Paano Gamutin ang Kalyo sa Kamay at Paa

Mayroon ka bang kalyo sa kamay at paa? Ang pagkaroon naman nito ay hindi naman talagang nakaaalarma. Sa katunayan, halos hindi na nga ito pansin ng karamihan sa mga mayroon nito. Pinalalampas na lamang nila na para bang wala nama sila nito sa katawan. Subalit may mga kayo namang nakakasagabal sa ating mga pang-araw-araw na gawain dahil masakit at malaki na ito.

Sa artikulong madidiskubre mo ang ilang mahahalagang impormasyong tungkol sa kalyo na hindi mo inaakalang importante palang malaman. Ilan sa mga paksang tatalakayin dito ay ang mga sumusunod:

  • Mga katotohanan tungkol sa pagkakaroon ng kalyo
  • Mga dahilan ng kalyo sa kamay at paa
  • Mga sintomas ng kalyo
  • Mga malubhang sakit na mayroon sintomas na kalyo
  • Mga paraan para mawala ang kalyo sa kamay at paa

Katulad ng nabanggit, kalyo sa kamay at paa ay parang pangkaraniwan na lamang. Ang mga pang-araw-araw na gawain, kung minsan nagdudulot ng kalyong ito sa kamay at paa. Ang palagiang pagmamaneho ng sasakyan, pagbibisikleta at weightlifting, ay ilan lamang sa mga nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kalyo sa kamay at paa. Ang kayo ay naggiging dahilan ng hindi komportableng pakiramdam dahil sa magaspang na balat.

Sa kabila ng pagiging tila pangkaraniwan lamang, ang kalyo na gaya ng alam ng karamihan, ay pwedeng maaari palang maging sanhi ng iba pang sakit o karamdaman. Sa artikulong mas malalaman mo pa kung anong karamdaman ang may sintomas ng pagkakaroon ng kalyo sa kamay at paa.

Ano ang kalyo?

Ang kalyo ay ang tumutubo na makapal sa ibabaw ng balat. Ang mga taong ngatatarabaho sa pamamagitan ng pagbubuhat ng mabigat gamit ay maaaring magkaroon ng kalyo sa kamay. Kapag ang kamay ay madalas gamitin sa matitigas na mga bagay, ang mga dead skin ay nagiging magaspang at matigas. Ito ay nabubuo bilang isang kalyo. Kapag ang kalyo ay nagkabitak-bitak , ang bitak ay maaaring maging maliliit na sugat at pwedeng sumakit. Bagamat ang kalyo ay hind naman talaga maituturing na sakit, ito ay pwede gamutin kung nagdudulot na ng hindi komportableng pakiramdam.

Katulad ng nabanggit sa unahan ng artikulong ito, may mga malubhang karamdaman na maaaring ang isa sa mga sintomas ay ang pagkakaroon ng kalyo. Sinasabi ng mga pag-aaral na isa sa nakamamatay na sakit ay tinatawag na esophageal cancer at isa sa sintomas nito ang pagkakaroon ng kalyo.

Ayon din sa pananaliksik, ang genes na iRHOM2 na siyang dahilan ng pagkakaroon ng esophageal cancer ang siya ring genes na komokontrol sa keratin. Ang protein na nasa ibabaw ng balat ay siya ding nagiging sanhi ng kalyo. Kapag ang kalyo ay hindi normal at sobrang laki ang sukat, ito ay puwedeng maging dahilan ng sakit na esophageal cancer.

Hindi naman lahat ng may kalyo ay nagiging cancer. Ngunit importanteng malaman na kasabay ng abnormal o sobrang laki ng mga kalyo sa ganitong uri ng sakit, ay ang pagkakaroon din ng ibang sintomas tulad na lamang ng hirap sa paglunok ng mga pagkain tulad ng gulay, karne at tinapay. Ang may ganitong kondisyon ay mayroon ding sintomas na pagsusuka. Bukod sa esophageal cancer, ang mga kalyo ay maaari ring maging sintomas ng mga sakit sa organ.

Narito ang mga kalyo at sakit sa organ, at sa mga parte ng katawan na puwede itong tumubo:

  • Ang kalyo sa palibot ng sakong ay maaaring indikasyon ng pagkakaroon ng problema sa kasu-kasuan.
  • Kapag ang kalyo ay tumubo sa kanang bahagi ng paa, at ito ay may abnormal na laki, ito ay maaaring dulot ng sakit sa atay.
  • Kapag ang abnormal na kalyo naman ay tumubo sa kaliwang bahagi ng paa, ito ay maaaring sintomas ng sakit sa puso.

Mga karaniwang dahilan ng kalyo sa kamay at paa

Minsan ka na bang nagtaka kung bakit ka may kayo? Inisip mo marahil kung ano ang pinagmulan ng pagsulpot nito sa iyong balat. Narito ang ilang mga karaniwang sanhi ng kalyo:

  • Dahil sa pagsuot ng maluwag na sapatos — ang pagsuot ng maluwag na sapatos ay maaaring magdulot ng pagkiskis ng balat sa sapatos at maging sanhi ng pagkakaroon ng kalyo
  • Pagsuot ng sapatos ngunit hindi nagsuot ng medyas
  • Ang paulit-ulit na paggamit ng iisang bagay gamit ang kamay ay pwedeng maging dahilan ng kalyo sa kamay
  • Kapag matagal na nakatayo gamit ang mataas na takong ng sapatos ay pwede ring maging dahilan ng kalyo sa paa
  • Palagiang pagtakbo
  • Palaging pagamit ng mga kagamitan sa sport, o gamit sa pagtugtug ng musika

Sintomas ng kalyo

Maraming sintomas ang pagkakaroon ng kalyo. Ilan na rito ang magaspang, matigas at dry na balat. Ang mga bahagi ng katawang may kalyo gaya ng kalyo sa kamay at paa, kung minsan, ay nasa tuhod. Sa mga bahaging ito, maaaring kulay gray yellow ang kalyo.

Kaylan kailangang pumunta sa doktor?

Huwag isiping OA na kung pupunta pa sa doktor kahit kalyo lang ang mayroon ka sa balat. Aba! Kapag ang hindi na pangkaraniwan ang hitsura ng kalyo at sumasakakit ito, hudyat na para ikaw ay kumonsulta sa iyong doktor. Ang abnormal na kalyo ay puwedeng dahilan ng mga malubhang karamdaman. Ang doktor ay magsasagawa ng mga pagsusuri upang matukoy ang tunay na kondisyon at mabigyan ng tamang gamot.

Ang mga matatanda at mga may diabetes, ay nagkaroon ng kalyo at sumasakit ito. Sila ay kailangang kumonsulta sa doktor sa mga ganitong pagkakataon. Kapag may sugat at pamamaga na sa kalyo, ito ay dapat na ring patingnan sa doktor. Baka kakailanganin na nito ng isang minor operation. Ito ay para maalis na ang fliud sa parte ng katawan at para matuyo ang kalyo. Sa ganitong mga pagkakataon, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotic ang doktor upang maiwasan ang posibleng komplikasyon nito.

Para naman sa mga pangkaraniwang kalyo sa kamay at paa, may mga remedyo na maaaring subukan.

Mga natural sa paraan at remedyong pwedeng gawin para sa kalyo sa kamay at paa

Ibabad ang kalyo sa kamay at paa, siko at tuhod sa maligamgam na tubig. Nakatutulong ito para lumambot ang mga dead skin at kalyo kaya madali itong tanggalin.

Paraan:

  • Ibabad ang kalyo sa kamay at paa sa maligamgam na tubig ng 10-15 minuto upang lumambot ang kalyo.
  • Marahang hilurin ang kalyo sa kamay at paa at pati na rin sa ibang bahagi gaya ng siko at tuhod.

Para madaling matanggal ang kalyo sa kamay at paa, gumamit ng batong panghilod. Isang malinis at makinsis na bato ang gamitin upang hindi makakasakit sa balat kapag ginamit. Gawin ito nang tuloy-tuloy sa loob ng isang linggo, mas epektibo kung gagawin ito sa gabi bago matulog.

Isang pang paraan para mawala ng kalyo sa kamay at paa ay ang paggamit ng moisturizer sa balat. Gumamit ng mga natural na moisturizer tulad ng Vitamin E oil, cucunut oi (oil na galing sa niyog) olive oil, at aloe vera. Ang mga ito ay mabisang pantanggal ng kalyo sa kamay at kalyo sa paa.

Ang kalamansi ay isa ring natural na pantaggal ng kalyo sa kamay at paa. Ibabad ang bahagi na may kalyo sa katas ng kalamansi ng ilang minuto o kaya ay hayaan itong matuyo sa balat pagkapatos ay banlawan.

Narito naman ang ilang karagdangan paraan at remedyo para sa kalyo sa kamay at paa:

  • Suka – ilagay sa cotton ball, iwan ito ng magdamag at saka banlawan
  • Sibuyas – hiwain ang 2 pirasong sibuyas, ilagay sa kalyo at bigkisan, iwan nang mgdamag at saka banlawan.
  • Castor oil – lagyan ng castor oil ang kalyo sa kamay at kalyo sa paa. Ulit-ulitn ito hanggang sa mawala ang kalyo.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga remedyong puwedeng gawin para mawala ng kalyo sa kamay at paa. Kapag may mga iba pang sintomas at abnormal na pakiramdam sa kalyo, ito ay kaagad nang ikonsulta sa doktor.

KATULAD NA MGA ARTIKULO