural na pambleach para pumuti ang balat o skin. Hiwain ng manipis o kaya ay gadgarin ang cucumber at ilagay sa kilikili, gawin ito ng 1-2 beses sa isang araw.

Maaari ding lagyan ng kaunting turmeric powder at lemon juice ang katas ng cucumber at haluin at saka ilagay sa balat o kilikili. Iwan ito ng 30 minutes at saka banlawan, maaari itong gawin ng isang beses isang araw.

Lemon juice. Ang katas ng kalamansi ay hindi lamang natural na bleach kundi isa rin itong mabisang antibacterial at antiseptic. Kaya naman ang lemon ay mabisang gamot sa mga problema o sakit sa balat.
Tandaan: Ang kalamansi ay maaaring maging sanhi ng pag-dry ng balat kaya mas maganda kung gagamit ng moisturizer pagkatapos na maglagay ng lemon juice sa balat. Ang lemon juice ay isa ring mabisang pampaputi ng kilikili.

Maaari ding lagyan ang lemon juice ng turmeric powder, honey, at plain yogurt at ilagay sa kilikili iwan ng 10 minutes at banlawan. Gawin ito ng 3-4 na beses sa loob ng isang linggo.

Baking soda. Ang baking soda ay maaaring gamitin na pang exfoliate i-scrub ito sa maitim na kilikili. Makakatulong ito na maalis ang mga dead skin cells na siyang sanhi ng pangingitim ng kilikili. Isa rin itong mabisang paraan kung paano pumuti ang kilikili. Lagyan ng kaunting tubig ang baking soda at haluin, pagkatapos ay i-scrub sa kilikili, pagtapos ay banlawan at patuyuin. Gawin ito ng mga ilang beses sa isang linggo.

Orange peel. Ang orange peel o balat ng orange ay ginagamit din na pampaputi ng kilikili. Ibilad sa araw ang balat ng orange hanggang sa matuyo ito. Pagkatpos ay dikdikin o kaya ay pinuhin ito para maging powder. Ang 2 kutsarita ng orange peel powder ay lagyan ng kaunting tubig at gatas para maging malapot ito. I-scrub ng dahan-dahan sa kilikili at iwan ng 10-15 minutes, at saka banlawan malamig na tubig.

Coconut oil. Ang coconut oil ay isa pang paraan kung paano pumuti ang kilikili. Ang coconut oil ay mayroong Vitamin E na tumutulong sa pampaputi ng kilikili. Isa rin itong mabisang natural na deodorant. Imasahe ang coconut oil sa kilikili at iwan ng 10-15 minutes, hugasan ito gamit ang mild soap at maligamgam na tubig.

Kung minsan ang pangingitim ng kilikili ay dahilan sa medical condition tinatawag itong acanthosis nigrigans. Ang mga sanhi nito maaaring dahil sa insulin resistance, obesity, hormonal disorder, at iba pang medication katulad ng cancer. Makabubuting sumangguni sa doktor kung sakaling sa tinggin mo ay nararanasan mo ito.

Mga produkto na mabisang pampaputi ng kilikili

Belo Underarm Whitening Cream. Ito ay mayroong benefits na plethora, sinasabing sa loob lamang ng 14 na araw ay puputi na ang iyong kilikili. Ito ay hypoallergenic kaya kahit na sa mga sensitive na skin o balat ay mabisa ito at hindi nakakairita ng balat.

Meladerm Skin Whitening Cream. Hindi lamang ito pampaputi ng kilikili, kundi mabisa din itong pampaputi sa kahit anong parte ng katawan. Mayroon itong hydroquinone at paraben na mabisang pampaputi ng ages spot, acne marks, old scars o peklat, pwede itong gamitin ng lalake at maging ng babae.

Secreet Bright Whitening Cream. Ito ay nasa maliit na lalagyan lamang na 2 oz, ito ay mabisang pampaputi ng kilikili sa loob lamang ng 2 linggo.

Extreme Bright Whitening Gel. Ito ay mabisa at may kamahalan, kaya makabubuti ito kung paano pumuti ang kilikili, at dahil may kamahalan ay kaunti lamang ang dapat ilagay sa apektadong parte ng katawan. Makatutulong din ito sa blackheads at acne, sinasabing napakaganda ng resulta kung gagamit ka nito dahil parang natural lamang ang pagputi mo.

Authentic Relumins and Inner Thigh Cream. Ito ay hindi lamang mabisang pampaputi ng kilikili kundi pati na rin sa siko at tuhod at ibang parte g katawan. Ito ay pinakaligtas gamitin dahil ito ay galing sa botanical source kaya ligtas at mabisa.

Pink Daisy Personal. Isa rin itong mahusay na produkto kung paano pumuti ang kilikili. Pwede itong gamitin ng babae at lalake, wala itong harsh chemical kaya ligtas din itong gamitin.

Garnier Mineral Light Extra Whitening Deodorant Roll-On. Ito ay katulad lamang ng mga natural na roll-on, ngunit ang pagkakaiba ay nagtatangal ito ng amoy ng kilikili habang nagpapaputi.

South Bleach Solution For Underarms. Isa din itong roll-on na madaling i-apply sa kilikili, wala din itong mga harsh na chemical kaya ligtas din itong gamitin lalo ng mga mayroong sensitive skin.

Ang problema sa pagkakaroon ng maitiim na balat at kilikili ay maraming sulusyon, mayroong mga natural na paraan na pampaupti ng kilikili. May mga produkto rin kung paano pumuti ang kilikili. Ang pagkaroon ng mga kaalaman na ito ng mabisang pampaputi ng kilikili ay makatutulong sa atin. Kapag sinunod natin ang mga tamang pamamaraan na ito ay masosolusyonan ang ating problema. Maibabalik natin ang ating tiwala sa sarili at magagawa natin ang ating mahahalagang gawain para sa ating sarili, sa ating pamilya at sa ating kapwa.

KATULAD NA MGA ARTIKULO