Pampahaba ng Buhok: Paano Humaba Ang Buhok ng Mabilis?

Ang ibat ibang style ng buhok ay magandang tingnan, usong uso yan ngayon lalo na sa mga kabataan. Ang hair straightening, rebonding, at pagkulay ng buhok ay kadalasang nakakasira ng buhok. Nariyan din ang shampoo, conditioner at maraming iba pang produkto na ginagamit sa buhok, dahil ang akala natin ay makabubuti sa ating buhok. Ngunit napapansin natin na hindi naman nagiging malusog ang ating buhok, at nahihirapan tayong pahabain ito. Kaya naman marami ang nagtatanong; Paano humaba ang buhok? Paano magpahaba ang buhok? Anong paraan ang mabilis na pampahaba ng buhok?

Paano humaba ang buhok?

Habang pinahahaba ang buhok ay iwasan ang paggamit ng sobrang chemical sa buhok, dahil maaaring maging marupok ang buhok. Mas makabubuti na paliguan lamang ang buhok ng hindi susubra sa 3 beses isang linggo. Kung ang buhok ay dry at nagsisimula na itong maging marupok ay gumamit ng hot oil mask isang beses sa bawat dalawang linggo.

Isa sa paraan kung paano humaba ang buhok ay uminom ng maraming tubig. Ang pag inom ng 2-3 letris o 68-101 oz ng tubig araw-araw at pagkain ng mga pagkain na mayaman sa protina ay makatutulong kung paano magpahaba ng buhok. Ang paggamit ng fish oil supplements o kaya professional hair growth ay mabilis na pampahaba ng buhok.

Mga paraan kung paano magpahaba ang buhok

Baguhin ang pamamaraan ng pagpaligo sa buhok – ang paraan ng pagpaligo sa buhok at ang temperatura ng tubig na pinapaligo sa buhok ay maaaring makaapekto sa paghaba ng buhok . Ang mainit na tubig pampaligo ay pwedeng maka dry at makaparupok ng buhok at makadamage nito. Kaya paliguan lamang ang buhok ng hindi susubra sa 3 beses sa isang linggo gamit ang katamtamang lamig ng tubig.

Kung 3 beses sa isang linggo lamang papaliguan ang buhok ay mapapanatili nito ang natural na oil ng buhok kaya magiging makintab o makinang ito. Gumamit ng hat o sombrero kapag lalabas ng bahay upang ang iyong anit ay huwag masyadong maglabas ng oil sa buhok. Ang ganitong balanseng paraan ay makakatulong kung paano humaba ang buhok.

Kapag hindi mo gustong maligo ng katamtamang lamig ng tubig sa katawan, gawan ng paraan na ma-ihiwalay ang pagpaligo sa buhok. Maaaring itagilid ang ulo para mapaliguan ito ng hiwalay, at kung papaliguan naman ang katawan ay gumamit ng shower cup para hindi makasali ang buhok.

Patuyuin ang buhok gamit ang malambot na towel – ang paggamit ng blow dry o pag brush nito ay hindi makabubuti kung paano magpahaba ng buhok. Pagkatapos maligo dahan dahan at buong pag-iingat na patuyuin ang buhok gamit ang malambot na towel.

Huwag gumamit ang brush habang basa pa ang buhok, mas madaling maputol habang sinusuklay ang basang buhok kaysa tuyong buhok . Kung maaari habang basa pa ng buhok ay suklayin lamang ito gamit ang daliri o kaya ay ordinaryong suklay.

Huwag gumamit ng blow dry maliban lamang kung mayroong espesyal na okasyon. Ang pagamit ng blow dry ay maaaring makasira ng buhok katulad ng pagrupok o pagkaputol ng buhok, buhaghag at split ends. Ang ganitong pagkasira ay mahirap marepair, kailangang hinatayin na tumubo ng bago ang buhok para bumalik sa dati.

Huwag gumamit ng harsh chemical sa buhok – ang paggamit ng mga shampoo at conditioner na may harsh chemical ay hindi makakatulong sa kung paano humaba ang buhok. Ang karamihan sa commercial shampoo ay mayroong sulfates na umaalis sa natural oil ng buhok kaya madali itong masira. Ang mga conditioner ay mayroong silicone, ang silicone ay bumabalot sa buhok at para matanggal naman ang silicone ay kailangan naman itong gamitan ng strong shampoo. Ang ganitong cycle ay tunay na nakakasira ng buhok, kaya naman ang pagtubo nito ay apektado.

Mabilis na pampahaba ng buhok sa natural na paraan

Gumamit ng strong shampoo sa huling pagkakataon para matanggal ang silicone sa buhok na dulot ng conditioner, huwag ng gumamit ng conditioner sa ganitong pagkakataon, hayaang matuyo ang buhok.

Pagpahingahin ang buhok ng ilang araw, huwag paliguan at huwag gumamit ng anumang produkto sa buhok.

Sa susunod na pagpaligo ay gumamit lamang ng shampoo ng may natural na sangkap basahing mabuti ang label ng shampoo siguraduhing wala itong halong chemical.

Gumamit ng apple cider vinegar pang conditioner ng buhok, kapag tuyo na ang buhok hindi naman ito mangangamoy suka. Para sa deep conditioning treatment gumamit ng coconut oil. Ang ganitong paraan ay makakabuti kung paano humaba ang buhok.

Subukan ang mga natural na paraan para mag-style ng buhok at mga natural ng produkto:

  • Maaaring gumawa ng iyong sariling gel na may natural na sangkap.
  • Para sa madulas at hindi buhaghag na buhok gumamit ng argan oil o iba pang natural oil.
  • Gumamit ng mga natural na paraan sa pagstyle ng buhok na hindi ito pina-iinitan.

Gumamit ng natural na mask sa buhok isang beses sa kada dalawang linggo para marepair ang hair damaged. Makatutulong ito para maging malambot, makintab at mabilis humaba ang buhok.

Gumawa ng hair mask gamit ang coconut and almond oil, ang coconut oil ay tumutulong para sa deep conditioning habang ang almond oil naman ay nagbibigay ng extra shine sa dry na buhok. I-massage ang ginawang mask sa ulo at pagkatapos ay lagyan ng shower cup, pa-ikotan ng warm blow dry ang ibabaw ng cup ng 10 minutes pagkatapos ay tanggalin ang cup at saka banlawan. Ang isa pang paraan ay lagyan ng ginawang mask ang buhok pagkatapos ay tiritasin ito at lagyan ng shower cup, gawin ito sa araw at gabi sa loob ng 3 buwan, makatutulong itong humaba ang buhok ng higit sa inaasahan. Sinasabing maaaring tumubo ng 3 inches ang buhok kapag ginawa ang ganitong paraan. Maaari ding gumamit ng warm olive oil, cinnamom at honey para tutubo ng malusog at nasa kondisyon ang buhok.

Mga karagdagang paraan kung paano humaba ang buhok – kumain ng masustansiyang pagkain na mayaman sa protina. Ang mga pagkain katulad ng beef, manok, baboy, itlog, at cheese ay mayaman sa protina at makakatulong kung paano humaba ang buhok. May mga gulay din na nagtataglay ng katulad na protina kagaya ng beans, legumes leafy vegetables tulad ng spinach. Ito ay mga pagkain ng mabilis magpahaba ng buhok.

Ang mga paraan kung paano humaba ang buhok, at mga kaalaman kung paano mapahaba ang buhok ay nararapat lamang biayan ng pansin at sundin. Ang tamang pangangalaga , at pagkain ng masustansiyang pagkain ay mabilis na pampahaba ng buhok. Pagsumikapan na maging malusog ang katawan upang tumubo ng masigla, at maganda at mahaba an gating buhok.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pampahaba ng Buhok: Paano Humaba Ang Buhok ng Mabilis?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO