Anu-ano Ang Mga Epektibong Gamot Pang Rebond ng Buhok?

Karamihan sa mga babae ay conscious sa kanilang buhok, kaya naman marami silang style na ginagawa sa kanilang buhok. Minsan depende sa haba, o kaya sa sa hair texture ang kainlang ginagawang style sa buhok nila. Marami rin minsan ang nai-irita kapag buhaghag at hindi nasa ayos ang buhok nila. Ang buhaghag na buhok ang malimit na problema ng mga babae. Ang mga ginagawang style sa buhok kadalasan ay panandalian lamang ang epekto nito, pagkatapos ng mga ilang oras ay babalik din ito sa dati. Kaya naman maraming mga babae ang napapatingin at humahanga kapag nakikita nila ang mga kapwa babae na maganda mahaba at bagsak ang buhok. Kaya dahil dito ay marami na ang nag papagawa ng kanilang buhok ang hair- rebonding, at usong- uso na rin ito ngayon. Ano ang hair- rebonding? At ano ang gamot na pang rebond ng buhok?

Mga gamot pang rebond ng buhok

Ang buhok ay maaring gawing straight na paulit-ulit ngunit ito ay temporary at madaling bumalik sa dati. Ang hair-rebonding ay halos katulad lang naman ng hair straightening, ang pagkakaiba lamang ay ang ginagamit na gamot o chemicals. Ang buhok ay mayroong natural na bonds cells, nasisira lamang ito dahil sa mga chemical na ginagamit sa buhok. Ang relaxant o sotftener ay maaring sumira ng bond ng buhok, ngunit ang neutralizer naman ang aayos at magre-rebond nito. At kapag natapos na ang hair-rebonding magiging maganda na ang texture ng iyong buhok, at tiyak na masisiyahan ka sa resulta nito.

Mga hakbang o steps sa pag rebond ng buhok

  1. Hugasan ang buhok, gumamit ng mild na shampoo at banlawan ng mabuti. Huwag gumamit ng conditioner sa pagkakataong ito.
  2. Patuyuin ang buhok, maaring gumamit ng fan, o patuyin lamang sa natural na paaraan. Hindi ipinapayo na gumamit ng hair dryer, maliban na lamang kung nagmamadali ngunit siguraduhin na nasa medium settings ito, ang sobrang init ay maaring makasira ng buhok.
  3. Hatiin ang buhok sa tamang section, lagyan ng relaxant cream ang bawat section siguraduhin na nalalagyan ng cream ang lahat ng strands ng buhok at walang makakaligtaan.
  4. Pagkatpos na malagyan ng cream ang buhok iwan ito ng mga 30 minuto o higit pa, depende sa uri ng buhok, mayroong mga buhok na 30 minuto lamang ay straight na, mayroon namang mga buhok na dry at sobrang buhaghag kaya natatagalan. Mag-ingat din na huwag matagalan ng sobra, maaari din itong makasira ng buhok.
  5. Kapag natapos na ang tamang oras, kailangan na i-steam ang buhok ng mga 40 minuto depende sa texture ng buhok. Gawing ito ng may pag-iingat.
  6. Pagkatapos ng steaming session banlawan ng mabuti ang buhok hanggang sa maubos o mawala lahat na gamot pang rebond ng buhok, o straightening cream. Pagkatapos banlawan patuyuing mabuti ang buhok.
  7. Kapag tuyo na ang buhok lagyan ng keratin lotion at gumamit ng plantsa sa buhok o flat iron. Ang plantsa o flat iron ang tutulnog para ma-straight lahat ang buhok, kahit na kulot ay magiging straight dahil sa plantsa.
  8. Pagkatapos plantsahin ang buhok hatiin ulit sa tamang section ang buhok. At pagkatpos ay ilagay na ang neutralizer sa buhok. Ang neutralizer ang nag-aayos ng bond at ng structure ng buhok. Hayaan ang neutralizer sa buhok ng mga kalahating oras o 30 minutes, pagkatapos ay banlawang mabuti. Pagkatapos na mabanlawan ang buhok patuyuin at i-blow dry.
  9. Pagkatapos na matuyo ang buhok ay lagyan ng hair serum, ang hair serum ay tutulong para ma nourish ang buhok. Pagkatapos na malagyan ng serum ay plantsahin muli ang buhok, para sa pinakamagandang resulta.

Narito ang ilang gamot pang rebond ng buhok

  • Ahglow hair straightening cream and neutralizer
  • Loreal hair straightening cream and neutralizer
  • Matrix hair straightening cream and neutralizer
  • Wellastrate hair straightening cream and neutralizer
  • Shesiedo hair straightening cream and neutralizer
  • Hortaleza hair straightening cream and neutralizer

At marami pang iba.

Marami pang gamot pang rebond ng buhok, maaring sumangguni sa isang hair specialist, o kaya ay pumunta sa isang hair salon.

Mga side effects na maaring idulot ng gamot pang rebond ng buhok

  • Pagkatapos ng hair rebonding ay kailangan ng buhok ng extang alaga. Sa unang isang buwan ay hindi dapat itaas sa tenga ang buhok dahil maaring masira ang pagka-straight nito.
  • Nang dahil sa ginawang procedure at mga ginamit na chemical ay maaring ma-irita ang scalp o anit sa ulo.
  • Mayroon din minsan na dahil sa mga chemicals ay nagdulot ito ng hair loss pagkatapos ng rebonding.

Ang rebonding ay tumatagal ang epekto kaya hindi na kaagad maibabalik sa dati ang buhok kung sakaling magsawa na ang nag pa-rebond.

Mga paraan para ma-maintain ang magandang buhok pagkatapos ng re-bonding

  1. Gumamit ng shampoo na specific para sa straight na buhok, at pagkatapos mag shampoo ay gumamit ng hair conditioner
  2. Pagkatapos patuyuin ng towel ang buhok ay gumamit ng serum para maging shiny at magandang tingnan ang buhok.
  3. Ugaliin ang regular oiling ng buhok, para ma-nourish ng buhok, maari din na gumamit ng mga home made katulad ng olive oil na mayroong itlog aloe vera gel or curd. Gawin ito ng isang beses sa isang linggo.
  4. Steaming makakatulong ito para maging healthy ang buhok, pwedeng gumamit ng maligamgam na towel, balutin ang buhok para maging maganda at makondisyon ang buhok.
  5. Para maging maganda ang buhok kailangan din na kumain ng masustansiya at balanseng pagkain, makakatulong din ang nuts at sprouts.
  6. Huwag itali kaagad ang buhok pagkatapos ng re-bonding sa loob ng isang linggo o higit pa.
  7. Siguraduhin na gumamit ng shower cup sa mga panahon na hindi pa maaaring basain ang buhok pagkatapos ng rebonding.
  8. Siguraduhin na masusunod ang 3 araw na hindi dapat basain ang buhok pagkatapos ng rebonding
  9. Alagan na mabuti ang buhok para tumagal ang epekto ng hair rebonding, ito ay tumatagal ng 6-7 months depende sa pagtubo ng buhok.

Ang hair rebonding ay napatunayan na maganda ang resulta, kaya naman marami na ang gumagawa nito. Ang pagpili ng tamang gamot pang rebond ng buhok ay makabubuti dahil nakasalalay dito ang magandang resulta ng hair rebonding. Ang tamang pangangalaga ng buhok pagkatpos ng rebonding ay makatutulong para sa malusog, maganda at shiny na buhok. At higit sa lahat ay kumain ng masustansya at balanseng pagkain para maging malusog hindi lamang ang buhok kung hindi pati na rin ang buong katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO