9 Epektibong Recipe kung Paano gamitin ang Baking Soda sa Kilikili

Sa artikulong ito, malalaman mo kung “Paano gamitin ang baking soda sa kilikili” at ang iba pang epektibong recipe sa pagpapaputi ng kilikili.

Walang duda na ang pagkakaroon ng maitim na kilikili ay nakakababa ng iyong kumpiyansa sa sarili. Maari itong magdulot ng body odor, iritasyon, at pangangati. Maraming dahilan ang nakakadagdag sa pangingitim ng kilikili tulad ng sobrang paggamit ng hair removal creams, matinding pagpapawis, waxing, at mga alcohol na makikita sa deodorant at pabango. Ang problema sa timbang at iba pang karamdaman ay maari ring magdulot ng maitim na kilikili.

Sa totoo lang, karaniwang problema ito at maraming tao ang mayroong maitim na kilikili ngunit, ang usaping ito ay madalas hindi ibinabahagi o kinekwento sa iba dahil nakakahiya.

Kung ikaw ay nahihiya sa maitim mong kilikili, wag mo isiping ito’y problema na walang solusyon dahil kayang kayang ito masolusyunan gamit ang mga sangkap na makikita mo na sa iyong tahanan.

Ano at paano gamitin ang baking soda sa kilikili?

Ang baking soda o sodium bicarbonate ay madalas ginagamit pangluto at panglinis ngunit, maari rin itong gamitin pampaputi ng kilikili. Paano Gamitin ang Baking Soda sa Kilikili? Narito ang ilan sa mga kahanga-hangang kakayahan ng Baking Soda na magpapatunay na ito’y epektibong lunas sa maitim na kilikili.

  • Mayroon itong mahusay na skin lightening properties na pumipigil sa produksiyon ng melamine upang mabigyan ka ng mas maputing kilikili.
  • I-exfoliate ang balat sa pamamagitan ng pag-alis ng patay at sirang skin cells upang mas mapabilis ang paggawa ng bagong cells. Sa ganitong paraan, pinapaputi nito ang kilikili ng hindi napipinsala ang balat.
  • Ito’y isang drying agent na mabisang sumisipsip sa excess oil ng kilikili para maiwasan ang pangingitim nito.
  • Binabalanse nito ang pH level ng balat sa gayong paraan ay mapigilan ang pangingitim.
  • Isa itong natural na deodorant na makakatulong upang maka-iwas sa mabahong amoy o putok na nangagaling sa kilikili.

9 epektibong recipe kung paano gamitin ang baking soda sa kilikili

Baking soda

Ito’y mabisa hindi lamang sa pagpapaputi ng kilikili, ngunit maging sa mga rashes.

Paano gamitin ang Baking Soda sa Kilikili?

  • Haluin ang 2 tablespoon ng Baking Soda at ilang patak ng tubig upang makagawa ng paste.
  • Ipahid at Masahiin sa iyong kilikili
  • Maghintay ng 25 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig
  • Ulitin ito ng 4 na beses sa isang linggo upang makuha ang inaasahang resulta

Apple Cider Vinegar at Baking Soda

Mga Sangkap:

1 teaspoon Apple Cider Vinegar
1 teaspoon Baking Soda
Cotton/Bulak

Paano gamitin ang Apple Cider Vinegar pampaputi ng kilikili?

  • Haluin ang Apple Cider Vinegar pati ang Baking Soda. Hintayin hanggang magkaroon ng Bubbles o bula
  • Linisin ang iyong kilikili at panatilihin itong tuyo
  • Gamit ang bulak, ipahid ang formula at hayaan ito sa kilikili ng hanggang 15 minuto
  • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig

Honey at Baking Soda

Ang Honey ay isang mainam na sangkap na pinoprotektahan ang balat laban sa matinding sikat ng araw. Upang maging mas epektibong skin scrub ito, samahan ng Baking Soda. Haluin ang 1 kutsarang Honey at 1 Kutsarang Baking Soda upang makagawa ng cream. Ipahid ito sa maitim na bahagi ng kilikili. Maghintay ng 15 minuto bago ito banlawan.

Langis ng Niyog at Baking Soda

Ang Baking Soda ay isang napakahusay na scrub na mabisang ine-exfoliates ang balat upang matanggal ang patay at sirang mga cells. Pinapatay rin nito ang bacteria na bumabara sa balat para lumabas ang puti ng kilikili. Ang langis ng niyog naman ay mabisang pang-moisturize ng balat. Ang kombinasyon na ito ay mainam upang makuha ang inaasam na maputing kilikili

Paano gamitin ang Langis ng Niyog pampaputi ng kilikili?

  • Maglagay ng maraming Baking Soda at purong langis ng niyog sa isang lalagyan
  • Haluin ng maigi hanggang maging malapot na paste
  • Linisin at patuyuin ang iyong kilikili
  • Dahan-dahang paikot na ipahid sa kilikili ng ilang minuto
  • Maghintay ng 5-10 minuto bago banlawan maigi
  • Sundin ito 2-3 beses sa isang linggo

Rose Water at Baking Soda

Baking Soda ang siyang bahala sa pag-exfoliate ng balat samantalang ang Rose Water ay gaganap bilang natural deodorant. Paghaluin ang 2-3 kutsara ng Baking Soda at kaunting patak ng Rose Water upang makagawa ng malapot na paste. Maari ring magdagdag ng 1 kutsarang honey upang mas maging epektibo ito. Ipahid ng paikot sa kilikili. Ulitin ang prosesong ito 4 na beses sa isang linggo upang makita ang magandang resulta.

Cornstarch at Baking Soda

Mga Sangkap:

¼ tablespoon Baking Soda
½ tablespoon Cornstarch
½ tablespoon Vitamin E Oil

Paano gamitin ang Cornstarch pampaputi ng kilikili?

  • Sa isang malinaw na plastic o glass bowl, pagsamasamahin ang lahat ng sangkap at haluing maigi.
  • Gamitin ang kumbinasyon na ito at patagalin hanggang 10 minuto
  • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig

Turmeric at Baking Soda

1 teaspoon, turmeric – 1 teaspoon ng gram flour at 1 teaspoon ng Baking Soda. Haluin ang 3 sangkap kasama ng ilang patak ng tubig upang makabuo ng paste. Simulang gamitin ang paste sa maitim na kilikili at patuyuin ng 20 minuto. Banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

Cucumber at Baking Soda

Sa kombinasyon na ito, ang Cucumber at Lemon ang tumutulong para pumuti ang kilikili, ang Baking Soda ang siyang nagtatanggal ng patay na balat at ang Olive Oil ang tumutulong upang ito’y ma-moisturize.

Mga Sangkap:

1 Cumcumber
3 tablespoons Lemon Juice
2 tablespoons Olive Oil
1 tablespoon Baking Soda

Paano gamitin ang Cucumber pampaputi ng kilikili?

  • Sa isang medium na bowl, masahin ang ilang piraso ng Cucumber
  • Ilagay ang 2 tbsp. ng Olive Oil, 1 tbsp. ng Baking Soda at 3 tbsp. ng Lemon Juice
  • Haluin hanggang maging paste at ipahid sa kilikili
  • Pagkatapos ng 10 minuto. Banlawaan ng maligamgam na tubig at patuyuin
  • Palagian ulitin ito hanggang makita ang inaasam na resulta

Avocado at Baking Soda

Mga Sangkap:

1 tablespoon Mashed Avocado
2 Tablespoon Baking Soda
½ tablespoon Lemon Juice
1 tablespoon Honey
1 tablespoon Cucumber juice

Paano gamitin ang Avocado pampaputi ng kilikili?

  • Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap sa isang bowl
  • Haluin maigi hanggang maging paste
  • Dahan dahang ipahid ito sa buong kilikili
  • Pagkatapos ng 10 minuto, banlawan ng normal na tubig
  • Ulitin 2 beses sa isang buwan

Mga Tips at Paalala:

  • Ang kilikili ay sensitibong balat kaya mag-ingat sa paggamit ng Baking Soda. Kung ikaw ay makakaramdam ng burning sensation, pamumula, at mga rashes habang gumagamit ng Baking Soda, tumigil at banlawan ito agad,
  • Mag-waxing sa halip na Shaving o pag-aahit. Ang waxing ay mas mainam dahil tinatanggal nito ang buhok mula sa ugat at nakakatanggal din ito ng patay na skin cells.
  • Maging malumanay at banayad sa pagpapahid ng Baking Soda.
  • Wag magsuot ng sobrang sikip na damit. Hayaang makahinga ng maayos ang iyong katawan. Ang madalas na friction o pagkikiskis ng balat ay nakadaragdag sa pagka-itim ng balat.
  • Huwag ng gumamit ng mga chemical-based deodorant at antiperspirants. Sa halip ay gumamit ng mga essential oils, baking soda, at iba pang homemade natural deodorant.
  • Lumapit sa doctor kung matagal ng sumusunod sa home remedies ngunit, hindi pa rin pumuputi ang kilikili dahil maaring ito’y sanhi ng ibang sakit.

KATULAD NA MGA ARTIKULO